Juddie's POV
"HOY!! PAYATOT, WALA KABANG PLANONG GUMISING DYAN?!"
Agad naman akong napabalikwas sa aking kama ng marinig ko ang malakas na sigaw na yun.
Napalingon naman ako sa mapangahas na taong sinigawan ako, na walang iba kundi si Red.
Binigyan ko siya ng matalim na tingin at napaatras naman siya.
"BAKIT MO BA AKO SINISIGAWAN HA?!" sigaw ko naman sa pagmumukha niya.
"Eh diba? First day natin ngayon?" mahinang sabi niya habang kinakamot ang kanyang batok.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Doon ko lang narealize na nakabihis na pala siya ng uniform. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Eh 'bat ngayon mo lang ako ginising?!" bulyaw ko sa kanya, napapoker face naman siya.
"Kanina pa kaya kita ginigising tsk!" irap niya.
"Umalis ka na nga dito!" taboy ko sa kanya at pinagtulakan palabas sa aking kwarto.
Nang makalabas na siya sa aking kwarto agad-agad naman akong pumasok sa cr at naligo. Pagkatapos kong maligo nagmadali akong magbihis dahil late na nga kami.
Lumabas agad ako sa aking kwarto. Pagkababa ko sa sala nakita ko si Pula na naghihintay, kaya lumapit na ako rito.
"Ang tagal mo naman! Tara na nga!" At hinila na niya ako palabas ng bahay. Nagpumiglas naman ako.
"Teka nga! Asan na sila kuya?! tsaka hindi pa ko kumain!!" sigaw ko sa mukha niya. Napapikit naman siya dahil sa inis at ingay sakin.
"Nauna na sila kanina dahil ang napakatagal mo gumising! Kaya sumabay kana lang daw sakin. Sa school kana kumain, dahil late na tayo!!" sigaw niya rin sa mukha ko, with matching talsik laway pa. Ewwww!! Mabilis kong pinunasan ang mukha ko.
"Kadiri kang unggoy ka!!! Tumtalsik laway mo sa mukha ko!!" inis na sigaw ko saka nagdadabog na naflakad papunta sa motorbike ko.
"Hoy!Hoy!Asan ka pupunta??" pigil nya, at hinila pa ako ng gago.
"Bitiwan mo nga akong unggoy ka! Late na tayo kaya dun nako sasakay!!" sigaw ko at nagpumiglas sa pagkakahawak niya, kaso hindi naman niya ako binibitawan. Napakalakas talaga ng payatot nato. Kainiss!!!
"
BINABASA MO ANG
My Partner
Teen FictionAng babaeng halos lahat ng nakapaligid sa kanya ay lalaki.Meron siyang bestfriend na lalaki,si Red na simula ng bata pa siya ay magkasundong-magkasundo na sila.Magkapartner sila sa lahat ng bagay sa kakulitan,kakwelahan,kasayahan,kalungkutan at sa k...