Samara's POV
Nandito parin kami sa resort nina Francine at bukas pa ang uwi namin. Malapit lang naman ang bahay namin dito.
"Guys, kailan tayo mage-enroll?" Tanong ko sakanila.
"On monday." Sabi ni Val,"katapos nating mag-enroll diretso na tayo sa mall para mamili ng mga gamit."
3 weeks nalang pasukan na namin sana mababait ang mga estudyante sa lilipatan naming school. Sana lahat sila mabait at walang bullies, ayaw ko sa lahat ay namb-bully.
"So, uuwi na tayo bukas?" Tanong ni Chloe.
"Oo, kung gusto mong maiwan dito, go lang at dito ka muna."Sabi ni Helena na ikinatawa namin.
Kilala na namin si Chloe ayaw niya pang umuwi dahil sa mga gwapong lalaki dito.
"Nagtatanong lang e." Sabi niya at nag-pout.
"Ang pangit mo!" Sabi ni Val.
"Heh! Manahimik ka r'yan." Sabi niya at inirapan si Val. Ganyan sila palagi.
"Uhm, hindi pala ako makakasama sa inyo. Enrolled na ako sa Christian High Academy." Sabi ni Francine.
"What? Bakit daw?" Tanong ni Nikka. Kala ko tulog na ang bruha.
"Ayaw akong lumipat ni mama e." Sabi niya,"Sorry, Sam."
"Okay lang. I understand tita." Sabi ko.
Alam kong ayaw siyang mag-transfer ni tita kasi gusto niyang doon makatapos si Francine. Okay lang naman sa'kin, hindi ko sila pinilit na sumama sa'kin sila mismo ang nagpumilit.
"Matulog na tayo mga bakla. Okay lang 'yan, France." Sabi ni Ella at nahiga na sa tabi ni Nikka."Magkikita pa naman tayo e." Dagdag niya pa.
"Call pa natin si Manong o kay kuya Christian nalang tayo magpahatid?" Tanong sa kanila at humiga narin sa tabi ni Helena.
"Naku, Sam, pahatid nalang tayo kay Christian!" Sabi ni Helena. Napatingin kaming lahat sakanya."Ano ba kayo! Syempre matanda na si Manong kaya kay Christian nalang tayo pahatid." Palusot niya at niyakap ako.
"Ok, I'll call him later." Sabi ni Francine.
Grabe ang bilis ng panahon. Grade 11 na kami this year. Sana masaya sa papasukan naming school. Sana marami ring gwapo haha! Nagbalot ako ng kumot at ipinikit ko na mga mata ko.
Nagising nalang ako sa ingay ng mga kaibigan ko."I'm excited to go home! I really missed my mom and dad." Sabi ni Chloe.
"Yeah, me too." Sabi ni Val.
"Good Morning!" Masiglang bati ko sakanila.
"Morning, kumain kana at maligo para makaalis na tayo." Sabi ni Helena."Nasabi mo na ba kay Christian na siya ang maghahatid sa atin?" Tanong niya kay Francine.
Tumango si Francine,"opo, nasabi na po." Sabi ni Francine at sumubo ng sandwich.
Kumuha rin ako at nilagyan ng gatas ang aking baso. Minadali ko ang aking pagkain para makaligo na ako. Nang matapos na ako ay dumeretso ako sa cr at nag-shower. Nang nakapagbihis na ako ay lumabas na ako sa cr at nag-ayos. Niyaya ko silang lumabas dahil gusto ko ng umuwi.
"Tara na." Sabi at dinala ang gamit ko. Sabay-sabay kaming lumabas. Kumapit si Helena sa braso ko. We're close since elementary, syempre close ko rin naman si Francine kaso nang makilala namin si Helena siya na ang naging bestfriend ko, namin.
"Girl, excited ka na bang mag-aral?" Tanong niya.
Umiling ako, "Alam mo namang never akong naging excited na pumasok."
Tumango siya, magkatabi kaming umupo. Nagsalpak ako ng earphone sa tenga ko at inilagay ang ulo ko sa balikat niya, niyakap niya naman ako kaya niyakap ko rin siya. She's like my sister. I'm lucky to have her, them. Nakilala namin sila Val sa Christian High. Friendly si Val, kilala siya sa CHA simula noong nag-transfer sila. Kasama niya si Chloe.
"Matulog muna tayo, girl." Sabi ni Helena. Tumango ako at pumikit na.Napamulat ako ng mata nang may narinig akong nagt-tawanan. It's Francine and Val.
"oh, cous, gising ka na?" Obvious naman diba? Inikot ko ang mga maganda kong mata.
"Hindi pa, cous, tulog pa ako kita mo oh ang himbing ng tulog ko." Sagot ko tumawa naman si Val.
"Che!" Inirapan ako ng lola ko.
"Haha, joke lang ito naman." Sabi ko. Nagising naman si Helena nang may tumawag sa phone niya. Ang mga bakla naman tulog na tulog pati Chloe.
"Hello? Manang napatawag kayo?... Ahh... Saan po sila nagpunta?... Sige po... Hindi na po... Kina Sam nalang po... Okay po, ingat po." Sabi niya sa malungkot na tono.
"O? Anong nangyari?" Tanong ko.
Humarap siya sa'kin at ngumit nang mapait, "Wala kasi sina mommy, pweding sainyo nalang muna ako tumuloy?" Tanong niya.
"Oo naman." Ngumiti siya at niyakap ako.
"Thank you, girl. I love you na talaga." Napangiti naman ako sakanya.
"Sainyo na rin kami matutulog." Sabi ni Chloe. Gising na pala sila.
"Sure, the more the merrier!" Sabi ko. "Kuya sa bahay nalang tayo tumuloy."
"Sige, nandoon ba si Echo?" Tanong niya sa'kin.
"Ah sige, 'pag nandiyan siya sa inyo nalang ako matutulog." Kinurot ako ni Helena. Kinilig ang lola niyo.
"Aray! Ano ba?!" Sigaw ko sakaniya. Napatingin naman silang lahat sa'kin.
"Ayos ka lang, Sam?" Tanong ni kuya Christian.
"Oo, okay lang ako. Malayo pa ba tayo?" Tanong ko.
"Malapit na tayo." Huminto ang sasakyan,"nandito na."
Pumasok na kami sa loob at agad naman kaming sinalubong nila Mommy, tumakbo ako papunta sakanya at niyakap.
"I missed you, mom!" Sabi ko at hinalikan ito sa pisngi. Gano'n rin ang ginawa ko kay Dad,"I missed you, dad!"
"We missed you too."
Bumeso naman ang mga kasama ko.
"Ate!" Sigaw ni Joshua mula sa taas. Bunsong kapatid namin,"I missed you, ate." Niyakap ko siya pagkababa niya.
"I missed you too, lil bro!" Sabi ko.
"Si Echo, tita, nasaan?" Tanong ni kuya Christian.
"Miss me, bro?" Tanong ni kuya at bumaba, "oh, lil sis, you're here na!" Sabi niya at niyakap din ako.
Parang hindi kami nagkita kahapon.
"Oo, geh, pasok muna kami sa kwarto." Sabi ko at umakyat na.
"Ang gwapo talaga ni Christian. Sana gusto rin niya ako." Ayan na naman ang Christian niya.
"Girl, tama na 'yan." Sabi ko. Bago matulog Christian, pag gising Christian. Ano bang ginawa ni kuya rito?
"Nahiya naman ako sa'yo. Eh ikaw? Sino?"Sabi niya at tinaasan ako ng kilay.
"JASPER!" Malakas na sigaw nila.
"Kailangan sabay-sabay?" Tanong ko at inirapan sila.
YOU ARE READING
I Fell Inlove with the Basketball Player
Teen FictionAng sinabi ko sa sarili ko noon ay Hinding-hindi na ako maiinlove sa pero nagbago Ang lahat nang makilala ko siya... Si Prince Russel Alcantara Ang taong nagpatibok muli ng aking puso.