4 Years Ago....
{ARCHIUS ISAAC GALA}
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na sumisilip sa nakabukas na bintana.
Napangiti ako
Isang napakagandang araw para sa unang araw ko sa bagong paaralan.
Bumangon na ako at kinuha ko ang uniporme, gamit at sapatos na susuitin ko at tsaka in-arrage ko sa higaan bago ako maligo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na at tumingin sa salamin habang inaayos ang neck tie ng uniform ko, ngumiti ako at pinagmasdan ang uniporme ko, may nakatatak sa maliit na bulsa sa gilid ng uniporme ko ang pangalan ng paaralan na papasukan ko, hehehehe.
'Southern International University'
Hindi nagtagal ay bumaba na rin ako at doon ko nakita si Mommy na naghahanda na ng breakfast.
"Goodmorning Mommy!" Nakangiting bungad ko sa kanya, binati rin niya ako pabalik.
"Goodmorning Kuya!!! Hahahahaha!" Maingay na bati sakin ng nakababatang kapatid ko. Kaya Napatakip ako ng tenga.
"G-goodmorning din.. Tristan.." Bati ko pabalik, hindi naman siya ganoon kabata, 2years lang ang gap namin. Pero sadyang napakaingay niyang kausap, at medyo pilyo. Talagang kabaliktaran ko.
"Goodmorning Archius!" Masiglang bati sakin ni Daddy at tsaka umupo sa dulo ng dining table. "Goodmorning rin po, Daddy.."
"Bakit hindi 'mom' at 'dad' nalang ang itawag mo kila mom? Nakakarindi 'yang 'mommy' at 'daddy' mo e!" Nakasimangot na sigaw ni Ate at inis na napakamot sa ulo niya.
'Ang aga-aga, nakabusangot na agad!'
"I-informal kasi kung ganun ang tawag ko sa kanila. At isa pa, ayaw kong may mga short cuts. Kasi sign of disres--" hindi niya pinatapos ang ang sinasabi ko kasi nagsalita siya, "Tss.. Whatever, Archer!""Venus! Ang aga-aga ang sama mo na sa kapatid mo." Suway sa kanya ni Mommy pero inirapan lang siya nito. "Eh kasi naman mom! Napakapormal niya! Ang pino ng galaw niya, para siyang babae! Nakakairita! Kaya siya nabubully dahil diyan! At ako na naman ang mapapahiya! Nakakairita!"
"Magpasalamat nga dapat tayo dahil may kapatid tayong matalino, mabait, pormal, at magalang. Tsk tsk tsk." Napabuntong hininga ako sa sinabi ng kuya kong si Zarrius na natatawa pang tumingin sa pagkain niya.
"Kasi nerd siya! May nerd ba na hindi matalino?" Sarkastikong tugon ni Ate. Napatungo nalang ako nung bumaling siya sakin. "Alam mo? Konting-konti nalang talaga, maniniwala na akong bakla ka!"
"Venus Caigne! 'Wag mo ngang sinisigawan ang kapatid mo." Suway na naman ni Daddy. "At isa pa, hindi bakla si Archius, sadyang magalang lang talaga. At gwapo din naman siya ah? Maraming magkakagusto sa kanya kaya hindi siya magiging bakla."
"Gwapo ka kuya!" Sabat naman ni Axel, Napangiti naman ako "Gwapo kapag wala 'yang makapal na salamin at braces mo! Hahahahaha!" Napawi ang ngiti ko.
'Wag mo na sanang dinagdagan! Tsk!
Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila at naunang naglakad palabas.
BINABASA MO ANG
Who Are You, Archer?
Teen FictionAng taong minahal mo ng sobra, ay hindi ka na maalala. Ang babaeng sinaktan walang kasing sama noon, ang babaeng walang kaibigan, ang babaeng kinamumuhian ngunit minahal mo noon. Gusto mo pa bang ibalik ang dating siya, kung alam mo sa sarili mong...