Ang WHITE LADY Sa COMFORT ROOM (PART 2)

215 8 2
                                    


ANG KARUGTONG ... 


HABANG NAGLALAKAD SA HAGDAN PABABA MULA SA CR AY TULOY PA RIN ANG KABOG NG DIBDIB KO. INIISIP KO YUNG NAKITA KO KANINA. INIISIP KO NANG MALAIM KUNG BUKOD SA HININGA KO AY KUNG MAY NADINIG BA AKONG IYAK O NAGSALITA BA SIYA AT HUMINGI NG TULONG PERO WALA AKONG NADINIG. BASTA LUMALAPIT SIYA. HABANG PAPALAKAS NANG PAPALAKAS ANG NADIDINIG KONG SIGAWAN AY ISINANTABI KO NA LANG ANG PANGYAYARI. PAGKAUPO KONG MULI SA BLEACHER AY SABAY TUMUNOG ANG BUZZER NA NAGPAPAHIWATIG NG PAGTATAPOS NG SECOND QUARTER.

SA SANDALING NATULOY ANG AMING DINNER NI TATAY AY DI KO PA RIN MAALIS SA AKING ISIP YUNG NANGYARI KANINA. UNANG BESES NA NANGYARI SA AKIN ITO, TO THE FACT NA HINDI AKO FAN NG PARANORMAL SIGHTINGS AT KUNG ANO-ANO PANG KAHIHILAKBUTAN, KAHIT HORROR FLICKS. MADAMI KAMING NAPAG-KWENTUHAN NI TATAY AT PILIT KONG ITINATAGO ANG GUSTO KONG SABIHIN HANGGANG SA SIYA NA ANG NANGUNA SAPAGKAT NARARAMDAMAN NIYA NA MAY GUSTO AKONG SABIHIN. NAPANSIN RIN KASI NI TATAY ANG PAGIGING BALISA RAW NG AKING MGA KILOS KAYA ALAM NIYANG MAY SASABIHIN AKO. NOONG UNA, NAWALA PA ANG MOMENTUM KO NANG SABIHIN NIYANG BUNTIS DAW AKO KAYA DI KO MASABI ANG DAPAT SABIHIN. 

BAHAGYANG NATAWA AKO MASKI SI TATAY AY NAPANGITI. SUBALIT BUONG LOOB KONG ITINANGGI IYON AT IN-INSERT ANG AKING NAKAKAPANG-HILAKBOT NA KARANASAN NA SARIWA PA SA AKING MEMORYA. MAS LUMAKAS ANG TAWA NG AKING TATAY PAGKATAPOS KONG SABIHIN SA KANYA IYON. ANG SAGOT LANG NIYA SA AKIN AY "PATI BA NAMAN IKAW?". GUSTO KO SANANG IKUWENTO ANG LAHAT SA KANYA PERO SA GANUNG TUGON NI TATAY AY ALAM KONG HINDI SIYA MANINIWALA KAHIT ANONG SABIHIN KO.  

KINABUKASAN, HINANAP AKO NI TATAY SA AKING CUBICLE SA FACULTY ROOM. PAGKAHANAP NIYA SA AKIN AY AGAD NIYANG INIHAGIS ANG ISANG MAKAPAL NA LIBRO. AKIN NAMAN ITONG NASALO. PARANG SCHOOL ORGAN ANG LIBRONG IYON NA ANIMO'Y YEARBOOK ANG HITSURA. ITIM YUN AT KASING KAPAL NG ORDINARYONG BOOKBINDED NA THESIS. ANG TANONG KO KAY TATAY AY KUNG ANONG GAGAWIN KO DOON SA HINAGIS NIYA. SABI NA LANG NIYA HABANG NAKANGITI, PAGE 58 TO 60. TUGON KO NA LANG SA KANYA, OK OK TAY, SIGE NA! HABANG NAKANGITI RIN SA KANYA. 

PAGKAALIS NIYA AY AGAD KONG BINUKLAT ANG SINABI NIYANG PAHINA. ANG SABI DOON, UNIVERSITY GHOST ENCOUNTERS. AGAD NA NAMANG BUMALIK SA AKING ALAALA ANG NANGYARI KAHAPON. UMPISANG ISTORYA PA LANG AY KINILABUTAN NA AKO SAPAGKAT ITO AY TUNGKOL SA BABAENG NAKAPUTI NA NASA CR NG MGA BABAE SA GYM. AYAW KO MAN SANANG MAISIP PA YUNG NANGYARI PERO TILA NAHATAK ANG AKING MGA MATA NA BASAHIN ANG KABUUAN NG ILANG SINASABING PAGPAPATOTOO.

MAY DALAWANG ISTORYANG NAUUGNAY SA AKING KARANASAN DOON. YUNG UNA AY TUNGKOL SA 3RD YEAR STUDENT NG ACCOUNTANCY NA NAGME-MAKE UP SA NATURANG CR AT NAKITA NIYA RIN ANG NAKITA KO. BABAENG NAKAPUTI, LUMALAPIT SA KANYA NANG UNTI-UNTI AT NAPAKO RIN SIYA SA KANYANG KINALALAGYAN. UNTI-UNTI KO NA RING NAILALAGAY ANG SARILI KO SA UNANG NABASA KO. MAS LALO SA IKALAWA. PAREHO RIN ANG PAGKAKALARAWAN NITO SA ISA PANG PATOTOO NA NASA PAGE 60 NA KUNG SAAN SINULAT ITO NG ISANG VARSITY PLAYER NA NOO'Y MAGPAPALIT LANG SANA NG NAPAWISANG DAMIT. MAY DUMAAN SA KANYANG LIKURAN, NAKITA NIYANG MAY ANINO AT SA PAREHONG SPOT KUNG SAAN NAKITA NG AKING PERIPHERAL VIEW ANG BABAENG IYON. NASA HULIHANG CUBICLE. NAGTATATAKBO DAW ITO NUNG MGA ORAS NA LUMALAPIT ANG NATURANG PARANORMAL ENTITY.

LUMAKAS MULI ANG KABOG NG AKING DIBDIB. MISTULANG NAGBALIK AKO SA CR NA IYON AT NAULIT ANG NANGYARI SA AKIN. MAS NANGHILAKBOT AKO NG MAKITA KO SA DESCRIPTION NG KANYANG KWENTO NA NANGYARI IYON NG ISANG HAPON. ISANG HAPONG MALAKAS ANG ULAN. TULAD NG NANGYARI SA AKIN. NAREALIZE KO KUNG BAKIT GANUN NA LAMANG ANG SAGOT NI TATAY KAHAPON. AT BIGLA AKONG NAGULAT NANG BIGLANG MAY HUMAWAK NG BATOK KO NA MALAMIG. NAPATAYO AKO AT NAHULOG SA SAHIG ANG LIBRONG IYON. HAWAK ANG AKING BATOK AY LUMINGON-LINGON AKO SA PALIGID PERO TININDIGAN AKO NG BALAHIBO. HUMINGA AKONG MALALIM AT INALOG ANG AKING ULO.

AKMANG KUKUNIN KO ANG LIBRO NANG MAPANSIN KONG NASA PAGE 61, FULL PAGE, MAY NAKA-SKETCH. NANLAKI ANG MGA MATA KO NANG MAKITANG SKETCH IYON NG BABAENG NAKITA KO SA CR. WALANG ANO-ANO AY MAY BUMULONG SA AKING "TULUNGAN MO AKO!


fin



TRUE STORY BY MA'AM ELOISA JANE MORADOS

WRITTEN BY RJ of PLAKADO Prodaxons (for Hilakbot TV)

NARRATED BY RED

SUBSCRIBE @ HILAKBOT TV You Tube Channel



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ANG WHITE LADY SA COMFORT ROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon