Pagtatapos

2 0 0
                                    

Araw ng pagtatapos. Halo-halong emosyon ang makikita sa kanilang mga mukha. Ang galak, ang lungkot at takot.

Ang galak dahil matatapos na ang paghihirap nila sa kulungang ito.

Ang lungkot marahil magkakahiwalay na ang mga magkakaibigan.

Ang takot siguro ay-- hindi ko alam, paanong sa araw ng pagtatapos ay makakaramdam ka ng takot?

Hanggang sa narinig ang pagsabog, pagtawag sa pangalan ng mga mag-aaral ay biglang nahinto. Nagkagulo ang lahat, nag-iyakan at wari'y takot sa mga mukha ang unang makikita. Nagsisigawan ang mga tao, naririndi nako at natatakot.

Wala na, lahat sila'y  nakahandusay at duguan.

Tahimik na muli, ang mga putok ng baril ay biglang napipi.

Wala ng tao! lahat ay patay na hanggang sa may tumama sa aking ulo, nanlalabo na ang paningin ko hindi ko maramdaman ang aking katawan, bumagsak ako sa lupa.

Isa lang ang aking naiisip, katapusan na ng mundo! ano nga palang araw ngayon?
Araw nga pala ng pagtatapos at nandilim ang aking paningin.

BoringWhere stories live. Discover now