Prologue

1.6K 38 28
                                    

COPYRIGHT © 2012 ~  August 2012

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical without a written permission of the AUTHOR.

........................................................

Prologue

Maangas na naglalakad ang limang taong gulang na si Jap Villarin sa pasilyo ng bago niyang paaralan. Naguumapaw ang salitang karangyaan at kapangyarihan sa itsura nito. Bagong salta lamang ang paslit ngunit sa asta nito ay mukhang nabili na niya pati ang hanging umiihip sa St. Raymund School.

“Tabi!” maangas niyang utos sa batang nakasalubong nito. Isang cute na bata na magkasalubong ang mga kilay.

“At tsino ka naman?” nauutal nitong tanong ngunit naroon pa rin ang disgusto sa mukha nito.

Tinignan niya ang bata sabay turo sa sementadong tinatapakan nila. “'Di mo ato kilala? Akin 'tong daan!”

Tinulak ng batang cute ang mayabang na bata. Naniningkit na ang mga mata nito sa pinagsasabi ng bagong salta. “Hoy! Bata. Ako, siga dito!” hindi papatalo nitong sagot.

Ngumisi lang si Jap bilang sagot sa sinabi nito at mayabang niyang sinabi na siya na ang boss ng batang cute.

Napakrus naman ng mga braso ang isa at tinignan lang si Jap ng tinging wag-mong-agawin-laruan-ko.

“Ato lang ang hari dito!” may paninindigan sabi ng batang cute.

At dahil may pagkamainitin ang ulo ng batang si Jap ay kanya itong sinipa sa paa, dahilan para mapa-aray ang batang cute.

Napahikbi ang batang sinipa ngunit agad din nakabawi at tinulak si Jap nang malakas. Nang matumba ito ay dinaluhong siya nito at nagrambulan na ang dalawang paslit. Kahit nasa ilalim si Jap ay hindi ito nagpalo at nakipagsagupaan.  Animo’y mandirigma ang dalawang paslit habang nagsisigawan ng ako! ako! ako! Mga bata nga naman, masakit sa ulo minsan. :3

Ilang minuto pa ang nakakaraan nang biglang umeksena ang isang batang payatot. Halata sa itsura nito ang kakapusan sa buhay ngunit nasa mga mata nito ang kulay, ang makulay na buhay. Napanganga na lang ang batang lampayatot, na walang iba kundi si Maki, nang makita ang sabong ng dalawa. Mas gusto sana niyang tumawag ng kapustahan ngunit naalala niya ang relasyon niya kay Jap.

“A-ano! Ano! Jap t-tama na 'yan,” sabi niya habang umaawat sa dalawa. Mas matanda siya ng dalawang taon kay Jap. “Makikita tayo ni mommy mo….magaga-“

Hindi siya pinatapos ni Jap sa sasabihin. Tinulak niya ang batang cute at nagpampag ng mamahalin niyang damit tsaka tumingin kay Maki nang nagmamalaki.

Tinuro niya ang batang cute. “Away mo siya,” seryoso niyang sabi.

Napailing naman si Maki sa sinabi nito. Alam niya, kahit sa murang edad palang ay utang na niya ang buhay niya sa pamilya Villarin, ngunit ang inuutos nito, bilang nakakalamang ng edad, ay alam niyang maling gawain.

 “Masama ang makipag-away Jap,” mahina niyang sabi. “Bad 'yun. Tsaka ang sabi ng tatay ko hindi ako dapat nakikipag-a..”

Muli ay pinutol ni Jap ang sasabihin ni Maki. “Bayad kitang one hundred,” nakapamaywang na sabi ni Jap.

Nagliwanang naman ang mukha ni Maki nang marinig ang salitang bayad. Napangiti si Maki at walang ora-orasyong  dinaluhong ang batang cute na nagpupunos ng uhog nito. Si Maki at ang batang cute naman ngayon ang nagrambulan. Nariyang nagtulukan, nagkurutan ng pisngi, nagsabunutan at nagpalitan ng mahihinang suntok. Nasisiyahang nanonood lang naman si Jap habang nagpapampag pa rin ng dumi sa katawan.

Ilang sandali pa ay isang bata na naman ang pumasok sa eksena. May hawak itong libro at lapis.

 “Jose!”  malakas na tawag nito kay Jap.

Namaywang ulit si Jap at nag-super saiyan. “ Adorno the thild! “ balik sigaw niya.

Natigilan ang dalawang nagpapagulong-gulong sa sementadong daan.

“Sabi ko 'wag banggitin 'yun eh,” naiinis na sabi ni Jap. “Jap ako!”

Tila wala namang narinig ang batang si Adorno at pinagpatuloy lang ang pagbuklat sa librong hawak.

At dahil sa inis ni Jap ay napagdiskitahan niya ang batang padaan sa eksena.

“Hoy! Sabi ko bang pede kang dumaan dito?” nakapamaywang at salubong ang kilay niyang sita sa batang kumakain ng sandwich. Malaki ang bata para sa edad nito at kay sarap pisilin ng mga pisngi nitong matatambok.

  

Namutla naman ang batang chubby sa narinig. Halos hindi na niya malunok ang pagkaing nasa bunganga dahil sa takot.

“Tabi! Dambuhalang baboy!”  sabi ni Jap sabay tulak dito.

Napaupo na lang ang kawawang bata. Lalo itong napaiyak nang makita ang pagkain niyang tumilapon sa daan.

“Uwaaaahh! Sumbong kita kay mommy ko!” tungayaw nito.

 At ang apat na paslit ay tinuloy ang away-bata. Samantalang si Adorno ay walang pakialam sa nangyayari at nasa isang tabi lang habang seryosong pinagmamasdan ang librong dala. 

“Ang yabang mo, eh, pangit naman name mo,” sabi ng batang cute sabay dugtong sa pangalan nitong Jose.

Lalong naginit ang bumbunan ni Jap sa narinig kaya kwinelyuhan niya ito. “Hindi! Ako si Jap!”

“Uwaaaahh! Tomas tulong mo ako!” umaatungal na sabi ng dambuhalang bata habang niwrewrestling siya ni Maki. 

“Eh mas pangit pala name mo, Tomas! Tomasing!” nang-aasar na balik ni Jap sa batang cute.

 Hindi tumigil ang mga bata sa rakrakan. Do or die ang labanan ng mga paslit. Pare-parehas na silang nagpagulong-gulong sa maduming semento. Malas lang dahil walang mga guro o ibang estudyanteng napadaan ng mga oras na iyon. Halos ibigay na lahat ng mga bata ang pwersang taglay nila.

 Ilang sandali pa at, hay naku salamat naman, dumating ang roving security guard ng school. Natatarantang pumito ito. Hindi makapaniwala na may nagsasabong sa harapan niya. Iniwat niya ang mga batang paslit ngunit talagang matitigas ang mga bungo ng mga ito. Maya’t maya pa ay siya na ang pinagtulungan ng apat. Gusto niyang ibalibag isa-isa ang mga tiyanak na nakakapit sa kanya, kung maari nga lang, pero dinaan niya ang mga ito sa salita lamang. Ngunit tila walang pandinig ang mga bata at halos kagatin na siya ng mga ito. Nasa puntong hindi na makapagpigil si manong guard. Ngunit bago pa niya mabalibag ang mga ito ay isang tinig ang pumailanlang.

“Jose!” dumadagondong na sabi ng isang kagalang-galang na ginang. Nasa mukha nito ang dugong aristokrata. Maiksi ang buhok ng ginang at nababalutan ng gintong alahas. Nakapanliliit kung paano ito tumingin at talagang  mapapatiklop ang sino mang makasalubong nito.

 Natigilan ang mga bata pagkakita sa ginang.

“M-mommy,” nanginginig na sambit ni Jap. 

Pinagmasdan ng ginang ang mga paslit. Napayuko naman silang lahat dahil sa takot. Pinitik ng ginang ang kanyang daliri, at sa isang iglap ay naglabasan ang mga unipormadong kalalakihan.  

“Ikulong sila,” walang gatol na sabi ni Mrs. Villarin.

Napakorus naman ang mga bata. “Po?” 

Binalingan niya ulit ng nakakatakot na tingin ang mga bata .

“H-hindi po ako kasali,” naglakas loob na sabi ni Adorno.

“Dalhin silang lahat,” tila walang narinig na utos nito sa kanyang mga tauhan.

“Uwaaahhhhhhh!” palahaw ng mga batang paslit.

  



Author's note:

Wag dibdibin ang mga kaganapan sa kwentong ito. Ito'y sanhi lamang ng malikot kong imahinasyon....bwahahahaha!

At ta-da! Sa wakas sinipag na po akong mag-edit. xDD it’s not perfect but I know it is better than before. Hahaha… Enjoy reading!

3/24/15

LOVING A DANGEROUS HEIRESS (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon