PINGK [KNT]

330 10 0
                                    

    
      "Ahh. Ikaw pala si Yaw. Yung may 'Identity crisis'." Sabi ni James sa tonong may panghuhusga.

     "At ikaw si James Joshuen, ang top notcher. Ang bago n'yang kinahuhumalingan."

     Alam ko na matagal na rin gustong makita ni Yaw ang lalake na 'to. Gusto n'ya itong pag-pira-pirasuhin. Pero sa nakikita ko ay kalmado lang s'ya.

     "Yeah. So, we finally meet. *smirk*." Kalmado lang si James na parang nakikipag-angasan.

     Tapos ay lumingon s'ya sa'kin. "Hey. Gusto kong sabihin na bagay kayo. Isang babae na nagpapaka-lalake, at isang lalake na parang babae." Tapos ay ngumiti s'ya na pawang pang-aasar.

     Aba't... Kanina pa ako nakaririnig ng pang-iinsulto dito ah.

     Sa sobrang galit ko ay naka-ipon ako ng lakas para maka-tayo at sugurin s'ya. Pero parang isang malakas na hangin ang mabilis na dumaan sa'kin.

     Isang mabilis at malakas na 'right straight' mula kay Yaw ang tumama diretso sa mukha ni James, dahilan para tumilapon ito ng malayo at bumagsak sa lupa.

***

Introduction.

      Bawat isa sa atin ay nagdaan sa ganitong sitwasyon. Pero hindi sa isang kwento na katulad nito.

     Normal ako. Sa opinyon ko, pero abnormal para sa ibang tao.

     Pero ano ba'ng paki ko?! Pakialam nila sa buhay ko?!

     Wala naman silang alam sa mga pinagdaanan ko. Dami talagang pang-gulo sa mundo, lalo na sa buhay ko.

     Pero sabi nila ang bawat isang tao daw sa paligid mo ay magbibigay ambag, maliit man o malaki, sa iyong magiging pagkatao..

     Ang tawag nila sa akin ay YAW.

     Short for BULYAW.

     Ito ang kwento ko...

PINGK [KNT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon