"You Are The Reason"
(Better to play the music, para mas dama, ‘chos!)
Nagmahal, Nasaktan, Nasaktan ulit. Parang cycle na walang katapusan, kumbaga it's inevitable. Halos paulit-ulit na 'yan sa bokabularyo ng mga sawi. Eh, ano pa nga ba ang nangyari sa akin, after ko lang naman ibigay ang lahat pero ginago lang ako. Worst is, it was a bet kaya niya lang ako niligawan. Parang laging pinupunit ang puso ko dahil sa sakit. Ito nga nagmu-mukmok parin ako sa kwarto ko nang tumunog na naman ang kanta in which reminds me of you. Sino nga ba ang maga-akala na sa 4 years na nating pagsasama, ‘e masasayang lang pala sa wala.
*playing you are the reason by calum scott*
“There goes my heart beating
Cause you are the reason🎶"Halos ikaw lagi ang itinitibok ng puso ko, you are the reason why it pumps exaggeratedly. Tanda ko pa noong araw na nilapitan mo ako, at nagpaalam na manliligaw, bawat tilian ng mga tao sa paligid ay parang wala lang sa akin. Tanging tibok ng puso ko ang siyang naririnig ko. Pero sa hindi inaasahan, ikaw rin pala ang wawasak at magpapatigil ng paglukso nito.
“I'm losing my sleep
Please come back now🎶”Halos gabi-gabi lagi tayong magkausap, at syempre sa malamang at sa hindi, kada-gabi hindi ako makatulog ng maayos dahil sa kilig na dulot mo, sino ba ang hindi kikiligin kapag sinasabi mo na sa akin ang katagang, "Angeline Rosana, I'll always be at your side, walang makakapanakit sayo dahil palagi kitang iingatan at po-protektahan. I Love You my future wife."
Pero sa gabi ding lumilipas halos hindi na ako makatulog, hindi dahil kinikilig ako, kundi dahil sa sakit ng iwan mo ako at ipagpalit lang sa isang iglap. The time na nasa likod tayo nang school, pinapunta mo ako roon para lang makipag hiwalay sinabi mo pa na, “At naniwala ka naman? It's just a dare, wag kang ilusyonada, huwag kang umasta na ginusto ko ‘to. Sa tingin mo mamahalin kita? Look at your face and body, you're not my type. Buti nga pinagtiyagaan pa kita, ‘e. Thank me with that.”
Ang sakit, sobra.“There goes my mind racing
And you are the reason🎶”Noong tayo pa halos lagi kong iniisip kung ano pa kaya ang mga dapat kong gawin para maging ideal girlfriend ako haha, isip ako nang isip para lagi kitang mapasaya. Your smile is my strength thou’.
Pero ngayon na wala ka na sa bisig ko, halos hindi na mapakali ang isip ko kung papaano makakalimot, kung papaano ko mai-aalis ang sakit na binigay mo. You are the reason Calix, why I'm looking miserable.“That I'm still breathing
I'm hopeless now🎶”Habang patuloy akong nabubuhay, habang patuloy akong humihinga, habang patuloy sa pagtibok ang puso ko na ikaw ang sinisigaw, sumisikip ang dibdib ko. Gumawa ako ng paraan para habulin ka, oo ako pa mismo ang naghabol sayo. Wala, ‘e mahal kita. Pero sa paglapit ko sayo ay ang patuloy mong pagtaboy sa akin. Sa bawat lalim ng paghinga ko, dahil sa pagod na nararamdaman ko, feeling ko wala na talagang pag-asa na maibalik pa ang tayo.
"I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you🎶"Kung noon, halos makita ko kung papaano mo gawin ang lahat mapasaya lang ako, pero nung nalaman kong peke lang ang lahat, parang gumuho ang mundo ko. Pero dahil nga sa mahal kita, nanatili akong tanga, nagpaka martir, dahil gusto kong laging nasa tabi mo lang ako. Kahit na araw-araw parang pinipiga ang puso ko.
“And fix what I've broken
Oh, cause I need you to see
That you are the reason🎶 ”Oo, nagbabakasakali akong muli tayong magkabalikan, ayokong sayangin ang 4 years nating pinagsamahan calix. Nagbabakasakali rin akong sa pagbuo muli ng relasyon natin ay siya ding pagbuo ng puso kong nabasag. Gusto kong lagi kitang nakikita, ang iyong mukha, ang iyong mga mata, gusto kong lagi kitang kayakap. Kahit may kayakap ka mang iba.
"There goes my hands shaking
And you are the reason🎶"Nung time na hiniwalayan mo ako, halos manginig ang mga kamay ko, hindi lang mga kamay kundi pati narin ang buo kong kalamnan. Tumigil ang mundo ko noon, na halos namanhid ako sa kinatatayuan ko. Akala ko kaya mo ako pinapunta sa likod ng school dahil isu-surprise mo ako. Pero tama nga, na surprise naman talaga ako sa ginawa mo, halos ipamukha mo sa akin na isa lang akong basurang assuming na malabo mong mahalin. Ang dami mong masasakit na salita na sinabi mo sa akin. Pero ang mas masakit doon ng marinig ko ang hagikhikan ng mga kaibigan mo. Oo pinahiya mo ako, wala akong nagawa kundi umiyak at tumakbo paalis kahit na nanginginig ang mga tuhod ko, pinilit kong makalayo sayo. Baka sakaling matakasan ko din ang sakit.
“My heart keeps bleeding
And I need you now🎶”Nagdurugo ang puso ko calix, sobrang sakit e, the fact na first boyfriend kita. Ikaw ang unang lalaking minahal ko, at ang lalaking magbibigay rin pala sa akin ng sakit at permanenteng pilat sa puso ko. Kailangan kita sa mga oras na ito calix, pero anong magagawa ko kung masaya ka na sa piling ng iba. Mapait akong napangiti. Hindi nga pala ako yung gusto mo. I'm just a bet.
“If I could turn back the clock
I'd make sure the light defeated the dark🎶”Kung maibabalik ko nga lang siguro ang oras calix, sana hindi nalang kita minahal. Sana hindi nalang ako sumugal. Sana hindi ko hinayaang magpalinlang ang puso ko. Sana hindi umabot sa ganito kung di ako nagpaka-tanga
“I'd spend every hour, of every day
Keeping you safe🎶”Kabaligtaran ng kanta ang nagawa mo sa akin calix cause’ every hour, everyday I feel that my heart won't be safe again.
“I don't wanna fight no more
I don't wanna hide no more
I don't wanna cry no more
Come back I need you to hold me🎶”Ano pa bang silbi para ipaglaban kita calix, e palagi naman akong natatalo dahil ayaw mo na. Hindi sa ganon, ayaw mo nga pala talaga sa akin. Gusto kita at wala akong magawa. Useless para sayo ang paglabang ginagawa ko. At ano pa ang silbi kung lagi akong magpalakita sayo, para ano? para lagi kong masaksihan na masaya ka sa piling ng iba? para lalo akong sampalin ng realidad na napasa-akin ka lang pero ang puso mo never naging akin.
Ayoko ng umiyak, pero taksil ang mga mata ko. Gabi-gabi akong umiiyak alam mo yun, hinihiling na sana panaginip lang ang lahat, hinihintay na tumawag ka o mag-text manlang. Pero wala. Bumalik ka na calix, I need you right here beside me, you promise me na lagi kang nandito sa tabi ko. I miss you, but something whispering na you don't even miss me.“Come a little closer now
Just a little closer now
Come a little closer
I need you to hold me tonight🎶”In-off ko na ang music player ko, nabuburyo ako, ayoko ng mag-emote. Bumalik na ang lakas ko, kung dati palagi akong nagkukulong sa kwarto, pero ngayon I faced the reality na wala na talaga. Sa totoo lang, hindi pa ako nakakalimot sa kaniya, pero kaya ko na naman. Napagdesisyunan kong aliwin ang sarili ko sa isang mall.
Halos nalaro ko na lahat ng arcade games sa play station dito sa mall, pero hindi ko magawang sumaya. I feel empty, and incomplete.
Naglakad-lakad ako nang mahagip ng mga mata ko si calix. Sumaya ang puso ko, feeling ko nakumpleto ang araw ko ngunit kasama niya ang babaeng totoong mahal niya at doon muli na namang nawasak ng unti-unti ang puso kong pinagpaguran kong buuin. Napatingin ka sa gawi ko, pero agad mong iniiwas ang mga tingin mo nang magtama ang mga mata nating dalawa, hanggang sa mawala ka na sa paningin ko kasabay ng pag blurred ng paligid. Naluluha na naman ako, bumabalik na naman mula sa simula. Kailan ko ba titiisin ang sakit at pangungulila? Hanggang kailan ako magsusubok makalimot? kung laging ikaw ang laman ng puso't-isipan ko.Naalala ko ang huling linya ng kantang pinakikinggan ko kanina bago ko ito pinatay, “Come a little closer now, Just a little closer now
Come a little closer, I need you to hold me tonight” Calix, you are near yet so effin far. Gusto kitang lapitan, hagkan at yakapin at isawalang bahala ang lahat. Pero hindi ko magawa. I miss you calix, sobra-sobra.Sabi ng iba love has two purpose, either its a blessing or a lesson. At naisip kong siguro isa ka lang lesson para sa akin, para ihanda ako sa mga sakit na darating sa hinaharap, isang aral na huwag basta magtitiwala at ibigay ang lahat. A lesson to be learned na ang pagmamahal ay hindi ganoong kadali, it carries dangerous risks na kapag hindi mo nai-handle ay unti-unti nitong papatayin ang puso mo.
And ‘You are the Reason’ Calix, why I learned a lot everything about love. You're still my man, my first love yet my first heart ache.
—i'melusivewriter⚡

BINABASA MO ANG
Tales of Fiction
Ficção GeralA compilation of Fiction Stories made by me syempre, 'chos! Hinalungkat ko pa 'to mula sa wasak kong puso. Almost every day every noon, every night, every week, every month, every year sawi, char lang! Teka ba't sarili ko na nilalagay ko dito, anywa...