CHAPTER 1

21 2 0
                                    

Levi POV

Anong mga gang ito?, nakaramdam ako ng pagkagulo sa aking isipan matapos makita ang mga gang na animoy mga bago o ngayon ko lang nakita

Napansin ko ang marka sa kanilang mga kamay na senyales na isa silang gang

Nagtago kami ni Ivy sa may tabihan para saksihan ang ginagawa nila

Binugbog nila ang mga kaaway, tinignan ko naman si Ivy sa tabihan ko at napansin ko na di man lang siya nandidiring tingnan ang mga nangyayari

Mahigit na nasa 12 silang miyembro at 7 lang ang kalaban nila ni walang napala ang pito dahil sa sobrang dami nila

Hinila ko si Ivy palayo at saka kami tumakbo dahil nakita ako ng isa nilang miyembro, nagdali dali kaming sumakay sa motorsiklo at saka pumunta sa Tambayan namin

+++++++++++

Hingal na hingal kaming bumaba sa Motorsiklo at saka naglakad papunta sa Tent napansin kong nandoon sila lahat, sumalubong naman si Sid sa akin at saka ako niyakap

"Saan kayo galing?", tanong ni Kev

"None of your Business", Nakangising sabi ko

"Bakit kayo hingal na hingal siguro nag ano ka----"

"Shut up", hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin dahil sa inis ko

Dali dali akong umupo sa bandang upuan at saka ako nag-isip

Nagpulong pulong kaming lahat para pag-usapan yung nakita namin ni Ivy kanina, Ni wala ding nakakakilala sa kanila dahil ngayon lang din daw nila iyon nakita

Sinulyapan ko naman si Ivy at  walang emosyon ang kanyang mukha habang nakayuko

"Ayos ka lang ba?", tanong ko sa kanya...

Hindi siya sumagot kaya tumayo ako para ihatid siya sa bahay para magpahinga

++++++++++++

Dumating ako sa bahay ng tahimik, wala ding tao dito dahil si Yaya ay nagpaalam para magbakasyon sa kanyang pamilya

Inihatid ko Ivy sa kanyang kwarto at saka ko siya inihiga sa kama

Agad naman akong lumabas at saka ako pumunta sa aking kwarto para makapagpahinga na rin

Nagising ang diwa ko matapos masikatan ng araw ang aking mata

Nagtungo ako sa banyo para maligo, nakapagbihis na rin ako saka ako dumeretso sa kwarto ni Ivy

Tahimik kong binuksan ang kwarto niya at napagtanto kong wala siya, tinignan ko rin ang mga gamit niya sa eskwela at wala rin akong nakita

Agad akong bumaba para tignan ang kusina at napansin ko ang isang sulat sa isang lamesa

Dear Levi,

Pasensiya na at inunahan kita, pero wag ka mag-alala pinaghayin kita ng makakain mo at sana magustuhan mo, Kita na lang tayo mamaya

Halos napangiti ako sa sulat niya at saka ko kinain ang mga niluto niya

Halos di ako makatayo dahil sa kabusugan ko, at parang ngayon lang ulit ako nakatikim ng ganitong kasarap na pagkain

Dali dali akong sumakay ng motor saka pinatakbo ng mabilis, dumeretso na ako sa school dahil baka ako malate

+++++++++++

GANGSTER SERIES 1: LEVI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon