"Nakikita mo ba 'ko?" Ilang beses na 'kong kinukulit ng babaeng to.
"Umalis ka na nga rito! Di mo ba nakikita na nagpapahinga ako!" Sigaw ko sa kanya.
"Okay." Kasabay ng pag-sara ng pinto.
-----
"Tapos ka na bang mag-pahinga?"
"Tara punta tayo sa garden."
"Sabi ni tita, pwede raw tayong mag-gala excited na'ko! Ikaw excited ka naba? Ha? Ha? Ha?" sunod-sunod nya pang sabi."Ano bang problema mo?! Nakikita mo naman ang kalagayan ko diba?! May mga mata ka, pero bakit di mo makitang imposible lahat ng sinasabi mo?!" hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, pero ayoko ng presensiya niya rito.
"Umalis kana! Alam mo namang hindi kita makita! Alam mo namang wala akong makita! Pero pinag-pipilitan mo pa rin ang lahat, ang selfish mo!" di ko akalaing magagawa kong sigawan ang isang babae dahil lang sa problema ko.
-----
Lumipas ang tatlong taon.
"Okay na ba ang paningin mo?" Tanong sakin ni mama."Opo ma, sabi ko na nga ba ang ganda ng mama ko eh!"
"Ikaw talaga, sige na, magpahangin ka muna sa labas."
-----
Habang nagpapahangin biglang may lumapit sakin na babae, grabe ang ganda nya, pero bakit may tungkod sya?"Hi! Nakikita mo na ba ko? Posible na bang mang yari ang lahat ng sinasabi ko? Okay ba ang mga mata ko sayo?" kasabay ng mga salitang binitawan nya ang pag-tulo ng luha ko.