Chapter 5

3 1 0
                                    

Asia

Nandito ako ngayon sa labas ng dorm building naming babae upang hintayin si Arion, sabay kasi kaming papasok ngayon may usapan kami kahapon.

"Goodmorning Asia" Napalingon naman ako sa bumati sakin. Yung dyosa

"Magandang Umaga din" Nahihiya ko ding bati sakanya.

"Tara sabay na tayo" Sasabihin ko sana na mauna na siya dahil hinihintay ko si Arion at nakakahiya din sakanya ng may sumigaw sa pangalan ko. Speaking of the devil.

Pariho kaming napalingon nitong dyosang ito,nakalimotan ko ang pangalan. Si Arion na hinihingal na huminto sa aming harapan nahiya naman ito ng mapansin si dyosa.

"T-tara" Ngumisi nalang ako ng may tukso sakanya at umuna ng lumakad lumingon muna ako sa likod at nakita kong magkasabay silang naglalakad at mukhang nag-uusap din. Napangiti nalang ako.

Ilang minutong paglalakad ay nasa tapat na kami ng pintuan ng magiging room namin.

"A-ah salamat sa pag hatid samin, di kana sana nag-abala" Kamot batok na sabi ni Arion. Itong si dyosa kasi nag insist na ihatid kami. Ang bait.

Ngumiti lang ito samin at nagpaalam na, hinatid naman siya ni Arion ng tingin. Nang hindi namin siya nakita ay napatingin ito sakin. Ngumiti naman ako ng nakakaloko sakanya.

"A-ano?" Umiling lang ako at binuksan na ang pintuan. Marami-rami na din sila, mukhang kami na nga lang yung kulang. Buti hindi pa kami late. Umupo na kami sa bakanteng upuan doon sa bandang likod at as usual magkatabi kami nitong si Arion.

Pagka-upo na namin ni Arion ay yung pa lang ng pagdating ng magiging instructor namin, kaya sabay-sabay kaming tumayo at binati siya ng magandang umaga. Babae ito.

"Goodmorning din! Maupo muna kayo" Sumonod naman kami. Napansin naming may nabuboung salita o pangalan sa white board. Clara

"Ako ang magiging guide niyo pagdating sa History. Hindi yung tinuturo sa inyo nung kayo ay nasa labas pa ng lungsod na ito kundi kung bakit nabou ang ETB, kung ano ang ETB at ang purpose niyo dito" Patuloy padin kaming tahimik na nakikinig sa kanya. Akala ko pa naman magtra-training na.

"Sa ngayon, di muna ako magsisimula dahil ito palang ang inyong unang klase atsaka dalawang oras tayong magsasama. Gusto kong mag form kayo ng circle gamit ang inyong upuan" Ginawa naman namin ang sinabi niya at gumawa ng malaking bilog pero si Ms. Cara ay nasa labas lang ito ng bilog.

"Gusto kong magpapakilala kayo sa isa't-isa. Ikaw na mauna" tukoy niya sa lalaking may dark blue na buhok. I'm not really good in names kaya diko masyadong matandaan mga pangalan nila nagpakilala sila ng nagpakilala hanggang sa ako na.

"I'm Asia." Kasunod ko naman si Arion. Hanggang sa natapos na.

"Hindi kayo pumunta dito para magpakasaya, alam nyo yan diba? Nandito kayo para mag training para sa Enchanted World. Ang purpose ng history na ito ay para alam nyo kung ano ang pinaglalabanan nyo. Total ilan sa inyo ay bago palang dito. I will dismiss you early today. You can do whatever you want but I highly suggest na magbasa-basa kayong mga bago atleast may alam kayo ng konti at hindi kayo mabehind masyado. That's all, you can go"


******
Enjoying? Press Vote

La Ciudad Blanca: 𝙏𝙝𝙚 𝙐𝙣𝙠𝙣𝙤𝙬𝙣 𝙋𝙤𝙬𝙚𝙧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon