Prologue

9 2 0
                                    

"Stacy, i'm sorry. Alam kong nasaktan ka lalong-lalo na dahil hindi mo sa akin mismo narinig ang tungkol dun." sabi ni Darren sa akin habang tahimik na tumutulo ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko siya sinagot.

"Sa bigat ng sakit na binigay ko sayo, hindi ko na hinihiling pa ang kapatawaran mo. Pero gusto ko lang sabihin na i really am so sorry. Sorry talaga."

Lalong bumigat ang sakit sa puso ko nang marinig ko ang mga katagang iyon. Gusto kong magalit sa kanya. Pero kahit ni isang katiting ay wala akong madamang galit kundi galit lang para sa sarili ko.

"Pero Stacy, ayoko na. Tigilan na natin to. Wala rin namang nangyayari sa atin eh. Siguro hindi lang talaga tayo para sa isa't isa."

Ikaw lang naman ang hinihintay ko. Wala ka namang ginawa.

"Nagbago ka na kasi. Hindi na kita kilala. Hindi na ikaw yung Stacy na nagustuhan ko noon."

Ganun na ba talaga kasama ang pagbabago ko na pati ikaw na nagmamahal sa akin ay di na ako kayang tanggapin? Minahal mo ba talaga ako?

"I'm really sorry. Mahal pa rin naman kita Stacy. But just in a different way now."

Napatango nalang ako at napayuko habang patuloy pa rin sa pag-iyak nang bigla na lang niya akong hinila at niyakap ng napakahigpit. Gusto kong damhin ang mga sandaling ito. Gusto kong sumaya. Ngunit alam kong di maaari. Dahil sa yakap na ito, alam kong ito ay paalam na.

Hindi naging kami ni Darren. MU lang kami. Kung maka-iyak ako parang ang OA na diba? Parang kami. Pero naranasan mo na bang magmahal? Ang ma inlove ng sobra-sobra? Ako, naranasan ko na. Mahal ko si Darren. Sobrang mahal na mahal ko. Araw-araw siya na ang laman ng isipan ko. Naiisip ko siya tuwing umaga, sa paggising ko. Naiisip ko siya habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin. Naiisip ko siya sa pagtulog ko.

Siguro nga ang OA kasi there was never an us nga raw sabi pa ni Sarah. Pero minsan, malaman mo lang na mahal ka rin nga taong naglalaman ng puso mo ay okay na kahit di maging kayo. At yun mismo ang naramdaman ko. Yun na lang ang tanging pinanghahawakan ko. Kaya sobra akong nasaktan dahil pati ang kaisa-isang pag asa ko ay bigla na lang nawala na parang bula. Ang sarap magmahal. Pero ang hirap masaktan...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unwritten DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon