CHAPTER - 2

30 2 0
                                    




Nagising ako dahil sa sinag nang araw, nagtataka nga ako kung bakit eh sarado naman ang kurtina ko sa kwarto.

"Maam pasensya na po,nautusan po kasi ako na gisingin na kayo" kaya naman pala "It's ok yaya, bakit nga po pala ako pinapagising?"

"May bisita po kasi kayo maam, sige po una na ako" tumango nalang ako.

Tinignan ko ang relo ko, 8:37 pa naman ah parang masyado naman atang maaga ang bisita ko.

Naligo muna ako at nagbihis bago bumaba.

"Babeee!!!!!!" Huh? Sino yun?

Pagtingin ko sa kanan ay nakita ko si Andy na tumatakbo papunta sakin at nakahanda nang yumakap, syempre nabigla ako kaya ayun umiwas ako sa kanya at siya naman ay napunta dun sa wall.

"Andy?!"

"Babe ano ba! Bakit ka umiwas?! Yan tuloy muntik na akong magkabukol huhuhu" maemosyonal na saad ni Andy.

"Kasalanan ko ba yun? Pabigla-bigla ka kasi eh" painosente kong sagot "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Ang aga pa kaya"

Nag eye-roll pa talaga siya "Mygadd Babe nakalimutan mo ba usapan natin kagabi?"

"Yung sabay tayo magmall?"

"Malamang! Eh bakit? Meron ba tayong ibang pinag-usapan kagabi? Wala naman diba?"

"Tss kung alam ko lang ay hindi ka naman talaga sasama sakin eh, ginamit mo lang akong excuse sa dad mo."

Tumalikod na ako papuntang kusina para kumuha ng breakfast.

"H-ha?! Hi-hindi ah! Sasama naman talaga ako s-sayo noh!" Nininerbyos pa ato tong mokong nato kasi baka pagalitan ko eh.

"Ba't ka nauutal dyan?"

" 'Di kaya!"

"Alam ko may date kana naman, wag mo nang ideny"

Kinuha ko yung cereals tapos nilagyan ng fresh milk.

"Talaga? Di ka magagalit?" Niyug-yog niya ako.

"Mmmhm! Ngayon lang ah?"

"Oo, labyo babe! Hihihi sige kain ka pa" kala niya naman bahay niya to tapos ako ang bisita na pinapakain niya...tss.

Ito kasing kaibigan kung si Zandra Quison o Andy ay napakahilig sa lalaki, kaya nga minsan nagtatampo ako sakanya kasi mas may time pa siya sa mga lalaki niya kesa sakin.

Pinapagalitan ko rin siya minsan kasi nga baka masaktan lang siya, alam niyo naman mga lalaki ngayon wala nang ibang ginawa kundi saktan tayong mga babae -_- kaya ako hindi talaga ako papauto diyan.

Ganito lang talaga ako sa mga taong importante sakin, alam niyo na yung masyadong protective.

Si Andy kakabalik lang dito sa kusina mukhang may nakausap sa telepono.

"Babe una na ako ah! Andyan na sundo ko eh hihihi babawi ako next time" nagbeso muna siya sakin at tumango lang ako.


Umakyat na ako pabalik sa kwarto ko pagkatapos kung kumain.

Siguro mag co-commute nalang ako papuntang mall malapit lang naman.

Simple lang ang suot ko, naka high waist tapos crop top na may sleeves then shoes.

*************************************

Nandito na ako sa mall naglibot-libot muna ako, maaga pa naman.

Habang naglalakad ako, naalala ko na naman tuloy kami ng mom ko nuon...

Tumingin ako sa harapan ko at may nakita akong mag-ina na ang saya-saya habang kumakain ng cotton candy.

Nakakainggit na-

May biglang humablot sakin na lalaki at—

"Miss I'm sorry but I have to do this"

Nagulat nalang ako sa sunod na ginawa niya...

______________________________

(A/N): late na ako nakapag update guys kasi ang busy ko sa IP namin kaya dinali dali ko ang pagtype nito. Gagandahan ko nalang sa chapter 3. Thank you!

She's GirlWhere stories live. Discover now