Dedicated to sa author ng first Story nabasa ko. Ang SADIST LOVER ni Aril Diane.
BASAHIN NYO ng mainlove din kau kay bah. Sana magustuhan niyo :)) Lovelots.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Diary Entry # 1
Love is Dictated by mind and learned by your heart.
Isa ako typical Teenager. Kolehiyala. Sabihin na natin normal lang naman ma-InLove sa edad natin pero pano kung mahulog ako sa kaibigan ko..Aamin ba ako? o Hahayaan ko na lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Ang dami kase 'What If' ang pumapasok sa isip ko sa t'wing aamin ako sa kanya. What if hindi niya ako Matanggap? What if kung iwasan niya ako? What if Simple Crush lang to? o baka naman What if kung idaan ko na lang sa Online Diary ang nararamdaman ko for him.
Diary Entry # 2
Ano ba talaga ang nagustuhan ko sayo?
Diary Entry # 3
Lagi ko tinatanong sa sarili ko kung bakit ikaw?
Ako Si Mimi at ang lalaki bumihag sa puso ko ay walang iba kundi si Krammy. Lagi ako tinatanong ng mga kaibigan ko kung bakit siya, hindi ko din alam basta pag gising ko....siya na ang hinahanap ko.
Diary Entry # 4
Bulag ka, Pipe ako.
Bakit ba sa twing gumagawa ako ng paraan para magkasama tayo, magkausap tayo at magkita tayo..Hindi mo ako mapansin..At hindi din ako makapagsalita sa harapan mo.
Diary Entry # 5
Ay letse nagmamahalan na ang lahat, tayo na lang ang hindi.
Diary Entry # 6
I hate that i love this feelin.
Diary Entry # 7
Ang love parang ulan pwede mong maramdaman pero hindi mo pwede iwasan.
Magkasama kami magkakabarkada gumagala ng biglang Umulan. (T.T) Kainess na ulan oh! Pero nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na makikisukob siya ng payong sa akin. Dun nag simula ang pagkawili ko sa ulan. Sa t'wing umulan, Siya na agad ang naiisip ko.
Diary Entry # 8
Akala ko kaya ko turuan ang isip ko pigilin na hwag ka isipin, kaso taksil ang puso ko.
Diary Entry # 9
Bakit ba sa twing naiisip kita, napapangiti ako?
Diary Entry # 10
Dapat na ba ako maniwala sa kasabihang "NO matter how smart you are, your heart always makes you dumb"
Diary Entry # 11
Simple lang naman ang gusto ko ang makita kang masaya.
Diary Entry # 12
Ang love hindi nadedescribe, nararamdaman.
Diary Entry # 13
Makita lang kita, Buo na ang araw ko.
Diary Entry # 14
Ang love prang yosi, kahi alam mo makakasakit sige pa rin sa paghithit...lagi sinasabi n titigilan na pero anjan na, di na mapigilan at madalas pag napasobra nahihirapan ka ng huminga.
Naglalakad ako papuntang school ng makita ko si Krammy sa kabilang kalsada. Sa sobra tuwa ko, tumawid ako. Pero may isang bagay ako hindi napansin, ang mga sasakyan. *beeeeeeeeeep* Nagulat ako dahil nakakahinga pa ako. Buhay ako! Naramdaman ko din na may tao naka-yakap sa akin. Dumadami ang mga tao sa paligid. Halos mangiyak ako sa nakita ko...Isang duguan na lalaki ang nag buwis ng buhay para sa akin.."Krammy please, hwag mo ako iwan..Krammy..Mahal Kita" pinipilit niya magsalita kaya lumapit ako sa kanya. At Lalo tumigil ang mundo ko sa binulong niya sa akin.
Diary Entry # 15
Love is not a waiting game.
Nagsisi ako dahil pinairal ko ang pagiging duwag ko, dahil sa dinamidami ng panahon na nakasama ko siya ni minsan hindi ako nagkaron ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Ngaun WALA NA SIYA. Naalala ko ang huli niya sinabi bago siya tuluyan mamaalam..."Mimi, Mahal din kita"
© Jemi 2012