Chapter # 1

4 0 0
                                    

Juddie's POV

Mas binilisan ko ang pagpapatakbo sa bigbike ko ng makita ko sa side mirror na palapit na sya sakin.

Nandito kami ngayon sa isang highway dahil nagkakarera lang naman kami ni Red papunta sa park na lagi naming tinatambayan.

Di nako nagulat ng may mga patrol cars ang sumusunod samin... hahaha dahil nanaman sa over speed namin. Pero imbis na tumigil kami sa pagmamaneho ay nakipag karerahan pa kami sa kanila, hindi ko naman kinalimutan na may karera pa kami ni Pula kaya ako parin ang nauuna saming dalawa, nang maramdaman ko wala nang humahabol samin na patrol cars ay itinigil ko na ang pagdada-drive, nandito narin naman na ako sa pagtatagpuan namin, sa park.

Sigurado naman akong hindi na kami maaabutan ng mga pulis nayun.Nakita ko naman si Red na paparating na at ipinark narin ang kanyang motor.

"Tsk!!Ang bagal mo parin.." pang-aasar ko sakanya habang palapit na siya sakin.

"Tss..muntik na kaya akung maabutan ng mga yun..." reklamo naman niya habang nakanguso at nakahawak pa sa kanyang batok.

"Eh kasi nga, ang bagal mo.." sabi ko pa.

"Tsk!! Tara na nga lang.." sabi nya at nagumpisa ng maglakad.

"Uy!uy!uy! San ka pupunta??" habul ko at sumabay sa paglalakad nya.

"Nakalimotan mo na ba ang kasunduan natin??" dagdag ko pa..Tsk!! kinalimutan na yata ang kasunduan namin na kapag ako ang mananalo sa karera namin ay bibilhan nya ako kung anong gusto ko ipabili sa kanya.

"Tsk! Oo na mamaya na!!" asar na sabi niya.

"Haha!! tanggapin mo nalang na hindi ka mananalo sakin kahit kaylan!!" sigaw ko at tumakbo palayo sa kanya. Nakita ko naman kung pano namula ang mukha nya sa sobrang pagka-asar. Hanggang sa hinabol na nga nya ako. Hahhahaha! Napaka asar-talo talaga nung lalaking yun!

Naghabulan lang kami hanggang sa napagod na kami sa kakatakbo, kaya naisipan na naming kumain ng mga street foods, tulad ng kwek-kwek,fishball, and balot at marami pang iba. Hanggang sa nagdesisyon narin kaming umuwi.

*At home........*

Ipi-nark ko agad ang motor ko sa garahe pati na rin kay Pula(Red), at sabay narin kaming pumasok sa bahay.

Nakalimutan ko nga palang magpakilala sa inyo, ako nga pala si  Juddie Trixie Ortiz ang bunso sa tatlong magkakapatid. Linggo nga pala ngayon, at bukas pasukan na namin. Syempre pareho rin kami ng school ni Pula, lagi naman eh.. Nakakasawa na rin ang mukha ng panget na yun..

So yun na nga pagpasok namin sa bahay bumungad agad samin sila kuya na naglalaro na naman ng ML (mobile legends) hayss..siguro nagkasundo nanaman ang dalawa tsk!

"Uyy!! Sali naman ako dyan.." biglang sigaw ni Pula at dali-daling tumakbo patungo sa kanila habang hawak-hawak ang cp nya. Talagang dumagdag pa ang tukmol. Lumingon naman ang dalawa sakin at kay Pula nang mapagtantong ngayun lang kami umuwi. Lagot! O.A pa naman ang dalawang to..

"San kayo galing?" tanong ni kuya Judde habang nakakunot ang noo.

"Bakit ngayun lang kayo umuwi?" hindi pako nakakasagot ng magtanong naman si kuya Jhonn, tsk! Ang O-o.a talaga ng mga gurang nato pero kahit ganyan yan sila, mahal na mahal ko parin yang mga yan.

"At wag mong sasabihing nag race nanaman kayo sa highway, talagang malilintikan kayo sakin lalo kanang ungoy ka!" duro ni kuya Jhonn kay Pula, oh-ow lagot na!

Okay lang sana kung si Pula lang papagalitan pero ako?? Baka isumbong nila ako kay Daddy. Sabi pa naman ni dad kapag hindi daw ako magiging pasaway bibilhan niya ako ng bagong motor. Ang daddy ko nga pala ay nag out of the country dahil sa business. Nako naman! Baka mawala pa yung motor ko sayang naman yun!!

"Oo pano mo nalam---" agad akong tumakbo patungo kay Pula at mabilis na tinakpan ang bunganga nito.

"Hi-hindi kaya!! Pumunta lang kami sa park at naglakad-lakad tsaka kumain narin, yu-yun lang.." mabilis na sabi ko habang nakatakip parin ang kamay ko sa bunganga ng sira ulong Pula nato! Ilalaglag pako langya!!

"Anuwvsyswjzyiwg" nagsalita pa ang gunggung habang pilit na tinatanggal ang kamay ko sa bunganga nito.

"Huwag ka ngang maingay!" madiing bulong ko naman sa kanya.

"Alam mo ikaw bata ka?! Hindi ka rin marunong magsinungaling noh?? Sabihin mo ng totoo samin kung hindi tatawagan ko na si dad.." banta sa akin ni kuya Judde. Nako naman!! Huling-huli na talaga ako!!

"Kuya naman, wala namang ganyanan.." sabi ko at agad na nilapitan sila kuya. Pinagdikit ko naman ang mga kamay ko at nagpuppy-eyes sa kanila.

"Kuya Jhonn, tulungan mo naman ako.." pagmamakaawa ko ka kuya jhonn habang nakadikit ang mga kamay sa isa't isa at nag puppy-eyes narin.

"Ikaw talagang bata ka.. Sige na magbihis ka na." sabi ko na nga ba, hindi talaga ako matitiis ni kuya Jhonn. Harhar :-D

"Thank you kuya!Lab u!" sabi ko at dinambahan ng yakap si kuya Jhonn. Binilatan ko naman si kuya Judde, hmp!! Kala niya ha..

Tumakbo agad ako patungong kwarto at nagshower..

Pagkatapos kung naligo nagbihis agad ako at humiga sa kama. Binuksan ko ang laptop ko at nag log-in sa acc. ko.

Wala namang bago ganun parin naman kaya ini-off ko na ang laptop at humiga ng maayos. Nakakapagod naman ang araw nato, pero siyempre nag enjoy ako sobra.

Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako...

***********
A/n:Sensya na ngayun lang..
Sensya na rin kunti lang muna ang UD...

please vote and comment.THANK YOU....

My PartnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon