Ang WHITE LADY Sa COMFORT ROOM (PART 1)

399 11 5
                                    


KASALUKUYAN AKONG NAGTA-TRABAHO SA ISANG UNIVERSITY BILANG INSTRUCTOR. IPINASOK AKO NG AKING TATAY CRISENCIO NA ISANG MATAGAL NANG PROFESSOR DOON. NAGTUTURO AKO NG TECHNICAL WRITING PARA SA MGA PASAWAY PERO COOL NA 3RD YEAR ENGINEERING STUDENTS. SAMANTALANG SI TATAY, P.E. AT COACH NG BASKETBALL TEAM NG ESKWELAHAN.

TANDANG-TANDA KO PA ANG DATE. JULY 23 NANG MANGYARI ITO SA AKIN. KARANIWAN KASI, MAS NAUUNA AKONG UMUWI KESA KAY TATAY DAHIL MAGKAIBA NAMAN KAMI NG TINUTULUYAN. DAHIL MEDYO NAPAAGA ANG DISMISSAL, EH NAGKAROON AKO NG EXTRA TIME PARA PAGBIGYAN ANG REQUEST NG AKING TATAY NA MAG-DINNER DAW KAMI MAMAYA. ILANG BESES NA KASI NIYANG SINASABI SA AKIN ITO KAYA DAHIL MISS KO NA RIN SIYANG MAKAKWENTUHAN NANG SOBRANG HABA AY PINAGBIGYAN KO SIYA TUTAL SIYA RIN DAW ANG TAYA. ANG KONDISYON NGA LANG AY HINTAYIN KONG MATAPOS ANG KANILANG BASKETBALL TRAINING KAYA PINAPUNTA MUNA NIYA AKO SA GYM KUNG SAAN SILA ANDUN. NA-ENJOY KO NAMAN ANG TRAINING NILA AT TILA NANONOOD KA KASI NG TOTOONG LABAN. SADYANG MAGAGALING ANG MGA PLAYERS NA KINO-COACH NI TATAY. HINDI LANG RIN AKO NAG-IISA SA BLEACHERS DAHIL ANDUN DIN ANG BARKADA NG MGA VARSITY PLAYERS AT ANG MGA GIRLFRIENDS NG MGA IYON PERO HINDI KO NA INUSISA KUNG SINO SILA. 

MAKA-SECOND QUARTER PA LANG IYON NG LARO NILA NANG MARAMDAMAN KONG NAIIHI AKO. UMAKYAT AKO SA SECOND FLOOR NG GYM KUNG SAAN ANDUN ANG COMFORT ROOM. NUNG UNA WALA LANG SA AKIN ANG LAHAT. THE USUAL, PARANG SET-UP LANG ARAW-ARAW NG ORAS NG AKING PAG-UWI NA AKO NA LANG ANG NATITIRA AT NAGLALAKAD SA HALLWAY NA TAHIMIK AT WALA NG MGA ESTUDYANTE. MADIDINIG NAMAN DOON ANG ALINGAWNGAW NG SIGAWAN NG MGA NANONOOD NG BASKETBALL GAME. PAPAHINA NANG PAPAHINA ANG MGA TINIG NA IYON HABANG PAPASOK NA AKO NG FEMALE CR. PUMASOK AKO SA CUBICLE NA KULAY ASUL AT GINAWA AKO ANG BUSINESS KO SA LOOB NOON. HANGGANG SA NARINIG KONG UMINGAY AT NAGTAKA AKONG BIGLAAN YATANG BUMUHOS ANG ULAN. PERO TOTOONG UMULAN YUN, MALAKAS. KAYA HINDI KO NA MADINIG ANG UMAALINGAWNGAW NA SIGAWAN MULA SA GROUND FLOOR. 

NANG BIGLA KONG NAPANSIN NA MAY NAGBUKAS NG PINTO NG COMFORT ROOM. MAY ANINO RIN. SA PAKIWARI KO AT BASE SA NAKITA KONG DIREKSYON, NAGTUNGO IYON SA HULIHANG CUBICLE DAHIL NAKITA KONG DUMAAN IYONG ANINO SA HARAP NG KINAROROONAN KO. NOONG UNA'Y HINDI KO PINANSIN DAHIL MAS IMPORTANTE ANG PAG-IHI KO. SA ORAS NA NATAPOS AKO AT AKMANG TUMAYO SA INIDORO, BIGLA KONG NAISIP NA, PARANG WALA AKONG NAKITA NA KAHIT NA PAA MAN LANG HABANG DUMADAAN ANG ANINO KANINA. BIGLA AKONG NANGHILAKBOT PERO HINDI KO PINAHALATA SAPAGKAT MAS NASASAPAWAN NG INGAY NG MALAKAS NA ULAN SA BUBUNGAN ANG AMBIENCE NG CR NG MGA ORAS NA IYON. UNTI-UNTI KONG BINUKSAN ANG PINTO NG CUBICLE AT LUMINGON NANG BAHAGYA SA HULIHANG CUBICLE. NILAPITAN KO IYON NANG KONTING PULGADA SAKA SINILIP NGUNIT LAKING HILAKBOT KO NANG NAKABUKAS ANG PINTO NUN. NAPA-ATRAS AKO SAKA MABILIS NA NAGTUNGO SA LABABO NA KATAPAT LANG NG PINTO NG COMFORT ROOM. MABILISAN AKONG NAGHUGAS NG MGA KAMAY AT NAGHILAMOS DAHIL NAIS KONG MAWALA SA GUNI-GUNI KO YUNG NAIISIP KO NA BAKA MULTO ITO O KUNG ANUMANG PARANORMAL ENTITY O BAKA DULOT NG STRESS O KAYA NADADALA LANG AKO NG LAKAS NG ULAN SA LABAS ... PERO EWAN.

PAGKAMULAT KO MULA SA PAGHIHILAMOS NG TUBIG MULA SA GRIPO, EH MAS LALO AKONG NANGHILAKBOT NANG MAKITA KO MULA SA AKING PERIPHERAL VIEW ANG ISANG PIGURA NG NAKAPUTING BABAE. SA AKING PAGKAKATANDA, TILA NAKAYUKO IYON, BASTA NAKAPUTI AT PARANG KALAT-KALAT ANG BUHOK. LUMAKAS BIGLA ANG KABOG NG DIBDIB KO. HUMIGPIT ANG KAPIT KO SA KANTO NG LABABO HABANG NAKABUKAS ANG GRIPO. SA DI KO MALAMANG SITWASYON PERO MAS NADIDINIG KO ANG LALIM NG AKING PAGHINGA NA PARANG NASAPAWAN ANG INGAY NG BUBONG DAHIL SA LAKAS NG PATAK NG ULAN. TOTOO. GUSTO KONG TUMAKBO PALABAS PERO PARA AKONG NAPAKO SA KINATATAYUAN KO NG MGA ORAS NA IYON. NAKATINGIN LANG AKO SA SALAMIN AT ALAM KONG ANG NAIS NG AKING UTAK AY SUMIGAW AT TUMAKBO PERO HINDI KO MAGAWA. ANG TANGING NAIGAGALAW KO SA MGA ORAS NA IYUN AY ANG AKING MGA MATA. SA KADA GALAW NITO KASABAY NG AKING LALIM SA PAGHINGA AY NAPAPANSIN KO SA GILID NA TILA PAPALAPIT NANG PAPALAPIT ANG PIGURANG IYON. IYONG KUNG PAANO KO LAPITAN PAUNTI-UNTING PULGADA ANG PINTUAN NG HULIHANG CUBICLE KANINA, GANUN NA GANUN DIN SIYA KUMILOS. WALA KONG NAGAWA KUNDI PUMIKIT AT MAGDASAL SA AKING ISIPAN.

HANGGANG SA BIGLANG NAGBUKAS ANG PINTO NG CR AT BIGLA KONG NADINIG ANG MATITINIS NA BOSES NG MGA BABAE. BIGLA AKONG NAPAMULAT NANG ANG ISA'Y BUMATI SA AKIN NG "GOOD EVENING MAM! MAM OK KA LANG?". NAKITA KO SA SALAMIN, YUNG ISANG ESTUDYANTE KO IYON. KASAMA ANG ILAN PANG BARKADA NIYANG BABAE NA NANOOD NG BASKETBALL TUNE UP SA BABA. NAPATULALA AKO NANG ILANG SEGUNDO. PERO SUMAGOT AKO. ANG NASABI KO, "UY, MUSTA! TAPOS NA BA YUNG GAME?!" SABAY BALING SA AKING KALIWA KUNG SAAN KO NAANINAG ANG IMAHE NG ISANG BABAENG NAKAPUTI KANINA. WALA SIYA DUN. WALA! NAKAKATAWA MAN PERO TOTOO NA GANUN ANG NAISAGOT KO. HINDI KO MAIPALIWANAG, ANG HIRAP. KASING HIRAP KUNG PAANO KO MAIPALIWANAG NA MAY BABAENG NAKATAYO SA GILID AT UNTI-UNTING LUMALAPIT SA AKIN. NAKUHA KO RING MAGTANONG SA LIMANG BABAENG ESTUDYANTE KUNG MAY NAKITA BA SILANG LUMABAS NA KASAMA KO. ANG TUGON NILA SA AKIN AY KUNG GURO PO BA? SABI KO, BASTA BABAE. ANG SAGOT NILA, WALA NAMAN DAW SILANG NAKITANG LUMABAS O NAKASALUBONG. NAGULAT PA NGA RAW SILA NA MAKITA AKO SA CR. NAMANGHA PA ANG ESTUDYANTE KO SA PAGSABING, ANG LAKAS NG LOOB KONG MAG-CR MAG-ISA.


TO BE CONTINUED ... 




TRUE STORY BY MA'AM ELOISA JANE MORADOS

WRITTEN BY RJ of PLAKADO Prodaxons (for Hilakbot TV)

NARRATED BY RED

SUBSCRIBE @ HILAKBOT TV You Tube Channel


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ANG WHITE LADY SA COMFORT ROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon