Hi ako si Ashlyn Nicole Jace Monter 17yrs old nag aaral sa St.john University isa akong scholar sa paaralan namin hindi ko alam kayla mama bat pinipilit nila akong dun na lang pumasok e okay lang naman sakin kahit sa public lang
Si mama nag tratrabaho sa isang karendirya siya yung taga luto dun habang si papa naman ay sa bahay lang dahil may sakit siya sa puso mahina na si papa kaya lagi lang siyang sa bahay bawal mag kikilos masyado at bawal masobrahan sa emosyon
dalawa lang kaming magkapatid ako ang panganay at ang bunso namin ay si Akierra Jane Monter
9yrs old gr4.umeekstra din ako sa mga pwedeng pag extrahan tulad sa 7/11,sari-sari store o minsan ay sa online shopping ay nag bebenta rin ako ng mga kung ano ano
"ate nagugutom na po ako"ani ng kapatid ko habang hawak ang kanyang tiyan
"ganon ba aki,sige antayin niyo ako ni papa rito at bibili lang si ate mo ng makakain natin,dadaan na rin ako kay mama mamaya para sunduin siya"sabi ko sakanya at tumango lang siya sakin at pinag patuloy ang pag susulat niya sa kanyang notebook napakasipag talaga mag aral ng kapatid ko
pumunta ako sa kwarto ni papa at nakita ko siyang nakahiga sa kama niya habang nag babasa ng libro
kung titignan mo siya ay parang wala siyang iniindang sakit,nang mapansin niya ako ay sinenyasan niya akong lumapit sakanya
"ahm pa nagugutom kana rin po ba?"nakangiti kong sinabi kay papa
"d-di pa naman ma-masyado nak"medyo hirap na sabi ni papa
"pa aalis po muna ako saglit bibili lang po ako ng makakain natin at para na rin po makainom na rin kayo ng gamot"ngumiti lang sakin si papa ng sinabi ko un
"atsaka pa dadaanan ko na din po si mama para matulungan ko siya sa mga bibitbitin niya"habang sinasabi ko yan ay nakatitig lang sakin papa ng may ngiti sa labi
"pa bakit po?"nag tataka kong tanong sakanya ng hindi man lang ako sagutin ni papa kanina sa mga sinasabi ko
"wa-wala,na-napaka su-swerte ko lang sa mga a-anak ko"napapapikit pa si papa pag nag sasalita siya halatang hirap siya sa pag sasalita
"papa naman syempre naman po may mga anak kayong magaganda at matatalino masipag at masunurin hehe"biro ko kay papa tumawa lang din siya sa sinabi ko
maya maya din ay umalis nako hinabilin ko na lang si papa kay aki
sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera pambili ng makakain namin ngayon mag aalas dos na kase pero d pa din kami kumakain ng tanghalian huling kain namin ay kaninang alas nueve at yun ay ang aming almusal
may pera ako dito pero ito yung gagastusin ko para sa pambili ng gamit ko para sa pasukan,actually sila mama at papa ang may ayaw na gastusin ko ito sinabi ko rin naman na ayos lang pero magagalit daw sila pag ginastos ko
pumunta ako sa pinag eextrahan kong isa sa 7/11 naabutan ko si josh yung pinagpapaltan ko dito tuwing d lang siya pwede o di kaya ay may sakit siya pag papaltan ko siya kumbaga hindi ako permanente sa trabahong to
"hi ma- oh ash bat andito ka may bibilhin kaba? kala ko kung sino na"bungad sakin ni josh
"hi ahmm josh pwede bang i advance ko yung next sweldo ko sa susunod na pasok ko dito?wala na kase talaga akong pera,pambibili ko lang ng pagkain ng kapatid at papa ko"nahihiya kong banggit habang nakayuko
"aynaku ash wala akong pera dito ngayon"sabi niya at kumapit sa batok niya napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya
"pero kun gusto mo kuha ka na lang. pagkain dito tas ako na lang mag babayad ibabawas ko na lang sa sweldo ko tulong ko na rin sayo"nakangiti niyang sabi sakin habang nakaturo ung kamay niya sa mga pagkain na tinitinda rito
nahihiya man ay pumayag na rin ako kinakapalan ko ung mukha ko para sa pamilya ko
kumuha lang ako ng dalang century tuna at dalawang mechado na delata pagkatapos kong mag pasalamat kay josh ng ilang beses ay umalis na rin ako dahil na rin may mga ilang costumers na rin siya
inuwi ko muna yung mga dala ko at binigay kay aki sinabi ko na rin na kumain na sila ng kumain at wag na akong alalahanin
pagkatapos ay pumunta naman ako kay mama sa karinderya medyo malayo layo rin pero nilalakad lang namin para tipid tsaka kaya naman
"ma"tawag ko kay mama ng makarating ako sa karendirya nakita naman niya ako agad sinenyasan na saglit lang
napansin ko ring maraming kumakain dito kahit oras na madalas kase talagang ito kumain ang nakakarami dahil sa luto ni mama masarap kaseng mag luto si mama namana niya raw sa mama niya sa lola ko
ilang minuto lang ay lumabas na si mama dala ang mga gamit niya nagmano naman ako at tinignan ko ang oras at mag aalas kwatro na pala
"akin na ma tulungan na po kita"sabay abot ko sa ilang plastik na dala niya ang ilang dala niya ay mga tira tirang pagkain para sa aso namin at ang ilan naman ay mga sobrang ingredients sa karendirya na binibigay na nila kay mama
nag uuwi rin si mama ng ilang ulam para sa hapunan namin
"salamat anak kumain na ba kayo?"tanong ni mama habang inaabot sakin ang mga bitbit niya
"opo ma iniwanan ko po sila dun ng kumakain kayo po ba?"nag simula na kaming maglakad ni mama pauwi
"d pa nga e ang dami kaseng tao na kailangang asikasuhin tinulungan ko rin sa pag bibigay ng order si aling lusing doon"halatang pagod din si mama dahil sa pag sasalita niya ay mapapansin mo din naman agad
"ganon po ba ma sige at pag uwi ay ipag hahain na po kita at sasabayan ko na rin po kayong kumain para d kayo malungkot kumain hehe"biro ko kay mama na nag patawa sakanya at ginulo pa ang buhok ko
pag uwi ay ginawa ko ang sinabi ko kay mama kumain na kami at pag katapos ay ako na ang naglipit at nag ayos ng mga pinag kainan
nag pahinga lang ako saglit sa sala at pumunta na rin sa kwarto namin ni aki
naabutan ko siya doong nag dradrawing "ate papasok ka ba ngayon sa trabaho mo?"tanong niya sakin
"oo aki bakit?"sagot ko sakanya at humiga sa kama namin
"wala naman ate nalulungkot lang ako pag natutulog ng walang kasama"malungkot niyang saad sakin at tinigil ang ginagawa at lumapit sakin
"pasensya na at d kita nasasamahan rin para naman toh saatin at tsaka pag nalulungkot ka pwede ka naman dun matulog kayla mama"sabi ko sakanya at niyakap siya
"aki matutulog muna si ate ha paki gising na lang ako pag ala sais na"humikab na ako ng sabihin ko sakanya yun tumango lang sakin si aki ng nakangiti at bumalik na sa baba ng kama at nag drawing ulit
tumalikod na ako kay aki at pumikit sa una ay d pako makatulog kaya nagisip isip muna ako ng kung ano ano hanggang sa d ko namalayan na na nakatulog na pala ako
....
"ate ate ate gising na six na po"nakaramdam ako ng pag uga ng kama kaya nagising ako
"ate ate ate"tinignan ko kung sino ang nangyuyugyog sa kama at nakita ko si aki "ate six na po"nakangiti niyang sabi at niyapos pako"ganon ba sige at mag sasaing nako"sabi ko at tumayo na
"wag na ate nagawa kona po"masigla niyang sabi at tila nang aasar dahil inunahan niyako
napangiti naman ako ng malapad dahil sa inasal niya "talaga?"tumango naman siya at medyo napapatawa habang umaatras dahil lumalapit ako sakanya ng pakonti konti hanggang sa wala na siyang maatrasan at napatili ng mahuli ko at kilitiin
tawanan lang maririnig mo sa kwarto namin hanggang sa mapagod kami parehas at nagyaya ng lumabas
hawak ko pa ang kamay niya habang tumatawa kami palabas ng kwarto
BINABASA MO ANG
Love Me Better(18+)
RomanceMy isang babaeng simple lang ang buhay pano kung guluhin siya ng isang lalaking d niya aakalaing mamahalin niya? basahin niyo para malaman niyo hahaha enjoy💖