Levi POV
Nakaramdam ako ng Pagkabigla dahil sa sinabi niya?
Isa siyang Gangster??
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa
Napaka-inosente niyang babae para maging isang gangster
Napatingin naman ako sa mga kasama ko at makikitang sa kanilang mukha ang pagkabigla
Sandaling minuto ang naantala at walang makapagsalita
Kaya pala ang galing niyang makapaglaban!
"A-hh kailan daw ang labas ko?", tanong ko sa kanila
Nakitang kong ngumiti si Ivy at itinago naman niya iyon at saka humarap sa akin
"Mamaya na raw", sagot niya
Napakatamik ng paligid, isang tanong at isa ding sagot, Nakita kong lumabas si Samuel At Mitch
Si Kev naman ay kukain sa may lamesa
"Where is Sid?", i ask
"Pinapasok ko siya, dahil sinabi ko na hindi ka matutuwa kapag umabsent siya", napangiti ako dahil sa sinabi niya
++++++++++
Lumipas ang ilang oras at nakalabas na ako ng ospital
Dumeretso na kami sa bahay kasabay si Ivy at si Sid Para dito na matulog
++++++++++++
Maaga akong nagising para mamili ng mga kakainin
Agad akong bumaba para sumakay ng motor at saka pinaandar
Dumiretso ako sa palengke para bumili ng ulam, bumili ako ng mga canned foods at saka karne na kakainin namin mamaya
Paalis na sana ako ng maalala ko si Sid, Nasa bahay din pala si Sid kaya hinanap ko ang Favorite niyan ulam
Nakita ko ang isang matanda na nagtitinda ng Longganisa
Mula sa aking kinatatayuan naamoy ko na ang longganisa kahit akoy malayo pa
Hi Pogi! Ano sayo?, sabi nung tindera
Ang tanda tanda na, nagagawang pang mambola tsk, at tsaka longganisa lang naman ang tinda niya nagtatanong pa siya kung ano yung kailangan ko
"Magkano po sa isang balot", tanong ko
"Saisenta Pogi"
Put* magkano yung saisenta?
"Ilan ba kukunin mo?"
"Dalawang balot po", sabi ko
"Dibale Siento Beynte lahat"
Nagulo ang isip ko dahil sa sinasabi ng matandang to?
Magkano yung seinto beynte??
Kinuha ko ang wallet ko mula sa bulsa at saka kunwaring nagbibilang ng pera
Wala akong makitang barya dahil hindi ko alam kung magkano ang Siento beynte na yon!
Kinuha ko ang ₱500 at saka ko ito binigay sa matanda
"Pogi ito sukli mo"
"Keep the change Lola", sabi ko at saka umalis
BINABASA MO ANG
GANGSTER SERIES 1: LEVI LOVE
ActionNot all Gangsters are BAD, because some are GOOD Cover credits to Google