Stage 24: An Unusual Earthquake

12.3K 704 118
                                    

Facebook Page to read #LTNI free (even with no data) https://www.facebook.com/LadyOnTheNextCubicleWP/

A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Magbasa at Mag-vote. ⭐

🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥🎥

Isla is biting her thumb's fingernail while waiting at the van. Matapos ang.. ang... 

Sinapak ni Isla ang noo. 

Matapos ang nakakawindang na naramdaman niya nung nakita niyang nakatitig sa kaniya si Liam habang dinidilaan...

"ISLLLLLLLAAAAAAA!!!" Namumulang sigaw ni Isla. "TAMA NA!! TAMA NA!!!" Tinakpan niya ang mukha ng mga palad niya. Ang init ng pakiramdam niya na di niya matantiya kung bakit.

Napatalon nalang siya sa passenger's seat nang umalog ang van. Tapos na pala ang first day ng videoshoot.

"So when will be the next schedule?" Tanong ni Liam nang sumakay ito sa backseat kasunod naman si Hailey.

"Uhh.." Hailey checked her IPad. "They are willing to adjust on your schedule. Just for this month only since they are planning to discuss that with their management at mabigyan ng budget na irelease the following month."

Tahimik na sumuksok si Isla sa pintuan. Malakas na namang nagtatalon ang puso niya sa boses palang ni Liam. Matapos maisakay ni Boyet ang mga dala nilang gamit sa trunk, pumasok ito at pumuwesto sa harapan ng manibela. "Saan tayo?"

"I'm hungry." Saad ni Liam.

Dahil masusi at paulit-ulit ang shoot, halos mag-aalas-siete na ng gabi sila natapos. At buong magdamag ring nakatambay rin si Isla sa van, walang ibang iniisip kundi si Liam.

"Should I call your favorite Thai restaurant?" Suhestiyon ni Hailey. "They've been asking me when will you be back. They have a lot of new choices."

"Really?" Tumingin si Liam sa labas ng bintana. "Okay."

Minamaniobra naman ni Boyet ang manibela habang nakatingin sa maliit na monitor sa harapan para makalabas sa parking lot. "Ikaw, Isla? Kakain ka pa ba? Di ka pa nabusog sa sandamakmak na ice cream na kinain mo?"

Di ito sumagot.

Tumawa si Boyet. "Oyyy.. di ka sumasagot. Nagulat ba kita sa sagot ko sa tanong mo kanina?"

Liam's eyebrows furrowed as he moves his gaze between the two people on the front seats. "What question?"

Mabilis na hinampas ni Isla ang braso ni Boyet. "Mag-drive ka nga! Buset ka ha!!"

Liam leans on his chair and looks at the driver. "What question, Boyet?"

"Ano, sir----" Na-preno ito ng di oras nang natatarantang tinakpan ni Isla ang bibig nito. "UMMM!!!"

"WALA!! WALA!! >.<" Pinandilatan niya ng mata si Boyet. "Di'ba??? Hmm??"

Tumango naman dala ng takot si Boyet. Nakahinga ito ng maluwag nang bumalik siya sa pag-upo.

Nilubog nalang ni Isla ang sarili sa kinauupuan niya nang maramdaman niya ang titig ni Liam sa batok niya.

.

.

Mainit naman ang pagtanggap ng mga taga Songkran Restaurant sa kanila apat. Kinakausap ng may-ari noon si Hailey at Liam, kaya naglilibot naman si Isla at Boyet sa mala-jungle na tema na desinyo ng resto.

Loving the Nation's IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon