CHAPTER TWO

1 0 0
                                    

It was already 5 pm at kakatapos lang nilang mag meeting ng kanyang partner para sa irereport nila.

“Wala ka na bang nakalimutan?” Tanong niya sa kaklase niya na kasama niya sa reporting para bukas. Bahagya namang tumawa ang kausap niya.

“I couldn’t thanked you enough. Perfect ang pagkakagawa mo sa report. Siguradong akong magugustuhan ito ni prof bukas. Thanks nga pala ha? Pati yung akin inayos mo.” Ngumiti ito ng bahagya sa kanya.

Malamang, partner reporting to. Ayaw naman niyang bumaba ang score nila kung hindi niya ito tulungan. Hindi naman sa nagmamagaling siya, pero ang ginawa kasi nito ay kulang. Ayaw niyang pati siya ay mahila dahil dito. Mas gugustuhin pa niyang mag report na siya lang pero kailangan ay partner ayon sa kanilang prof. Sobrang minalas ata siya at ang ibinigay sa kanyang partner ay iyon pang pinaka irresponsableng estudyante sa kanilang department.

“Walang anuman.” Sagot niya dito habang nagliligpit sa mga gamit niya. Nasa Quadrangle sila sa kasalukuyan.

“Hindi ka ba pupunta sa gym? Balita ko intense daw ang practice. Manonood ka ba?” Sukat sa sinabi nitong kaklase niyang si Gregory ay bahagya siyang natigilan. Muntik na niyang makalimutan ang kaibigan niyang si Vicky.

“Oo. Ikaw ba? Sabay na tayo.” Dumuretso na sila papunta ng gym bitbit ang kanilang bag.

Medyo may kabigatan yung backpack niya dahil sa mga makakapal na medical books. Samantalang, itong kaklase niyang si Gregory ay laptop lang ang dala na nasa sling bag.

Pahilim siyang umiling dito. Irresponsible talaga.

“Ako na magbubuhat niyang bag mo. Mukhang dala mo ata ang buong library eh.” Pagloloko nito.

“Hindi na. Okay lang.” Pagtanggi niya dito pero nagpumilit ito.

“I insist. Huwag kang mag alala. I’m not doing this cause I pity you for carrying those books. Gusto ko lang makabawi sa pag-ayos mo para sa reporting natin bukas. Now, don’t hesitate and hand me your bag.”

Binigay na niya ang bag niya dito dahil ayaw niyang humaba pa ang sitwasyon. Kailangan na niyang makarating sa gym dahil paniguradong kanina pa nag umpisa ang laro. Mananagot talaga siya sa kaibigan niya kapag nag tagal pa siya.

Ingay at sigawan sa pagchi-cheer agad ang sumalubong sa kanila ni Gregory pagsok nila sa gym. Nakikita na niya na nasa 2nd quarter na ang laro at kasalukuyang inaagaw ni Vicky ang bola sa Captain ng boys basketball team na si Raegan. It’s girls vs Boys ang tema ng practice. Hindi niya alam na ganito ka-intense ang practice at sobrang crowded ng gym.

Agad niyang tinext kung nasaan si Candice. “Dito me sa pwesto ng team nila Vicky. Faster na girl. Nireserve na kita ng pwesto.”

Agad niyang nahanap si Candice at halos gusto niyang umatras ng makita ang pwesto. Nasa first line iyon ng court at posibleng mapunta ang bola doon kapag may nagkamali sa mga manlalaro. Pero wala na siyang choice, medyo maluwag doon sa pwesto ni Candice dahil home base ito ng girl’s team. At dahil kaibigan nila si Vicky ay may privilege silang makaupo doon. Ayaw naman niyang magsisikan sa likod ng pwesto ni Candice dahil paniguradong malulunod siya sa init at pawis ng mga estudyante doon.

“Ihahatid na kita kung saan ka pu-pwesto. Mahihirapan akong ibigay ang bag mo dito. Ang lilikot ng mga tao.” Sumang-ayon siya sa sinabi ni Gregory at itunuro dito kung saan siya pupunta.

“Hi Greg!” Bati ni Candice ng makarating sila. “Salamat sa pag hatid nitong prinsesa namin ha?” Nakakalokong dagdag ni Candice na bahagyang ikinangiti ni Gregory.

“Walang anuman. Doon muna ako sa itaas ng bleachers.” Pagpapalam ni Greg at iniwan sila.

Narinig pa nilang nagtilian ang mga babae ng dumaan si Gregory sa hirap nila na sinuklian naman ng ngiti ng binatilyo.

HOW YOU GET THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon