Chapter three

12 0 0
                                    

"Para manong! " sabi ko nung malapit na sa bahay. 

"Bye rish. Basta call ka lang ha. " sabi ni edrick. 

"Oo na po. bye. " marahan kong sabi. 

Akalain mo yun. Four years na ang nakakalipas pero matibay parin ang friendship namin. Napakasweet at caring niya sakin na hinihiling ko na lang na sana hindi dumating yung panahon na may makilala na siyang babae na magpapasaya sakanya at makalimutan na niya etong si ako na bestfriend daw niya. 

Anyway ang dami ngang nagkakacrush sakanya pero simula nung una ko siyang nakilala wala pa kong nababalitaan na girlfriend niya. Oo madalas siyang ilink sa kung sinu sino pero snob lang siya sa mga yun. 

Sobrang sungit nga ng lalakeng yun eh. Pag may nagHI sakanya na girl hindi niya pinapansin. Ewan bakit. 

Ah basta. Ang mahalaga malaya na ko ngayon sa four years na unexpected na commitment ko sa boy na kakikilala ko lang noon at hindi ko naman talaga mahal.  

What now? 

 *EDRICK'S POV* 

"Manang, pwede po bang makahingi ng malamig na tubig? " hinihingal kong sabi sa kasambahay namin. 

" Pagod na pagod ka ata iho. Osya teka lang. Kukuha na ko. " Pagpunta ni manang sa kusina dali dali kong dinukot sa bulsa ko yung phone. 

Gusto ko lang na malaman kung tumawag ba siya. Kasi nakasilent. Baka kasi tumawag pala siya tapos hindi ko nasagot. Tsaka, ah wala. Wala namang tawag mula sakanya. 

"Oh eto na iho. " Inabot sakin ni manang yung isang baso ng tubig. 

Hinahabol ko parin yung hininga ko hanggang ngayon. 

*Flashback*

"Para manong!" mahinang sigaw ni rish sa driver. Palagay ko ayus naman siya. 

"Ingat rish. basta call ka lang ha." Wala na kong masabi eh. Hindi ko alam kung pano ko siya icocomfort. 

"Oo na po. bye. " Tipid niyang sagot sabay baba sa jeep. Wala parin siyang pinagbago. four years na kaming magkaibigan pero ni minsan hindi ko pa naririnig ang salitang ingat galing sakanya. 

Pagbaba niya sa jeep nakita ko si Nathan, ang four years boyfriend ni rish na nakatayo sa kabilang daan at sinundan si rish nung medyo malayo na to sakanya. 

"Manong, para po" Tss. Mabilis akong bumaba ng jeep para sundan yung lalaking yun. Baka kulitin nanaman niya si Rish at kung anu pang magawa ko sakanya. 

Sinundan ko si Nate nung bigla siyang huminto sa may tindahan at napailing habang aktong sasagutin yung tawag sa phone niya. 

Akala ko nakita niya ko na nakasunod sakanya pero hindi naman pala kaya nakahinga ako ng maluwag. Teka. Bakit nga ba ako nagtatago? Tss. 

" Oo brad.  Mukhang ayaw na talaga sakin ni rish e. " rinig kong sabi ni Nate sa kausap niya. 

"Ang tagal ko siyang napaikot at pagkatapos mawawala na lang bigla yung pinaghirapan ko. Talong talo na niyan ako sa pustahan. " nagpanting yung tenga ko sa narinig kong sagot niya sa kausap niya. ANO?! 

" Sabagay uto uto talaga yung si Rish . Masyado siyang naniwala na loyal ako sakanya. Ang hindi niya a------" naputol yung sasabihin niya nung bigla ko siyang suntukin ng malakas sa mukha 

"GAG* KA! " galit na galit kong sabi habang hawak ko yung kwelyo ng damit niya at bigyan ulit ng isa pang malakas na suntok .

Napahawak siya sa isa niyang pisngi at mapwersa akong tinulak kaya napaatras ako at nabitawan siya. 

"Problema mo?! Ano ka ba niya? ha? " Pang iinsulto niyang sagot. 

"Sira ulo ka pala eh! Kaibigan ko yung tao! Niloko mo lang siya sa loob ng apat na taon?! anung klaseng lalaki ka? ha?! " 

"Kaibigan? Ibang klase ka rin ano. KAibigan na matagal ng may gusto pero hindi maamin. yun ba ibig mong sabihin? talunan ka pre! Napaikot ko lang yung si rish samantalang ikaw hindi mo masabi na matagal ka ng may gusto sakanya! " 

"Yun na nga eh! anung karapatan mong lokohin si rish?! hindi ka karapat dapat sakanya! Huli na to. Pag hindi ka parin lumayo sakanya magsisisi ka. " seryoso kong sabi. 

"Yun lang ba? osige! sayo na yung bestfriend mo! " painsulto parin niyang sagot. "TABI! " napaatras ako nung hinawi niya ko sa daraanan niya at umalis na. 

Sa sobrang inis ko sa sarili ko tumakbo ako pauwi ng bahay. Lalaki ako pero tumulo yung luha ko nung pumasok sa isip ko na dapat pala noon pa hindi ko na hinayaang makuha siya ng iba. 

Tumigil ako sa may harap ng gate namin at sinuntok ng malakas yung pader. 

Dapat pala sinabi ko na noon pa na mahal ko siya. 

*END OF FLASHBACK*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Is LovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon