Update 12

603 8 0
                                    

THE NEXT DAY.

VERONICA'S POV.

"Oh ano ok na ba lahat!!?!" sabi ni mama habang chinecheck kung completo na lahat ng dadalhin namin.

"Yes ma oo nga! naaayos na natin lahat!" -lory.

"Oh siya halina kayong lahat baka maiwan tayo ng eroplano!" sabi ni mama.

"Oh mag iingat kayo sa byahe nyo ha, pagpalain sana kayo ng diyos!" sabi ni lola.

"Salamat ma. magiingat po kayo dito. Papadalhan ko po ulit kayo kapag nagkasweldo na ko. salamat ma" sabi ni mama kay lola tapos niyakap niya ito. "Salamat din pa. aalagaan nyo ang isat isa ni mama ha!" sabi naman ni mama kay lolo tapos nagyakap din sila.

"Thanks grandma and grandpa, dont be stressed so you wont get wrinkles, okay? love you grandparents!" sabi ni lory tapos niyakap niya si lolo at lola.

"Haha! Salamat apo, mag iingat din kayo." sabi ni lolo kay lory.

"Oh veronica dalian mo magpaalam ka na, nagiintay na yung tricycle sa labas." sabi ni mama.

"Ah ma, lory mauna na po muna kayo dun sa labas. susunod po ako. may ibibigay lang ako kina lola."

"Osiya dalian mo, halika na lory." sabi ni mama tapos umalis na sila.

_

"Ah... lola.. para po sainyo ni lolo." i said tapos nagabot ako ng isang box na puti na may red ribbon.

"Oh apo ano naman ang laman ito?" tanong ni lola.

I smiled. "Buksan niyo po."

Binuksan naman ni lola at lolo yung regalo ko.

Napahawak si lola sa bibig niya nung nakita niya yung regalo ko. Parang natouch na nagulat.

"Saan mo ito nakuha apo?" tanong ni lola.

"Na-alala nyo po ba yung box na pinakita nyo sakin? nakita ko po yang wedding picture nyo ni lolo. Nakita ko pong medyo punit punit at parang ang dami ng dumi. Pinaayos ko po yan la. Salamat po sa lahat ng advice nyo saakin. At syempre salamat lolo kasi minahal nyo po ng totoo si lola. Kung wala po kayo, wala po si mama, at lalong wala po kami ni lory. Happy 50th wedding anniversary lolo at lola. mahal ko po kayo." -sabi ko.

Nakita ko namang medyo naiiyak sila sa sinabi ko. Tears of joy kumabaga. "Salamat apo, mahal na mahal ka din namin ng lola mo." sabi ni lolo tapos nagyakap kami.

"Salamat dito apo,dahil diyan, idedesplay natin ito..... dito." she said tapos pinatong niya yung picture frame sa altar.

"Mamimiss ko po kayo" naiiyak kong sabi. shet drama

"Mag iingat kayo ha" sabi ni lola.

"Opo. pa last hug naman po lolo at lola." sabi ko tapos niyakap ko ulit sila.

"Bye po!" i said.

________

Lumabas na ako.

"Oh ano, veronica halka na! ilagay mo na yang maleta mo sa likod dalian mo malelate na tayo!" sigaw ni mama.

"opo eto na nga po eh" sabi ko tapos inayos ko na ung gamit ko sa likod ng tricy.

JERIC'S POV

As of now, andito na ako sa cebu. Syempre kagabi pa. Hindi naman buong araw yung byahe ko. 

Nagpahinga na ako sa bahay kagabi.

As of now, nandito na ako ngayon sa ospital. 

"Oh tita? asan na po si papa?" tanong ko ng lumabas si tita sa kwarto ni papa.

She's dating the superstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon