One-Shot: Not Mine

16 3 0
                                    

One-Shot: Not Mine
written by: @schreign
©2018

• • •

“Okay class, dismissed.” dali-dali akong tumayo at pumunta sa cubicle ng nga girls at nag-lock. Ni-check ko ang messenger lo at nagbabakasakaling may reply na siya.

Rios Santiago
◎active now

Napailing-iling na lamang ako dahil sa akong nakita. Active siya pero ni hindi niya manlang nagawang i-seen ang message ko.

Agad ko namang siyang ni-chat.


Adelyn Lara:
Rios? Kumain ka na ba?

Ilang sandali ang lumipas nang mag-reply siya.

Rios Santiago:
Yes. Out na ko. May practice
pa kami ng basketball.

Adelyn Lara:
Ah? Okay.

Adelyn Lara:
I love you, Rios😍

Rios Santiago:
Yeah. Bye.

Agad na lumungkot ang buo kong sistema. Ni hindi man lang siya nagsabi ng 'I Love You, too'.

Tuluyan ko nang in-unlock ang CR at lumabaas doon na may ngiti sa labi kahit na sa kaloob-looban ko ay nasasaktan ako.

These days, pansin kong tila umiiwas sa'kin si Rios. He and I were almost 2 years. Sa December 1 ang aming anniversary. Pero parang may masama akong kutob na hindi 'yun matutuloy…

'Oh, shut the fuck up, Ade. You're being paranoid again.' depensa ng aking utak.

Siguro nga. Alam kong mahal ako ni Rios at hindi niya magagawa ang mga iniisip ko. Maybe he's just really busy, right?

Maya-maya ay nakasalabuong ko ang isa sa mga tropa niya. Si Lou.

“Lou, tapos na ba ang practice nyo?” agad namang nangunot ang noo niya.

“Practice? Wala kaming practice ng basketball ngayon. Pinagpahinga kami ni coach dahil isang week tuloy-tuloy ang practice namin.” unti-unting naalis ang ngiti na naka-plaster sa aking labi.

“H-ha? Pero ang sabi sa'kin ni Rios, may practice kayo?” napakurap-kurap siya at naglumikot ang mata.

“I mean—oo! May practice kami ngayon! Tama! Last ano na namin— ano… last practice na namin at bukas wala na kaming ano, practice!” 'yung ngiti ni Lou ay awkward.

Wala sa sariling napatango ako.

“Uhm… sige, Ade. Una na'ko. Bye.” pagkatapos noon ay umalis na siya habang ako'y naiwang nakatulala.

• • •

Days passed, unti-unting lumalamig ang kapeng itinimpla ko para lamang sa'kin. Ngunit hindi ko inaasahang magkakaroon pala ako ng karibal na hihigop doon at muli siyang gagawing mainit.

• • •

“Sino 'yung kasama mo kanina, Rios? At Saka, sabi sa'kin ni Lou, wala na kayong practice ng basketball, ah?” mahinahong kong sabi sakaniya kahit na gusto ko nang sumabog.

Inis niya akong binalingan. “She's just Torri! A friend. Masama ba 'yon?!” he shouted.

Nandito kami sa condo niya.

“A friend? May friend bang halos langgamin na sa sobrang ka-sweet-an?” unti-unting tumaas ang boses ko.

“Damn! Pati ba naman 'yon, pag-aawayan natin?!” hindi ko mapigilan na manggilid ang luha.

One-Shot: Not MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon