Antoine's POV
10 years ago ...
Naglalakad ako sa hallway ng school namin papunta sa classroom. Same routine, may babaeng tumatawag sakin para bumatin ng Hi/Hello. Minsan binabati ko din naman sila minsan naman nginingitian ko nalang. Papasok na sansa ako sa classroom ng may marinig ako sa di kalayuan.
"Ano Zam? Hindi mo ba ibibigay samin yang notebook mo?" Sabi nung isang babae na nakaharap kay Kisha.
"Dalian mo na. Malapit ng magbell at wala pa kaming assignments." Sabi pa nung isa. Tatlo yung babaeng naka-corner kay Kisha at sigurado akong kaklase din namin yung mga yun.
"Ibibigay mo ba o hindi?" Nakita ko namang hindi kumikibo si Kisha. Hindi ko alam kung natatakot ba siyang magpakopya at mahuli o natatakot siya pambubully sakanya. Di na ko nagdalawang-isip at lumapit na sakanila.
"Kapag hindi mo binigay yang notebook mo hindi mo magugustuhan ang ---" Hindi pa man natatapos sa pagsasalita yung mukhang leader sakanila eh sumabat na ako.
"Anong hindi niya magugustuhan?" Nakita kong nagulat sila ng magsalita ako sa likod nila.
"A-antoine? Si Allyson pala. Ang leader sakanilang tatlo at kilalang may gusto sakin.
"Ano?! Sumagot kayo!" Hindi ko naman ugaling manigaw ng babae pero di ko din naman ugaling pabayaang makitang inaapi ang isang babae na walang kalaban-laban.
"H-hindi. W-wala kaming ginagawa kay Zam." Nauutal na sagot sakin ni Allyson.
"Kung gusto niyong pumasa matutuo kayong gumawa ng leksyon! Hindi yung nananakot kayo ng kung sinu-sino para lang makakopya kayo!" Nakita ko ang pamumutla sa mga mukha nila.
"Mag-sorry kayo kay Kisha at mangako kayo na hindi niyo na siya guguluhin pa. Dahil kung hindi, ako ang makakaharap niyo kahit babae pa kayo."
"S-sorry Zamantha. H-hindi na namin uulitin to." Pangunguna ni Allyson sa pag-sosorry at sumunod din naman yung dalawa pa niyang kasama.
"O-oo nga. P-promise hindi kana namin g-guguluhin." Sabay takbo nung tatlo papasok sa classroom.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Kisha at lumapit dito.
"O-oo. S-salamat." Ramdam kong may takot padin itong nararamdaman.
"Huwag kanang matakot. Simula ngayon ako ng magtatanggol sa lahat ng mang-aapi sayo." Ewan ko pero bigla ko nalang itong nasambit. Nakita kong tumingin siya sakin. Kaya naman nakita kong mabuti ang mukha niya. Maganda siya pero di maipagkakaila na mas maganda siya sa malapitan. Brown eyes, pointed nose at... at kissable lips.
"T-talaga?" Nadistract naman ako ng magsalita siya mkaya naman medyo nahiya ako. Baka napansin pa niyang nakatitig ako sa mukha niya.
"O-oo. Andito lang ako palagi kapag kailangan mo ko." Ngumiti ako para mawala ng konti yung awkwardness na nararamdaman ko.
"Salamat Antoine."
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Simula nun lagi ko na siyang nakikitang nakangiti. Lalo na nung nalaman ko na silang dalawa nalang pala ng kuya niya ang magkasama sa bahay nila pati mga maids dahil nasa states ang parents niya pati lolo't lola niya. Simula din nun naging mag-bestfriend na kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/21555204-288-k63125.jpg)