Prolouge

1 0 0
                                    

Maaga akong pumasok sa university kagaya ng kadalasan kong ginagawa.

'Di nagtagal ay nakarating na rin ako sa         Vineyard International University kung saan ako nag aaral bilang isang grade 12 student

"Yaaaaaaaaahhh!! Ayan na siyaaa!!"

"My gooodd ang gwapoo!"

"Kailan mo pa kayo ako mapapansinnn??"

Hindi ko sila pinansin at nagdere-deretso sa paglalakad.

'Hindi ko talaga kayo papansinin.'

Noon, hindi nila ako napapansin, tapos ngayon? Parang mga sound system sa lakas ng mga tili!

Maya-maya lang ay may humarang sa dinadaanan ko.

"H-hi A-archer.." nahihiyang usal nito habang nakatungo. Tamad naman akong bumuntong hininga at tumingin sa kanya.  

"Ako ba kinakausap mo?" Tamad na tanong ko, "H-ha? Oo n-nam--" hindi ko pinatapos ang sasabihin niya nang mag salita ako, "No, You're talking to my shoes." Agad naman siyang tumingala at tumingin sa akin

"Kasi n-nahihiya ako.." parang kinikilig na sabi nito. "Ang kapal na nga ng mukha mong kausapin ako e." Prangkang sagot ko at natigilan naman siya. "Mas maganda pa ang paa ko kesa sa pagmumukha ko." Dagdag ko pa at tumingin na ng deretso. Napatungo naman siya. "Sor--"

"Tabi.."

"H-ha?"

"Tumabi ka sa dinadaanan ko!" At tsaka itinulak siya, napaupo naman siya sa sahig na halatang umiiyak.

"Ayan! 'Yan ang napapala ng mga papansin!"

"Wag niyo yang tulungan! Napakalandi!"

"Karma mo 'yan teh!"

"Ang gwapo pa rin ni Archer!"

"Hahahah! Tama!"

"Kyaaah!"

Tss

Mga papansin.. pare-pareho lang kayo!

Hindi ko hiniling na mapansin nila ako, hindi ko ginusto 'to. Ang gusto ko lang ay makapag-aral ng walang gulo.

At dahil lang nagbago na ang itsura ko, malayong-malayo na mula noon. Tsaka lang nila ako pinag aaksayahan ng oras.

'Tss. Mga papansin..'

Dumiretso na ako sa computer lab at hindi na pinansin ang mga babaeng nagpapansin.

Pumasok ako sa ComLab at inalapag ang bag ko, nakita naman ako ni Gio, isa sa mga bestfriend ko.

"Kanina pa kita hinihintay! Ang tagal mo naman, ako lang mag isa dito eh!" Kunyari inis na sabi niya.

"Edi 'wag kang maagang pumasok." Sagot ko at umupo kaharap ang computer.

"Ano na namang trip mo?!"

"Maglalaro."

"May klase pa tayo eh?" Gio.

Who Are You, Archer?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon