32. A taste of freedom.

217 24 4
                                    

Mary's POV

Pahikab-hikab pa ako ngayon cause i didn't get much sleep last night. I had a few things on my mind. Sinubukan kong balewalain pero mas lalo akong napapaisip tungkol sa mga nangyayari lately, most specially with Earl at ang fake relationship namin. Mukha kasing gusto niya pang ituloy.

Who to blame? Eh ako naman ang nagpasimuno nitong fake relationship di ba? Now Earl suddenly find it convenient to also use this game to his advantage. To be really honest, i don't really mind. Nakinabang din naman kasi ako dito nang makita namin si Alora.The only problem is.. nagsinungaling kami sa magulang niya! His wonderful parents. Nakaka-guilty.

Agh! Kailangan ko siyang kausapin tungkol dito. Naubos lang talaga ang energy ko after ng lunch namin kaya hindi ko siyang kayang i-confront. Imagine kasi, ma-meet mo parents niya, i-introduce kang girlfriend, tapos makita mo pa ang pagmumukha ng bully mo kasama pa ang daddy na may attitude din. Na-drain talaga ang energy ko.

Makabangon na nga. I did a few morning stretches. Then binuksan ko ang bintana to get some fresh air.

"Good morning, world!" Sigaw ko sa bintana.

Suddenly, i feel elated ng maalala ko na i can finally drive Elena to school.

Papasok na akong bathroom nang mag-ring ang cellphone ko. Si Earl. Ano na naman kaya ito? May pa-good night na nga kagabi sa text..don't tell me may pag-good morning rin. Hays, i didn't know that he could be this clingy!

"Good morning, gorgeous!" Masayang bati nito sa akin. See?

"Good morning, Earl. Ang aga naman ng pambobola mo?" Medyo irita kong sagot dito.

"But it's true! Mary, ok lang ba if sunduin kita? I'll be bringing breakfast na rin..na-miss kitang kasabay kumain."

"Breakfast? No need kasi nabusog na ako sa bola-bola mo. Besides, kahapon magkasama tayong kumain.. miss na agad?"

"Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?"

"Ganito na lang.. have you told your parents the truth about us?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya, saka nagsalita.
"Mary, i already did. Tinawagan ko sila kagabi and explained everything."

"Were they angry? I really felt bad lying to them. Sobrang bait nila. They didn't deserve to be lied to."

"No, they weren't. Pero disappointed sila.. only because gusto raw sana nila real yun dahil bagay daw tayo. Kapag daw hindi natin tinotoo, kakausapin nila si tita para sa arranged marriage natin."

Nasamid ako sa sariling laway sa gulat.

"Mary, are you ok? I was just kidding about the last part."

"Baliw ka talaga, Earl John! Gusto mo ba akong mamatay ng maaga?"

"Siyempre hindi.. ikakasal pa nga tayo sa isa't-isa, di ba?"

"Tigil-tigalan mo ang pambubwiset sa akin ng ganito kaaga ha."

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Siguradong binalibag ko na ito kung nasa harapan ko lang ito.

"Seriously, gorg.. can i come over?"

"Some other time na lang."

Pusong ManhidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon