Chapter 3

629 23 10
                                    

Chapter 3: He's Concern

(Mayumi's POV)

Nagising na lang ako at napansin ang oras. 9:45am. It's recess time. Bumangon ako at lumabas. Nakita ko ang nurse na may kinausap, sinabihan ko siyang mauna na ako at tumango naman siya. 

Iniwan ko na ang clinic, ngayon naman ang problema, hindi ko alam ang daan pabalik sa classroom.

Asan na ba ako? Sinubukan kong i-flashback kung asan kami dumaan. Pero ang dami kasing facilities at ang laki laki pa ng mga buildings. 

Lumakad lakad nalang ako. Tumingin tingin sa paligid. Hindi ko namalayan na nasa labas na pala ako ng building. Sa aking kaliwa ay isang fountain at sa aking kanan naman ay mga bulaklak, puno at isang green field. May nakita akong bench at saka umupo. I observed my sorroundings. Walang tao, ni isa. 

Tinignan ko naman ang aking wrist watch. 11:49am. Malapit na rin palang mag-uwian. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinapakingan ang mga himig ng ibon. Ang tunog ng hangin at ang daloy ng tubig sa fountain. 

Nang ibinuka ko na ang mga mata ko. Nakita kong nakatayo si Nigiel sa harapan ko. Hindi ko maiwasang, ngumiti at lumapit sa kanya. 

He smiled then hugged me. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at kumalas sa yakap. 

"Dito na ako mag-aaral." muni niya at ngumiti. 

Sa narinig ko. Iniyakap ko siya ng mahigpit. Excited na ako maging kaklase siya! Parehas lang rin naman kasi ang kursong kinuha namin. Parehas nga pero nag-aaral siya sa ibang paaralan, ngayon nandito na siya sa harap ko, pumapasok sa iisang paaralan, standing on the same ground and breathing the same air.

"Magkaklase ba tayo?" tanong ko.

Nung una ang saya ko ngayon parang pumanaw na ang saya at napalitan ng mapait na ngiti. 

"Afternoon classes ako." muni niya. I bit my lips from sighing. Instead of giving him an anticipating smile, I gave him a weak one.

Lumapit siya sa akin and pecked my forehead.

"Don't worry my Angel. Gagawa ako ng paraan para makasama ka." sabi niya sabay ngiti. I responded by smiling at him. Ilang minuto naman ang lumipas at tumunog na ang bell. Nagsilabasan na ang mga estudyante and noise flooded the entire campus.

Inihatid naman ako ni Nigiel patungo sa aking silid-aralan. Mabuti nga siya, alam na alam kung asan ang classroom ko samantalang ako sarili kong school alien na alien pagdating sa ganyang bagay bagay. Tamang tam lang, dahil kailangan ko pang magpasalamat kay Jherick dahil dinala niya ako sa clinic. Well, sort of, sabihin nating kinaladkad ako patungo sa clinic at dahil dun kompletong kompleto na ang tulog ko.

Nang dumating na kami sa harap ng pinto ng aking silid-aralan, sinalubong naman kami ng nag-aalalang mukha ni Lolly. 

"Oh, Lolly may problema ba?" tanong ko

Tumango naman siya in distress. 

"Si Jherick, hindi ko mahanap." muni niya.

Nanlaki naman ang mata ko.

"Akala ko ba bumalik na siya?" tanong ko sa kanya, tumango naman siya and let out a deep sigh.

"That's what I thought pero hindi parin siya bumabalik hanggang ngayon, Mayumi kailangan natin siyang hanapin ngayon." nagaalalang sabi ni Lolly sa akin sabay kapit sa aking braso. Tumango naman ako at humarap kay Nigiel.

"Giel naalala mo pa si Lolly?" tanong ko at tumango naman siya. 

"Bakit?" tanong niya.

"Naalala mo ba yung lalaking kasama niya? Yung time na sinundo mo ako nung first day of school?" tanong ko sa kanya. Tumango naman ulit si Nigiel. 

My Girl For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon