....
Uupo na sana ako ng biglang hilain ni kuya ung upuan ko so ung ending ko niyan nahulog ako sa sahig
"kuyaaaaa!mama o si kuya!aish ang sakit nun ah!"ihhh ang sakit na tuloy ng pwet ko
tawa lang ng tawa si kuya pati rin si ella nakikitawa na rin, si mama naman halatang natatawa pero pinipigilan niya lang dahil pinagsasabihan niya si kuya
"kid tigilan mo ang kapatid mo"pagsusuway niya kay kuya"ano ash anak ok ka lang ba?"
"opo ma, sumakit lang ung bewang ko,d na po ako kakain sa kwarto na lang po ako"d naman sobrang sakit ng bewang ko medyo masakit lang haha sinabi ko lang un para makatakas ako kay ella
"ella sa susunod na lang ah taas muna ako"d ko na siya inantay sumagot tumaas agad ako sa kwarto ko dahil alam kong d un papayag ng ganun ganun lang HAHAHAHA
pag taas ko sa kwarto ko kinuha ko lang ung picture sa table ko
hayst lola miss na po kita..
sabi ko sa isip ko,close na close ko talaga si lola nung bata ako pag nasa kanila ako lagi akong alagang alaga sakanya d niya ako pinapabayaan
kapag umaalis sila papa at mama lagi kaming naiiwan ni kuya kid sakanila nila lolo
*Flashback*
10years ago*"lola"tawag ko kay lola ng ihatid kami nila papa sakanya
aalis sila papa kase my pupuntahan silang center na kailangan ang tulong niya si mama naman aasikasuhin daw ung enrollment namin
"lola?kamusta po ikaw?"tanong ko kay lola medyo pumayat kase siya
"ayos lang ako apo nag kasakit lang ako nung nakaraang linggo kaya pumayat ako"sabi niya at hinawakan niya ung kamay namin ni kuya para sabay sabay kaming pumasok sa bahay niya
"kid apo puntahan mo nga ang lolo sa kwarto at sabihin mong kakain na tayo"sabi ni lola kay kuya
sumunod naman agad si kuya sakanya,ako naman nakakandong sa hita ni lola
"lola laro po tayo sa labas"excited kong sabi kay lola
"sige apo mamaya pag katapos natin kumain"natutuwang sabi niya
excited na excited ako kaya nauna na akong pumunta sa hapagkainan at naupo na
maya maya wala pa rin sila kuya at lolo si lola naman wala pa rin pero ang alam ko nakasunod siya sakin kanina
kaya pumunta ulit ako sa sala at nagulat ako sa nakita ko.......
End of the flashback*
tuloy tuloy lang umaagos ung luha ko habang binabanggit si lola
..........
nagising ako ng my humahaplos sa ulo ko d ko pala namalayan na nakatulog ako kakaiyak
"ashlyn anak hindi matutuwa ang lola mo niyan kapag nalaman niyang umiiyak ka"nakangiting sabi ni papa sakin
andito na pala si papa ibig sabihin gabi na ,yapos yapos ko pa rin pala ung picture frame ni lola
"sorry po pa namiss ko lang po si lola"naramdaman kong naluluha nanaman ako kaya yumuko ako
"sigurado akong miss kana rin ng mama,ng lola mo, at sigurado rin akong magagalit un pag d kapa kumain"nakangiti rin si papa pero alam kong nalulungkot din siya
"kaya bumangon ka na jan at pumunta ka ng banyo mag toothbrush ka at naamoy ko ang panis na laway mo antayin kana lang namin sa baba"tumayo si papa habang tumatawa
"di kaya pa,kahit matulog pa ako mag damag mabango pa rin kaya"naaasar kong sabi kay papa siya naman tawa lang ng tawa
biglang nawala ung lungkot ko kanina ng makita kong tumatawa si papa
matagal na un kaya wag ko na lang siguro alalahanin para d na ako malungkot
nang-aasar pa si papa na mabaho na daw ako kaya d ko natiis tumakbo na agad ako sa banyo
naririnig ko pa ring tumatawa si papa at ang pagsara niya ng pinto
pag baba ko nakita ko sila mama at kuya na nag aayos na ng lamesa si papa naman my kung anong tinitignan sa papel na hawak niya
siguro about sa clinic un,tumulong na rin ako sa pag aayos ng lamesa
kumakain na kami ng biglang mag salita si mama
"ashlyn si kuya kid mo ang mag hahatid sainyo ni ella papuntang pampanga at baka my mangyari pa sainyo pag nag bus kayo mahirap na"nasamid ako sa biglang sabi ni mama nun
si ella talaga d na niya talaga napigilan na ako ang mag sabi yari talaga sakin un pag nakita ko
pero buti na rin siguro na siya ung nag sabi para pumayag sila
"talaga pumapayag kayo na dun ako mag aral?"excited kong sabi sakanila
"ma parang ayaw yata ni bunso e wag mo na kayang payagan"pang aasar ni kuya sila mama at papa naman parang sumang ayon kay kuya
"sabi ko nga payag kayo hehe"nakangiti ako pero sa loob ko bakit kayo PUMAYAG?!
ayoko kaya dun ang layo malalayo ako sakanila
"alam mo ba ash pinag iisipin ko rin sumama dun e kaso baka maraming malungkot dito pag umalis ako at tsaka mawawalan ng gwapo dito satin pag umalis ako"kunwaring nalulungkot niyang banggit
ang yabang talaga kahit kailan,pero gwapo naman talaga si kuya kid dahil kapatid niyako HAHAHA
magkapatid talaga kami
"wag ka na talagang sumama kuya at baka sabihin nilang nag sama pa kami ng bodyguard namin hahahah"pang aasar ko pa sakanya sabay belat"bleeeeeh"
"tumigil na kayo nasa harap kayo ng pagkain"suway samin ni papa
kumain na lang kami ng tahimik,pag katapos kumain ako ang nag hugas si kuya naman ang nag ayos sa lamesa
pag katapos lumabas muna ako sa terrace para mag pahangin ang tahimik talaga dito samin ala 8 palang ng gabi pero natutulog na sila ang aaga nila matulog
ilang saglit lang din at pumasok nako sa kwarto at nahiga
at unti unti nakong nilamon ng antok.....
****
sorry ngayon na lang ulit nakapag update wala kaseng signal dito sa probinsya namin syempre bakasyon kaya uwi nanaman dito walang magawa so ibig sabihin sunod sunod na ang pag uupdate! antay antay na lang po pag nakapag wifi or data para mapost

BINABASA MO ANG
Love Me Better(18+)
RomansaMy isang babaeng simple lang ang buhay pano kung guluhin siya ng isang lalaking d niya aakalaing mamahalin niya? basahin niyo para malaman niyo hahaha enjoy💖