I like You Since Grade 7 (One Shot)

6 0 0
                                    

Simula noon hanggang ngayon may gusto na ako sa kanya,grade 7 pa lang kami.Ang kaso di nya ako napapansin dahil sya nasa section 1,ako naman nasa section 5 kaya alam kong di nya ako kilala.Lalo na't ang daming nag papansin sa kanya non.Noong grade 10 naman kami may gaganapin noong program at kasama ko sya non.Nung mga time na yun nagulat ako ng bigla nyang tinawag ung pangalan ko dahil hindi ko akalaing alam nya pangalan ko, sa tinagal tagal ng panahon finally tinawag nya ang pangalan ko at kilala nya na ako.At hindi lang yun,dahil sa program na yun naging mag kaibigan kami at mas nagka kilala.Kasabay non ang panliligaw sa akin ng kaibigan nya.One time nagulat ako at binigyan ako ng Pink Roses ni Drake (Ung crush ko) pero akala ko nanggaling sa kanya pero akala ko lang pala yun dahil ung bulaklak na yun nanggaling daw sa kaibigan nya.At isang araw may nakita akong sulat na nanggaling sa lamesa ko at nakasulat doon na “Mag kita tayo mamayang uwian sa canteen,may sasabihin ako sayo.” at sumipot ako non.Habang nag hihintay ako sa canteen ng mga oras na yun nakita ko si drake na papalapit sa akin.

“Drake may sasabihin ka ba?”Tanong ko.

“Wala naman napapunta lang ako dito para tanungin kung anong ginagawa mo dito.”Sabi ni drake.

So,hindi pala nanggaling sa kanya ung sulat.Grabe umasa ako akala ko sya yun.At nakita kong dumating si Jayson (Bestfriend ni drake) at umalis na si drake.

“Jana sa akin nanggaling ung sulat.Jana pwede na ba kita maging girlfriend?”Tanong jayson.Pero hindi ako sumagot sa tanong nya at tahimik lang ako.Dahil natulala ako nasa pag aakalang may pag kakataon nako sa kanya.

“Silent means yes.”Sabi ni jayson.At di ko na pinansin ung sinabi nya.

Lumipas ang mga araw napapadalas na kasama ko si drake dahil kay jayson.Dahil lagi akong sinasama ni jayson sa mga galaan at syempre dahil kasama si drake sasama narin ako.

One day,na sa birthday party kami ng kaibigan nila drake na si hannah na kaibigan ko na rin.Nagulat ako non habang nag vi-videoke kami ay hinalikan ako ni jasyson sa pisngi at nakita yun ni drake kaya nagalit at nag walk out ako at sinundan naman ako ni jasyon.

“Anong problema?Bakit bigla kang umalis?Bakit galit ka?”Tanong ni jayson.Wow ha?!Just wow!Sinong hindi magagalit sa ginawa mo?!

“Hinalikan moko sa pisnge jayson!Sinong hindi magagalit don?!Na wala namang permiso.At bakit boyfriend ba kita?!”Galit na sabi ko.

“Ha?Diba girlfriend kita nung nakaraang araw pa.What's happening to you jana?!”Sabi ni jasyon.Ha?Sya naging boyfriend ko eh ni hindi ko nga sya pinayagang manligaw non.

“Ikaw dapat ang tanungin ko nyan,ano bang nangyayari sayo jayson?Ni minsan hindi kita pinayagang manligaw at mas lalong hindi kita naging boyfriend dahil ikaw lang naman ang mapilit.”Sabi ko.

“Ok fine!Marami pang hihigit sayong babae.”Sabi nya at naglakad na palayo.

Pagka tapos ng nangyaring yun hindi ako pinansin ni drake at lumipas din ang mga araw at hindi nya parin ako pinansin.Then nung malapit ng matapos ang graduation sinubukan ko ng umamin sa kanya.Sinubukan kong aminin sa kanya ung nararamdaman ko para sa kanya noon pa.Pero akala ko pwede maging kami,nag baka sakali pa naman ako.Dahil huli na ang lahat sila na ni hannah.Akala pwedeng maging kami sobrang sakit na malaman ko yun ang tanga tanga at ang bobo bobo ko dahil huli na nung umamin ako.Mahigit 4 years kong itinago ung nararamdaman ko sana mas maaga ko pang sinabi sa kanya yun.Hinding hindi ko makakalimutan yun dahil sa tingin ko yun na ung pinaka masakit na naramdaman ko dahil sa pag tagal pala ng panahon hindi ko namamalayang minahal ko na pala sya.

After kong grumaduate ng high school ay kinuha nako ni dad at dun sa amerika kona itinuloy ung pag aaral ko.Ginawa kong inspirasyon si drake sa pag aaral ko kahit sobrang sakit nung huli naming pag uusap ni drake.Sa mga pag lipas ng panahon may mga nakakasama may mga bagong nakikilala pero hindi ko sibukang humanap ng iba at di ko sinubukang mag mahal ng iba dahil bago ako umalis sinabi ko kay drake na babalikan ko sya kahit walang kasiguraduhan.

At ngayong nakapag tapos na ako ng pag aaral at desidido ng makabalik sa pilipinas ay sinubukan ko ng umuwi para kay drake dahil alam kong nangako ako at tutuparin ko yun.

Nang makarating nako sa pilipinas ay deretso akong pumunta sa bahay nila drake at nag baon ng lakas ng loob dahil tutal naman wala akong uuwiang pamilya dito at nasa amerika sila mama.

Pagkarating ko sa bahay nila drake ay nag doorbell ako sa gate nila.At agad namang lumabas ung katulong nila.

“Ano po yun?”Tanong nung katulong.Eto na yun kinakabahan na talaga ako sana naman may pagkakataon nako ngayon.

“Nandiyan po ba si Drake Santos?”Tanong ko.

“Ah-eh,tawagin ko lang po si madam.”Sabi nya at umalis saglit at bumalik kasama ung nanay ni drake.

“Anong kaylangan mo ineng?Anong pangalan mo?”Tanong nung nanay ni drake.

“Gusto ko lang po sana makausap si drake.Ako po si Jennelyn Castro.”Sabi ko at mukang nagulat ung nanay nya.

“Pumasok ka muna dito sa loob.”Sabi nito at pumasok din naman ako.Parang anlungkot naman dito sa bahay nila.“Sandali lang may kukuhanin lang ako jennelyn.”Sabi nito at umakyat sa taas at bumalik na dala dalang kahon.

“Para sayo to.Gusto ko sanang buksan mo ito pag nasa puntod kana ni drake.Nung nakaraang buwan na syang patay jennelyn.Bago sya mamatay pinaubaya nya sa ken ito gusto nyanh ibigay ko ito sayo pag bumalik kana.”Sabi nung nanay nya habang umiiyak.At bigla nalang tumulo ung luha.Bakit ganito ung nadatnan ko?Nabigla ako sa mga nangyayari.

“Hayaan mong ipahatid kita sa puntod ni drake ineng.”Sabi nung nanay nya at lumabas akong tulala at sumakay.

Habang nasa biyahe kami ayaw paring mag sink-in sa utak ko ung sinabi ng nanay ni drake.Parang ayaw tanggapin ng sistema ko.

At ngayon andito na kami.At totoo nga patay na sya.Bakit kaylangang mangyari to?!

Habang umiiyak ako binuksan ko ung laman ng kahon at laman nun ay ang mga litrato ko nung grade 7 hanggang grade 10 pako ng mga sinalihan ko at may mga litratong tumatawa ako at naka tulala.Sa kanya ba nanggaling lahat ng mga litratong to?Kasi ang alam ko lang na photograper sa university namin ay siya.At may nakita akong isang liham sa ilalim ng mga litrato ko.

“Jennelyn kung nakita mo man ung mga litrato,sa akin lahat nanggaling yun.Oo jennelyn inaamin ko matagal na kong may gusto sayo,at ewan ko nga ba kung bakit sa ilang taon na yun di ko nagawang umamin sayo napakatanga ko.Lahat ng natatanggap mong bulaklak at mga sulat tuwing valentines non ay galing sa kin.Naalala moba nung inabutan kita ng mga roses?Jennelyn yun ung unang pagkakataon kong mag lakas loob na mag bigay ng bulakla sayo at di ko pa nasabing sa akin naggaling yun,napakahina talaga ng loob ko pag dating sayo natotorpe at tumutupi ako.Sorry kung maaabutan mo man akong wala na pero wag kang mag alala lagi kitang babantayan.Sorry kung huli na akong umamin sayo.At sorry kung di ko man nagawang umamin sayo dati pa ang tanga tanga ko dahil kung kaylan huli na ngayon kopa nagawang umamin sayo.Sana ikaw nalang ang niligawan ko at hindi si hannah dahil akala ko mahal ka talaga ni jayson at di ka nya susukuan pero mali ako sana pala hindi nalang kita pinaubaya sa kanya,napaka laki ko tanga jennelyn.Pero jennelyn gusto ko lang malaman mo na sa loob ng mga taon na yun,minahal kita ng patago.Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko.Hinding hindi kita makakalimutan,mananatili ka dito sa puso hanggang kabilang buhay man.”

Pagka tapos kong mabasa ung sulat ay napahagulgol nalang ako sa iyak habang yakap yakap ko ang kahon na galing sa kanya.Sobrang sakit,sana noon pa umamin na din ako.Bakit napaka damot ng tadhana?Masyado kami pinagkaitan.Hinding hindi kita makakalimutan drake.Ikaw rin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.Mahal din kita drake.

I Like You Since Grade 7 (One shot)Where stories live. Discover now