Last Dance

7 0 0
                                    

Prom night na. I can see the excitement from all of the students. Pinaka-pinaghandaang araw sa balat ng highschool life nating lahat. Nagsilabasan yung mga natatagong ganda at gwapo sa bawat isa. Most unforgettable moment in our life, specially sa mga couple. This is the time na makakapag-bonding sila ng todo. May kanya kanyang rin silang date. Buti pa sila may date, eh ako? Wala, NGA-NGA! Pumunta lang naman ako dito dahil sa nanay kong blackmailer. Tch. Hindi na nga ako nag-ayos eh. Yung hair ko nakalugay lang at nakaclip sa may bangs, yung suot ko parang kay Cinderella, color blue.

Pagpasok ko sa resort na pagdadausan ng prom, halos lahat ng mata nasa akin nakatingin, tapos nakarinig na ako ng mga bulungan.

"Gosh! Diba she's the girlfriend of the famous Rex Fortalejo? She's gorgeous."

"Tange, break na nga sila diba? Nung nakaraang week pa! Ikaw nalang yata ang hindi may alam tungkol dun."

"Bakit wala siyang kasama? Wala ba siyang date?"

"Obvious ba? Wala nang Rex Fortalejo na mag-aaya sakanya ng date."

"Oo nga pala, pinagpalit na pala siya sa ex ni Papa Rex."

Sanay na ako sa usapan na yan, nakaraang week pa yan eh di parin matigil, nakakarindi na nga eh. Umupo nalang ako sa table na ako lang mag-isa. After kong umupo, may isang taong nakapukaw ng pansin ko. It was Rex and he is with his girlfriend. He's laughing, kasama nila yung mga barkada namin.

How can he do this to me? Kakabreak lang naming last week, but look at him now, he's enjoying that girl's company and looks like he is happy without me. Panakip butas lang ba talaga ako? Hindi na ba talaga niya ako mahal? It hurts so much.

Tumayo na ako sa upuan ko at tumakbo papuntang rooftop. Ang ganda dito, andaming stars, naalala ko nanaman si Rex.

FLASHBACK

"Bakit ba kasi gusto mo lagging star gazing ang ginagawa natin?" -ako

"Para kung hindi man tayo ang destined na magkatuluyan ay lagi mo naman akong maaalala dahil sa mga stars na makikita tuwing gabi sa langit, na may isang Rex Fortalejo na dumating sa buhay mo." -Rex

END OF FLASHBACK

I know that it hurt so much Rex, but still I love you.

I wish that no matter what happen, you can still be happy with her, beside you. Hindi na ako aasa pang babalik ka pa sa akin. I can sacrifice my own happiness for you, I can sacrifice everything just to make you happy even if it hurts me a lot.

I love you Rex Fortalejo! Forever!!!

Habang nakapikit ako at nakatingala ay naramdaman kong tumulo na ang luha mula sa mga mata ko. I'm so weak.

'Iniisip mo ako 'no?'

Biglang may nagsalita sa likod ko. I know that voice, si Rex. Unti-unti kong minulat ang mata ko at ang una kong nakita ang napakaraming bituin sa langit. Tumingin ako sa likod ko, then I saw him.

"What are you doing here?" -ako

"Gusto ko lang mapagisa kaya dito ako pumunta pero nandito ka rin pala." -Rex

Lumapit siya saakin at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"First time kitang makitang umiyak simula nung tinapos ko ang lahat sa atin." -Rex

Sobrang lapit ng mukha namin, and I can smell his breath. Ambango.

"W-wala 'to... Baba na ako ah."

Pero bago pa ako makaalis ay nahawakan na niya yung kamay ko.

"Mia, can I be your last dance?" -Rex

ONE SHOTS COMPILATIONWhere stories live. Discover now