Second >>

151 5 2
                                    

Mabilis lang lumipas ang mga araw. Kung dati linggo pa ang binibilang bago ang kasal namin ni Warren ngayon araw nalang. The day after tomorrow will be my wedding day. The most awaited day for every girl's life aside from debut. The day when Warren and I will be together as one. Akala ko noon ang relasyon namin ay isang fling lang na mauuwi din sa break-up gaya ng sa karamihan. Ni minsan kasi hindi sumagi sa isip ko na ganito, na kakausapin niya ko tungkol sa future namin. Kaya noong inaya niya kong magpakasal, I was so speechless that time. Hindi ko man siya nasagot ng maayos pero alam ko at masaya ako na nakikita niya yung future para aming dalawa.

Busy si Warren sa trabaho niya ngayon kasi bukas simula na nung bakasyon niya. Tinapat niya daw talaga yun sa araw bago ang kasal namin para daw wala na muna siyang iisiping trabaho hanggang matapos daw ang honeymoon amin. Charaught lang! XD

Bukas din ang dating nila Mommy at Daddy galing sa States kasama sila Granny. Residente na sila Mommy dun dahil sa tagal na nilang nagtatrabaho dun. Kaya nga nakuha nadin nila sila Granny para daw may makasama sila doon. Tsaka para nadin daw mas maalagaan nila sila Grany at Grandpa. Kami nalang ni Kuya ang naiwan dito sa Pilipinas. Kaya lang si Kuya kasi may asawa nadin kaya madalang nalang din siyang pumunta dito sa bahay. Minsan kapag bumubisita siya dito kasama niya si Ate Max, yung asawa niya padin si Baby Xavier. *Sigh* Nakakamiss tuloy sila. Siguro bukas pupunta din sila dito pagkauwi nila Mommy.

Hm. Nagtataka ba kayo kung sino yung nag-aasikaso ng kasal namin? Oo hindi nga ako pero hindi din naman si Warren noh. Napagkasunduan kasi ng parents namin na kumuha nalang ng wedding organizer para nadin daw hindi kami ma-stress nitong si Warren. Pero pagdating sa susuotin namin sinabi naming kami nalang ni Warren ang bahala dun. Ayaw din naman kasi namin na sila nalang gumawa ng lahat para sa kasal. Kaya naman kahit doon lang eh kami na ang trumabaho.

*Ding Dong!*

*Ding Dong!*

*Ding Dong!*

Napatayo ako sa sofa at pumunta sa intercom na naka-connect sa may labas ng gate kasama nung doorbell.

"Yes? Sino po sila?" Tanong ko sa taong nagdoorbell. Pero wala namang sumasagot kaya nagsalita ulit ako.

"May tao pa ba diyan?" Hinintay ko na may sumagot pero wala padin talaga kaya naman tinawag ko na yung isa sa mga maid dito sa bahay para tignan kung may tao ba doon sa may labas.

"Ah Lady Zamantha wala pong tao sa labas eh." Sabi nito sa akin pagkabalik niya.

"Ganun ba? Hayaan niyo nalang po. Baka yung mga bata nanaman dito sa Subdivision."

"Pero nakita ko po ito na nasa labas." Sabay abot sa akin ni manang yung box.

"Ah sige po. Salamat po manang." Iniwan naman na ako ni manang dito sa sala at bumalik na siya sa trabaho niya.

Tinignan ko muna yung box kung may card ba dito kung kanino ito nanggaling pero wala naman akong nakita. Dahil nadin sa curiosity eh binuksan ko na yung kahon. Isang bote ng yogurt, a home-made yogurt drink. At may note na I love you. Isa lang ang alam kong gumagawa ng home-made yogurt para sakin, si Warren. Kaya naman napangiti nalang ako at naiiling. Butio nalang at medyo malamig pa kaya naman ininom ko na ito agad. Nang maubos ko na ito ay tinapon ko na yung bote at umakyat na ako sa kwarto ko. Sinabi ko din sa mga kasambahay na mauna na silang kumain ng dinner at ipagtabi nalang ako sa ref.

Nang makapasok ako sa kwarto ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa malambot kong kama. Maya-maya lang ay parang may kakaiba na kong araramdaman. Para bang di makagalaw ang buong katawan ko.

*Phone vibrates*

+63917******* calling ...

Unknown number? Pinilit kong abutin ang phone ko na nasa side table ng kama para sagutin yung tumatawag.

"H-hello?" Pati sa pagsasalita ay nahihirapan nadin ako.

"Masarap ba yung yogurt?" Hindi ko ito sinagot bagkus ay nagtanong din ako.

"S-sino ka? B-bakit ka t-tumatawag s-sa akin?" Hindi ko magawang makapagsalita ng maayos dahil sa nararamdaman kong kakaiba sa buong katawan ko.

"Ouch! Ang sakit naman nun. Hindi mo na ba talaga ko maalala?" Pilit kong inaala kung sino ang may-ari ng boses lalaki na iyon.

"Ang bilis mo naman makalimot Kisha." Y-yung pagtawag sakin nun. S-siya lang ang tumatawag sa akin noon sa second name ko. At yung b-boses na yun.

"I-ikaw?" Pag-aalangang tanong ko dito pero sure ako, isa lang ang tumatawag sakin sa akin ng Kisha maliban sa pamilya ko.

"Naalala mo na? At oo nga pala. Ako din ang nagpadala nung yogurt para sayo. At kung mapapansin mo nilagyan ko ito ng konting twist." Ngayon naaalala ko na talaga kung sino ang nag-mamay-ari ng boses na iyon.

"A-anong nilagay mo dun sa yogurt?" Habang tumatagal mas lalo akong nahihirapan. Medyo nahihilo nadin ako.

"Hm. Nilagyan ko lang naman yun ng pampa-manhid  sanhi para unti-unting mahirapan yang katawan mo at mahilo ka."

"B-bakit? B-akit mo nagawa i-ito sakin?" Sobrang nahihirapan na ako at naiiyak nadin ako dahil parang anytime bibigay na ang katawan ko.

"TINATANONG MO PA KUNG BAKIT? kASI AYOKONG MAGING MASAYA KA! ---

Sumisigaw na siya sa kabilang linya.

--- AYOKONG MABUHAY KA NG MASAYA HABANG AKO NAGPAPAKA-MARTYR MAPALAPIT LANG SAYO ---

Di ko pa maintindihan kung bakit niya nagawa sakin ito.

--- LAHAT GINAWA KO PARA MAPANSIN MO. LAHAT NG AYAW KO GINAWA KO PARA LANG MAKASAMA KITA KASI ---

Unti-unti ng bumibigay ang katawan ko hanggang sa hindi ko na narinig pa ang mga sumunod na sinabi niya.

I Killed Her Because I Love Her. (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon