Selene's POV

"Hoy, Selene. Tigilan mo na nga yang kababasa mo ng vampire stories na yan. Mas lalo kang nagmumukhang baliw eh." saway sakin ng aking kaibigan na si Macy.

"Tch." Tanging nasabi ko sakanya at bumalik sa pagbabasa ng libro.

"Sino namang tao ang iisipin na matino ang pag-iisip mo?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

"Ewan ko sayo." sabi ko at inirapan siya.

Kinuha ko ang burger na nakapatong sa tray sa lamesa na inuupuan namin. Akmang kakagat na ako pero.

"Kyaaaaahhhhh!!!!"

"OMO!!! I love you Red!!"

"Marry me, Sun!!!!"

"Take me Moon!!!"

"Tres! Make love with me!"

"Uno, I like you. Be mine please. WAAAAAHHH!!!"

Nakakabinging sigaw ang maririnig mo mula sa mga babaeng patay na patay sa grupo ng mga lalaki ng pumasok ng caf. At isa na doon ang katabi ko.

"Gosh! Girl, ang gagwapo nila noh?" sabi ni Macy habang may kislap sa mga mata niya.

Tahimik lang ako habang nagbabasa at walang pakielam sa kung sino man ang mga pumasok.

*BLAG!*

Napatingin kami sa nahulog na tray. At nandoon nakatayo ang isang lalaki kaharap ang isang nerd, nakayuko.

"What.Have.You.DONE!?!"  pagsigaw nito sa babae.

"S-sorry p-po.." sagot ng nerd.

"Sorry? Huh! Naaalis ba ng sorry mo ang mantsa sa uniform ko?!" bulyaw niya pa.

Akmang hindi ko na sana papansinin ngunit Hindi ako makapagbasa ng maayos dahil sa patuloy niyang pagbulyaw sa kawawang studyante. At talagang tinulak niya pa iyon.

Dahil hindi na ako nakatiis ay lumapit ako sakanila, tila natahimik ang lahat ng tumayo ako mula sa upuan ko. Tanging takong lang ng sapatos ko ang naririnig.

"Tama na yan." malamig na utos ko at nilapitan ang babae.

"At ikaw? Sino ka para utusan ako?" tanong ng lalaki sakin.

Inangat ko ang tingin ko at nanlaki naman ang mga mata niya habang tinatanggap ang mga malalamig na titig ko sakanya.

"Nagsorry na siya diba?" malamig parin ang tono ng pananalita ko.

"Pero-.." pinutol ko ang sasabihin niya.

"Hindi naman kawalan kung bibili ka ng bagong uniform."

"Oo nga, pero-...." tinaas ko ang kamay ko hudyat na tumahimik siya.

"Hayaan mo na siya, scholar lang siya. Heir ka, anong laban niya sayo?" cool na cool kung tanong sakanya at tumalikod, nararamdaman ko kasing nag-iiba ang kulay ng mata ko sa sobrang inis.

"Kung gusto mo, ako ang bibili ng bago mong uniform." sabi ko at bumalik sa table ko.

Narinig ko naman ang mga bulong-bulongan.

"Grabe, nakakatakot si Pres."

"Oo nga, ang lamig niya kumilos at magsalita."

"Psh, attention seeker porket mataas ang posisyon niya."

"Fame Whore."

"How dare her treat our prince like that?? Bitch siya."

"Ang cool niya."

"Ang astig talaga ni Pres pre."

Di ko nalang yun pinansin at nagatuloy sa paglalakad.

"Pwede na kayong mag-ingay. Tapos na ang palabas." i said coldly while putting my hands inside my pocket.

. . . . .

Red's POV

Nakakapangilabot ang mga titig niya, pati ang pananalita niya.

Marami ang natatakot samin, pero bakit natatakot kami sa kaniya? She's interesting and mysterious at the same time.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon