Dedicated kay Ms. @justchin. Na-inspire po ako ng mga works mo na magsulat ng love stories :)
----------------------------------------------------------------------------------- <3
Naglalakad ako sa likuran niya. As always, nakasunod na naman ako. Yun na lang ata ako eh. Ang shadow, sidekick, dakilang alalay, at higit sa lahat ang nagmamahal ng patago. Di kasi pwede eh, bestfriend ko siya at may mahal siyang iba.
He always talks about her, he always thinks about her, he always worry about her, he always cares about her, and he always follow her. At ako...
I always listen to him when he talks about her, I think of him when he thinks of her, I worry about him when he does stupid things when he's worried about her, I take care of him when he forgot to take care of himself because of her, and I follow him wherever he goes just to follow her.
Sigh. I envy her. Big time. Ang swerte niya mahal siya ng isang Angelico Zeylon Palanca. Matalino, mabait, masipag, matiyaga, maalaga, gentleman, at sobrang gwapo. Swerte siya dahil mahal siya ng mahal ko. Ang mahal ng isang Lovely Angelique Cordova. Isang nerd, introvert, manang, loner, at extremely boring.
Palaisipan ba kung paano kami naging bestfriend?? Like other cliche stories, I'm the nerd who always got bullied and he's the popular guy who always saves me.
At yung babaeng yun, paano sila nagkakilala? Dunno. Palaisipan nga kung sino siya.
Sa tuwing susundan namin siya, parating sinasabi ni Angel na 'andyan lang siya', 'di mo lang kasi napapansin', or 'ayun oh!'. Pero sa tuwing hahanapin ko or lilungunin wala naman. Makakaharap lang ako sa isang salamin at makikita ang reflection ko tapos siya nasa likod ko, nakangisi.
Madalas ko maisip na baka pinagti-tripan niya lang ako. Na baka di totoo yung girl na yun at gawa-gawa niya lang. Pero sa tuwing makikita ko ang kinang sa mga mata niya at ngiti sa mga labi niya sa tuwing mababanggit niya si girl...
Doon ko nasasabi na totoo nga kasi totoo din yung sakit na nararamdaman ko.
"Love, bilis! Baka naiinip na yun si Angel." sigaw niya habang kinakaway ang kamay niya. Malayo na pala siya.
Ouch naman! Kita ninyo kahit sa pangalan bagay sila Angel at Angel. Heaven!! Haayy. Match na match.
Binilisan ko ang paglalakad ko para maabutan siya. Inakbayan niya ako at may inabot na red cartolina. Ano pa bang aasahan mo sa Valentines?? Kahit saan ka tumingin, mapadamit, bulaklak, o pagkain kulay pula na. Kulang na lang ata pinturahan mg mga tao ang katawan nila mg pula eh. Bitter ako, oo.
I used to love Valentine's day, it's my birthday. 'Used' kasi ngayon isa na to sa mga araw na wish ko di na lang dumating, gaya ng pag nagbibigay ng surprise quiz. Ang kaibahan nga lang, di lang ulo ko ang sumasakit pati puso ko nadudurog.
Ito kasi yung araw na ipinagtapat niyang in-love siya kay Angel, and it was right before I could confess to him that I'm in-love with him. Isang taon na pala simula nun. At isang taon na rin akong nasasaktan dahil dun.
"Ano to?" patay-malisya kong tanong.
"Cartolina." pokerfaced niyang sagot. Tinabig ko ang kamay niyang nakaakbay sa akin at tumalikod. Hinuli niya ako sa braso at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Haha. Joke lang! Kaw talaga, ang pikunin mo! Mamaya pagdating natin dun sa venue, isabit mo huh?? Di ko kasi kaya sabihin ng harapan baka matulala lang ako." nagkamot siya ng ulo.

BINABASA MO ANG
Secret Love (one shot)
RomanceNaglalakad ako sa likuran niya. As always, nakasunod na naman ako. Yun na lang ata ako eh. Ang shadow, sidekick, dakilang alalay, at higit sa lahat ang nagmamahal ng patago. Di kasi pwede eh, bestfriend ko siya at may mahal siyang iba.