Nagising ako sa tunog ng celphone ko. Bumangon na ako sa pagkakahiga at dumiretso sa CR para maligo. Paglabas ko nakita ko si Chloe na tulala.
"Chloe?" Sabi ko at tinapik ang balikat.
Napatingin naman siya sa'kin,"Ano?" Iritado niyang tanong.
"Wala, hehe." Sabi ko at umalis na. Baka ano pang gawin niya sa'kin.
"Magluto ka na, Sam!" Sigaw niya. Baliw ba siya? Alam naman niyang hindi ako marunong magluto e.
"Nahihibang kana ba? Hindi ako marunong magluto!" Sigaw ko. Grabe magising itong mga babaeng 'to.
"Grabe, bakla! Ang aga-aga sumisigaw ka!" Sabi ni Nikka. Gising na pala ang bruha."Ako na ang magluluuto gisingin mo na ang mga bruha para makaligo na sila." Sabi niya at dumeretso sa kusina.
"Guys, gising na!" Sabi ko at isa-isang tinapik ang mga paa.
Nagising si Francine, "Ang aga-aga sumisigaw ka." Sabi niya at nag-unat unat pa.
"'di ba maaga tayong aalis." Sabi ko. Nagising na rin si Helena at Val.
"Sinong nagluluto?" Tanong ni Val.
"Si Nikka." Sabi ko.
"Sam, 4th year na niyan tayo hindi ka parin marunong magluto." Sabi niya.
Sa totoo lang hindi ko talaga hilig ang mag-luto, mahilig ako sa mga computers. Si kuya marunong pero ako hindi, gusto ni Mommy na matuto akong magluto pero ayaw ko. Kuya is always teasing me because of that. Last akong nagluto nung mag-isa ako sa bahay day-off ng mga katulong kaya naman nag-try akong magluto kaso wala talaga. Hotdog na nga lang sunog pa.
"Kailan ba enrollment?" Pag-iiba ko ng topic.
"Next week." Sabi ni Chloe. Siya ang pinaka matanda sa'ming magkakaibigan.
"Kain na mga sister, para hindi tayo magutom siya byahe." Sabi ni Nikka.
Habang kumakain kami tumunog bigla ang phone ko. Nakita ko sa screen ang pangalan ni kuya. Ano kaya ang sasabihin ni nito?
"Sam, kailan alis niyo?"
"Mamayang 6."
"Saan kayo pupunta? Uuwi na kayo o sa ibang resort?"
"Resort nina Francine."
"Ah, sige, ingat kayo."
"Sige, kayo rin." Sabi ko pintay ang tawag.
"Maliligo lang ako." Paalam ni Helena at dumeretso sa CR.
Nang matapos kaming kumain si Val naman at Francine ang naligo sumunod naman ang mga bakla nag-away pa sila kung sino ang mauuna.
"Tara na." Excited na sabi ni Helena nang lumabas na si Ela sa CR.
"Tara na, naghihintay na si manong sa labas." Sabi ko at dinala ang mga gamit ko.
Lumabas na ako ng room at nagpaalam kina kuya. Pumunta na ako sa van at pumwesto malapit sa bintana sumunod nama si Helena.
"Tulog lang ako, ang aga kong nagising e." Sabi ko sakanila at niyakap si Helena.
Chloe's POV
"Hay, boring!" Sabi ni Francine at yumakap sa'kin.
"Tulog kasi sila." Sabi ko. "Matulog muna tayo."
Pumikit na ako at hindi na siya kinausap. Nagising ako nang sumigaw si Sam.
"Nandito na tayo!" Excited na sabi niya.
Pagkalabas namin agad kaming sinalubong ni tita Annie at Tito Rey. Agad namang yumakap si Francine sakanila. Lumapit si Sam at bumeso.
"Dalaga ka na!" Sabi ni tita at niyakap si Sam. Ganoon rin ang ginawa niya sa amin. Nagmano naman kami kay tito.
Nang makapasok na kami sa resort agad naming napansin si Christian na papalapit saamin. Agad namang sinalubong ng yakap ni Sam ganoon din si Francine.
"I missed you, kuya." Sabi ni Sam.
"I missed you too." Sabi niya at kumalas sa yakap. Tumingin naman siya saamin at ngumiti. "Hi, girls." Bati niya sa amin ngumiti lang kami sakanya.
I missed Manila.
------------------------------------------------------------------------------
Continue Reading! Thank you!
YOU ARE READING
I Fell Inlove with the Basketball Player
Teen FictionAng sinabi ko sa sarili ko noon ay Hinding-hindi na ako maiinlove sa pero nagbago Ang lahat nang makilala ko siya... Si Prince Russel Alcantara Ang taong nagpatibok muli ng aking puso.