"aray!!! Bakit mo ako tinulak?" Sabi ko habang nakaupo sa lupa."sorry hindi ko sinasadya" sabi ng kaibigan ko at inabot ang kamay niya para tulongan akong tumayo.
"Che ayaw kona sayo" sabi ko habang tumatayo. Aalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"sorry na, hindi ko naman sinasadya eh. I love you Ella" sabi niya with puppy eyes pa..
"I love you ka diyan Alam mo mga bata pa tayo, 10 years old palang tayo" pag tataray ko. "oo nga mga bata pa tayo pero diba nangako tayo na magpapakasal tayo pag Malaki natayo?" sabi niya
"oo nangako tayo, pero ayaw kona Ngayon Kasi tinulak mo ako"
"sorry na please patawarin mo na ako Pangako hindi ko na uulitin" pag mamakaawa niya. "sige na nga pa salamat ka cute ka" sabi ko at ngumiti.
"yes!! Basta magpapakasal tayo agad pag graduate natin ng college ha! Promise?"
Sabi niya sabay abot ng kamay na para makipag pinky swear sa akin. "promise!" pag sang ayon ko at inabot din ang kamay ko~~~~~~~~
"Ella" pagising sa akin ng ka klase ko sa pag daydream ko.
"hu-huh? Ano? bakit?" aligagang tanong ko
"tinatawag na Kasi ang pangalan mo kailangan mo ng umakyat sa stage" sabi ng classmate ko. Napatingin ako sa paligid, naka tingin saakin ang mga tao.
"oo nga pala graduation ko pala Ngayon haisst nakakahiya ka ella" sabi ko sa sarili ko.
Agad akong Umakyat sa stage at tinaggap ang deploma ko at Tumingin sa harap para ngumiti sa kamera pagkatapos bumaba na ako.
*******
"Ella, Kyrie hali na Kayo mag pa picture tayo" tawag sa amin ni Andrea agad naman kaming lumapit.
"1 2 3.. Smile" sabi ng photographer agad naman kaming ngumiti. "Well done" sigaw ni Andrea pagkatapos naming mag pa picture.
"guys mag cuclub tayo Ngayon ha wag niyong kalimutan" sabi ni Andrea . "oo naman, Ngayon ang last day natin bilang high-school student so we should enjoy it" excited na sang ayon ni Kyrie
"3 ANGELS forever right? " tanong ni Andrea.
"Right!!" sigaw namin pareho ni Kyrie.
"good now let's go"
"wait lang guys magpapaalam muna ako sa mga Magulang ko, promise susunod ako" sabi ko. "sumunod ka ha" sabi ni kyrie.
"oo naman" sagot ko, ngumiti sila saakin pagkatapos umalis na sila. Habang tinitignan ko sila hindi ko maiwasang ngumiti. Parang kailan lang nang nagkakilala Kami. Sa Ateneo kasi ako nag aral ng ng Elementary pero nag transfer ako dito sa CIU pagka high school ko pagkatapos pumunta ng America ang first love ko, iyak kasi ako ng iyak noon kaya naisipan ng mga Magulang ko na ilipat ako ng paaralan para makalimutan ko na siya, kaya ako napunta dito sa CIU. Nong first day ko dito. Ang tawag nila sa akin isang loner dahil wala akong kaibigan,at walang gustong lumapit sa akin kasi lagi daw akong umiiyak, pero may dalawang babae ang lumapit sa akin at nakipag kaibigan sila ang mga kaibigan ko Ngayon sina Casandrea Kate Reyes at si Kyrie Jane Rivera, mukha man Silang maldita o bad girl pero sa totoo mababait sila. Kaming tatlo ang bumubuo ng 3 ANGELS magkasama Kami sa tawanan, sa iyakan, at sa kalungkutan. Sa kanila ko natutunan ang mag ditch ng klase, at ang umuwi ng alas dose ng gabi. Sabihin man ng iba na bad influence sila sa akin pero hindi ko pinagsisihan ang Lahat ng iyon dahil sila ang tumanggap sa akin noong walang wala ako, noong walang gustong makipag kaibigan sa akin, sila ang tumulong sa akin para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko noong na wala ang first love ko, at higit sa Lahat sila ang mga kaibigan ko na nagging parte narin ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Mission: Make Her Fall In Love ( sa first love ko)
Teen FictionAko si Stefella Marie Rodrigo Santos, parents ko ang may ari ng Santos Company isa sa pinakamayamang kompanya dito sa Pilipinas, but mas malaki ang kompanya namin sa Canada kaya doon nakatira ang mga Magulang nami, kami lang ni kuya ang nandito sa P...