APAT NA DAAN AT WALUMPOT ANIM NA MANIKA

38 3 1
                                    

“Apat na daan at walumpo’t anim na Manika”

 Kaye Jealow Mondejar

REVISED EDITION

    Minsan sa aking buhay, umibig ako sa isang taong minahal ko ng lubos higit pa sa buhay ko. Pero lahat ay humantong sa isang trahedyang ako mismo ang may sala. Balot ng pagsisi ang aking pagkatao sa kasalukuyan .  madalas kong tinatanong ang aking sarili kung bakit ko nagawa iyon. Kung bakit hindi ko nagawang pagkatiwalaan ang taong iyon sa bandang huli. Kung bakit nagpadala ako sa emosyon ko. kung bakit nawala sya sa buhay ko.. pero kahit gaano pa karami ang mga katanungan ko sa sarili, kahit gaano pa kalaki ang pagsisisi ko at kahit gaano kalaki ang aking pagnanais na maibalik ang lahat sa dati .. alam ko, huli na ang lahat para sa amin. Hindi ko na kailan man mababalik ang lahat sa dati..

    Ako si Dhaina Fontez. Kilala ako sa pagiging may-ari ng isang malaking pabrika ng manika. Masasabi ko na ako ay matagumpay sa aking negosyo dahil humugot ako ng inspirasyon mula sa aking nakaraan. Ngunit kahit gaano kalaki ang tagumpay na natatamasa ko, meron paring malaking puwang sa puso ko.  

    Nung nasa sekondarya ako, nag-aaral ako sa isang pribadong paaralan. Hindi naman kami mayaman. Sa katunayan, isa lamang magsasaka ang aking ama at labandera ang aking ina. Pero ang mga katotohanang iyon ay ikinubli ko mula sa aking mga mayayaman na mga kaklase. Pinag-aral lamang ako noon ng aking tiyahin na kapatid ng aking ama. Malaki ang utang na loob nya sa aking ama kaya bilang kabayaran, pinag-aral nya ako dahil narin sa may kaya ang kanyang naging asawa na nagtatrabaho sa labas ng bansa bilang Sea  Man.

    Labing limang taong gulang ako nang matagpuan ko ang aking unang pag-ibig. Maraming nagsabi sa akin na  baka nahihibang lang daw ako dahil sa edad ko, hindi ko pa daw maaaring sabihin na ako ay umiibig sapagkat wala pa akong sapat na karanasan. Pero sabi ko naman, “ang pag-ibig ay walang edad. Kaya kahit bata man o matanda, maaring makaranas nito.”

   Kakaiba ang lalaking iyon . matalino sya at magaling din sa palakasan. Kilala sya sa  buong paaralan namin . dahil narin sa mabango ang pangalan ng pamilya nila. Kaya para sa akin na isang simpleng babae lamang, mahirap syang abutin. Kadalasan ko syang tinitingnan sa malayo dahil para sa akin, sya ang pinaka magandang tanawing nilikha ng Diyos.  

   Sa katunayan, isa akong malaking kabaliktaran nya . Tamad akong mag-aral. Palagi akong huli sa klase at madalas akong sabihan na bobo ng aking guro. Madalas din akong napapalabas sa aming silid aralan dahil ayaw kong makipagtulungan sa mga kaklase ko kapag may group activities kami. Noon kasi, naiinis ako na isipin na masarap ang buhay ng mga taong nakapaligid sa akin. Mayayaman sila. Samantalang ako at ang pamilya ko, naghihirap .. naghihikahos sa buhay. Nais kong takasan noon ang katotohanang ako ay isa lamang dukha.

    Una kong nakita ang lalaking iyon isang araw habang nasa labas ako ng aming silid-aralan. Pina “sit on the air” ako ng aking guro sa labas dahil natulog ako sa kanyang klase. Habang nasa labas at nasa nakakahiyang sitwasyon, nakita ko syang kinukunan ng litrato ang mga paru-parong nagsiliparan sa hardin. Habang tinatanaw ko sya, para bang huminto ang paligid at ang lahat ng bagay ay nakasentro lamang sa kanya. Di ko napansin na nagmumukha na pala akong tanga habang pinagmamasdan sya. Nakanganga ang aking bibig habang naka-sit on the air. Sa di inaasahang pagkakataon, tiningnan nya ako at bigla syang tumawa. Marahil , natawa sya sa itsura ko saka sya umalis. Kahit na pinagtawanan nya ako, ang saya-saya ko sa mga oras na iyon dahil napansin nya ang isang tulad ko. Simula noon, kinilala ko sya ng mabuti sa pamamagitan ng paglikom ng impormasyon mula sa aking mga kaklase.

    Nakilala ko sya kahit na hindi kami personal na magkakilala. Nais ko talagang kilalanin pa sya ng lubos. At ang katangi-tanging paraan upang maisakatuparan iyon, ay ang magpakatalino. Nabibilang sya sa star section ng aming paaralan at ayon sa kanilang ranking, sya ang may pinakamataas na puntos sa klase. Alam kong mahihirapan ako sa binabalak ko. Ngunit interasado ako sa kanya. Naniniwala rin ako sa sarili kong kasabihan na walang magyayari kong hindi ako kikilos. 

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Aug 16, 2014 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

APAT NA DAAN AT WALUMPOT ANIM NA MANIKAOù les histoires vivent. Découvrez maintenant