- H o l d O n -

199 14 2
                                    

Walang ginawa si Chaeyoung kundi makaramdam ng malakas at sariwang ihip ng hangin habang ninanamnam niya ang espesyal na sandaling kasama ang minamahal.

"Naalala mo pa ba nung una tayong nagkakilala?" Tanong ni Chaeyoung sa pinakamamahal niya, si Dahyun.

Ngumiti siya't sinimulang alalahanin ang mga unang pagkakataon ng pagkikita nila. Hindi siya nakatanggap ng anomang sagot sa minamahal ngunit hindi ito naging hadlang para magpatuloy siya sa pagsasalita.

"Palagi kitang inaasar noong college tayo. Hindi ko alam kung anong dahilan. Basta alam ko, natutuwa akong asarin ka."

Noong una'y hindi pa malaman ni Chaeyoung ang dahilan ng pang-aasar niya sa minamahal ngunit nung tumagal, napagtanto niyang may isang bagay pala siyang gustong-gusto makuha sa dalaga.

"Narealize ko na gusto ko palang magpapansin sayo. Nakakatuwa, diba? Haha. Gustong-gusto kong napupunta sakin ang atensyon mo kahit na madalas mo kong sungitan noon."

Napatawa na lang si Chaeyoung habang inaalala ang mga panahong halos tadyakan na siya ng dalaga sa sobrang inis.

"Hanggang sa naasar ka na talaga sakin. Sinabi mong lubayan na kita dahil hindi na nakakatuwa kaya naman nagdesisyon akong magtapat na sayo ng nararamdaman ko. Gulat na gulat ka noon. Hindi mo in-expect na ang tulad kong buraot sa buhay mo, magkakagusto pala sayo. Ang weird, diba? Crush na crush kita noon eh."

Napakamot-ulo si Chaeyoung habang sinasalaysay ang mga nangyari sa nakaraan.

"Isa pa. Naalala mo noong ipinagsigawan ko sa buong university na gusto kita? Hindi ko na pinansin yung sasabihin o iisipin ng iba. Basta nasa isip ko noon, gusto kong mapatunayan sayo na sincere talaga ako."

Kung may isang rason man kung bakit naging makulay ang buhay ni Chaeyoung, walang iba 'yun kundi si Dahyun.

"Ang tagal kong nanligaw sayo. Sinabi mong hindi ka pa ready kaya naghintay ako. Hanggang sa bigyan mo na ko ng pagkakataon. Napagkasunduan nating i-level up 'yung kung anong meron tayo. Naalala mo nung first date natin sa Namsan Tower? Sobrang saya ko nun kasi inamin mong gusto mo rin ako."

Hindi mapigilang kiligin ni Chaeyoung habang inaalala ang sandaling naging official silang magkasintahan ng minamahal.

"Worth it 'yung paghihintay ko. Ako na yata ang pinakamasayang tao sa mundo noon. Abot-tenga na nga yung ngiti ko eh. Matapos ng araw na 'yon, naging maganda ang mga sumunod na nangyari. Ang dami nating masasayang ala-ala nang magkasama. Nagtulungan tayo para makamit ang mga pangarap nating dalawa. Nagtagumpay naman tayo dahil nakagraduate tayo nang sabay. Nangako pa nga tayo sa isa't-isang walang iwanan eh. Look, suot ko pa yung singsing ko. Suot mo pa rin 'yung sayo."

Pinagmasdan ni Chaeyoung ang suot niyang singsing. Iba yung pakiramdam kapag suot nila pareho ang singsing na nagsisilbing pangakong walang iwanan. Pakiramdam niya sila na talaga hanggang dulo. Pakiramdam niya si Dahyun na ang kaisa-isang pakakasalanan niya.

"Wala nang mas sasaya pa sa segundong kasama ka. Bawat araw at oras na magkasama tayo, nakakatuwa. Palagi mo kong napapatawa. Palagi mo kong napapasaya. Look! Dala ko 'yung photo album nating dalawa. Ang dami pala talaga nating pictures nang magkasama. Nakakatuwa."

Sinimulang buklatin ni Chaeyoung ang photo album para mas maalala ang masasayang ala-ala ng nakaraan.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hold On [DubChaeng One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon