I can't believe this, this isn't a dream right? Kung nananaginip man ako please wag niyo na akong gisingin...
Pero teka bakit siya nandito? Bakit parang Di niya ako naalala. May amnesia parin ba siya? No way! It's been six years, imposible naman sigurong diparin siya makaalala
"Miss sungit. Hey!! miss sungit yohoo" pag tawag niya sa akin habang kinakaway ang kamay niya malapit sa mukha ko.
"hu-huh? Bakit?" nauutal na sabi ko sa ka niya.
"Sabi ko, bakit mo Alam na sa US ako nag aaral nung Highschool ako?"
"huh? Anong Alam? Wala naman akong sinabi ah. Hindi ko naman sinabi na sa US ka nag aral nung Highschool. Hindi ko rin sinabi na may amnesia ka, wala, wala talaga" pag manang maangan ko.
"Amnesia? Pano mo nalaman yan? Hindi ko naman sinabi yan sayo ah" sabi niya habang titig na titig sa akin, na para bang may ginawa akong Mali.
Wait, amnesia teka nasabi ko yun?? Shocks!!! Stefella Marie Rodrigo Santos ano ginawa mo. Shemay bat ba ang daldal ko. Mag Isip ka ng palusot Ella bilis.
"ah? Anong amnesia sabi ko ano. Ahmm, Dyslexia!! Oo tama sabi ko Dyslexia, may sakit Kasi si Ishaan ng Dyslexia! Kilala mo yun yung sa Bollywood na palabas na 'Every Child is Special'. Hehehe" bigla kong sigaw, bigla tuloy napatingin ang mga ka klase ko sa akin pati narin si maam.
"what's happening there miss Santos? Mind sharing us?" mahinahong tanong ni ma'am, pero Halata sa boses niya na medyo galit siya.
"No ma'am" nakayukong sagot ko.
"No as in there's no happening there or no as in you don't want to share it to us?" tanong ni ma'am.
"no ma'am as in walang nangyayari dito" sagot ko naman.
Tinignan mo na ako ni ma'am ng taimtim, bago siya tumango at nagpatuloy na siya sa pagkaklase.
Napahinga naman ako ng malalim. Pag tingin ko kay Klient nakatitig na siya saakin. Parang sinusuri niya ang mukha ko.
"B-bakit ka naka tingin sa akin ng ganyan?" nauutal na tanong ko sa kaniya.
"mag kakilala ba tayo?"
"huh? Mag kakilala? Diba Ngayon palang tayo nagkita? Panong mag kakilala?" pag maang-maangan ko.
"kung hindi Tayo magkailala, bakit Alam mo kung saan ako nag aaral sa Highschool, bakit Alam mo na may amnesia ako? At base sa itchura mo kanina nung tinanong mo ang pangalan ko, para bang matagal mo na aking kakilala, at Ngayon mo lang ulit ako nakita"
Nakakunot ang noo niya habang nagsasalita at nakatitig sa akin.Anong sasabihin ko "ano Kasi, uhmm, Kasi... " wala sa sariling napatingin ako kay ma'am. At bigla nalang akong tumayo. Napatingin naman si maam sa akin.
"may problema ba miss Santos?"
Tanong ni ma'am pagka tayo ko."masama Kasi ang pakiramdam ko ma'am pwede bang sa clinic mona ako?" pag sisinungaling ko para matakasan ang tanong ni Klient.
"okay miss Santos you can go to the clinic. Baka mahimatay kapa dito at malaman ng kuya mo, baka hindi Na ako sikatan ng araw bukas. Mahal Ko pa ang buhay ko" pag sasalita ni ma'am habang naka tingin sa labas.
Di ko Alam kong ako ba ang sinasabihan ni ma'am o yung mga ibon na lumilipad ay mahal ng diyos ay joke, Basta Di ko Alam Sino sinasabihan niya kaya nakatingin lang ako sa kaniya. Habang nagtatakang nakatingin ako sa kaniya bigla siyang napatingin sa gawi ko.
BINABASA MO ANG
Mission: Make Her Fall In Love ( sa first love ko)
Teen FictionAko si Stefella Marie Rodrigo Santos, parents ko ang may ari ng Santos Company isa sa pinakamayamang kompanya dito sa Pilipinas, but mas malaki ang kompanya namin sa Canada kaya doon nakatira ang mga Magulang nami, kami lang ni kuya ang nandito sa P...