Para sa lalaking minamahal ko ng higit pa sa sarili ko,
Para sa'yo to, oo para sayo.
Sa lalaking minahal ko ng higit pa sa sarili ko, sa lalaki na ginawa ko nang mundo ko.Sayo na umiikot mundo ko, ikaw na ang sentro ng buhay ko- sa lahat ng segundo, minuto at ultimo oras, ikaw ang nasa isip ko.
Wala na kong mas hihingilin pa kung hindi ikaw. Ang matagal kong pinagdadasal sa Diyos, andito na. Ikaw yun, aking sinisinta.
Sa lahat ng away at bati, sa pag-iyak at pag-ngiti, hindi parin tayo sumusuko; patuloy parin ang paglaban natin.
Ayaw ko man aminin sa sarili ko, pero eto.
Eto na ang totoo.
Unti-unti na kong napapagod- hindi sayo, kung hindi sa sitwasyon natin.
Nakakapagod din pala yung ako lagi nanunuyo, ako yung nag-aadjust, ako yung lagi umiintindi, ako yung laging nagpaparaya, ako nalang lagi humahabol.
Humahabol na parang aso.
Humahabol na para bang may kadadatnan yung paghabol ko sayo.
Alam mo na mahal na mahal kita- na kaya ko ipagpalit lahat para sayo.
Pero kahit ilang beses ko siguro ipaglaban tong relasyon natin, kahit ilang beses akong umiyak at magmakaawa na baguhin natin kung anong meron tayo-
-dadating at dadating parin pala sa punto na mapapagod ako.
Na susuko ang dating kong malakas na loob.
Mahal na mahal kita,
Pero, nakakapagod din pala na lumaban.
-liit.
YOU ARE READING
Letters
RandomThis is a bunch of letters I never gained the courage to send. ※ Maybe in Tagalog, English or Both. ※