Chapter 6

7 1 0
                                    

Asia

"Library tayo?" Tanong ko kay Arion habang naglalakad kami sa malawak na pasilyo. Huminto naman ito atsaka tumingon sakin na nakataas ang kilay. Bakla talaga

"Masipag at Masunurin ka pala?" Inikotan ko nalang siya ng mata at ngumisi naman ito.

"Kung ano man yang nasa isip mo sigurado akong wala nanaman yang kwenta" Nakapoker face kong sabi. This time ang kanyang mata nanaman ang umikot

"Duh! Lalabas lang naman tayo para mamasyal babalik din tayo" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya at binatukan siya

"Siraulo ka talaga! Alam mo namang bawal yun gusto mo sigurong maparusahan sa first day mo dito ah"

"Ayoko mag aral eh iba nalang gawin natin" Napaisip naman ako, sa katunayan di pa namin nalibot itong ETB masyadong malaki at malawak dahil narin training ang ipinunta namin dito hindi pag-aaral. Aha!

"Duel tayo! Let me see what you got bakla HAHA" Sabi ko ng may nanghahamong tingin at ngumisi

"Wow ikaw pa talaga nanghamon. San mo gusto?" Nakangisi din nyang sagot. Ito siguro ang dahilan kung bakit mabilis kaming nagkasundo sinasakyan namin ang trip ng isa't isa at nagkakaintindihan talaga kami haha

"Sa training room nalang para hindi ka mapahiya" Sabay tawa ko ng malademonyo sa kanya. Tumawa nalang siya at sinabayan akong maglakad papuntang training room

Pero napahinto din ako dahil nakaramdam ako ng gutom tanga ko naman di pala ako kumain ng breakfast kanina.

"Canteen muna tayo hindi pala ako kumain kanina nagutom ako bigla" Tinignan naman nya ako at ngumisi

"Weh? Baka nanginginig ka lang sa takot baka umiyak ka pag naglaban tayo" Binatukan ko tuloy at umibang daan patungong canteen

Ilang minuto ang nakalipas mukhang naligaw yata kami

"Hoy nasaan na tayo di naman dito ang daan sa canteen ah" Sabi ni Arion na nakasunod sa aking likuran

"Alam mo naman pala ba't di moko pinigilan alam mo namang di ko parin kabisado tong lugar nato" Napatampal naman siyang kanyang noo pero bigla kaming natigilan ng may nadinig kaming kalabit ng bakal

"Mukhang may tao tara silipin natin" Dahan-dahan naming nilapitan ang nag iisang kwarto dito sa parte nato. Isa itong maitim na double door masyadong liblib ang lugar nato kaya kaming dalawa lang yata dito.

"Ikaw na magbukas dahan-dahan lang baka makita pa tayo dito tignan mo may nakasabit na bawal" Tinignan ko naman ang sinabi ni Arion at tama nga siya. Bakit ba napadpad kami dito.

Dahan-dahang pinihit ni Arion ang isang pinto ng double door. Unti unti itong nailawan dahil na din sa ilaw sa hallway unti unti nadin naming nakita ang isang lalakeng duguan at walang damit, maraming nakatusok na bakal at nakagapos ang dalawang paa.

Nagkatinginan kami ni arion at parihong nanlaki ang mata, hindi din kami nakapagsalita. Ilang segundo natauhan kami dahil may nadinig kaming paparating na mga boses dali-dali kong hinila sa loob si Arion at nagtago buti nalang walang ilaw dito sa loob

Palapit na palapit ang boses at nanlaki ang mata ko ng marealize na hindi naisara ni arion ang pintuan

Aish talaga naman oh

Lalapitan ko na sana ang pintuan upang isara ng matigilan kami

"May nakapasok dito"

Patay....

******
Enjoying? Press Vote

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

La Ciudad Blanca: 𝙏𝙝𝙚 𝙐𝙣𝙠𝙣𝙤𝙬𝙣 𝙋𝙤𝙬𝙚𝙧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon