CHAPTER 3

380 13 9
                                    

Nagulat sila nang pabalibag na bumukas ang pinto. Pare-parehas na lumundag ang puso nila sa napakabangis na pagbukas nito. Natigil sa pagbalasa si Maki ng baraha nang makita ang bisita nila.

"Hoy mga saltik kayo! Ano namang kabulastugan ang ginawa niyo!? " nagpupuyos na sabi ng bagong dating.

"Lagot. Ayan na si Gabriella Silang," nakangiwing sabi ni Maki. Mabilis niyang tinago ang cards at perang involve sa session nila. Mahirap nang mahuli sila nito at baka mapatagal pa sila lalo sa ospital. "At bakit kayo nagkukumpulan d'yan?"

Mabilis silang nagsibalik sa kani-kanilang higaan. Napalunok silang lahat sa nakikitang anyo ni Maria Gabriella Gregoria P. Villarin, ang nakakatandang kapatid ni Jap. Tumutulong na ito sa ibang negosyo ng kanilang pamilya ngunit mas mukha siyang modelo sa angkin kagandahan. May taas siyang limang metro at anim na pulgada, balingkinitan ang katawan at nagniningning ang maputi at makinis niyang balat. Lampas balikat ang unat niyang buhok na kulay light brown. She possessed a classic beauty, a timeless one.

Tahimik lang silang nakinig sa sermon ni Gabriella o Gabby. Hindi talaga akma ang ugali nito sa maganda nitong mukha. Three days na silang naka-confine sa ospital at bored na bored na sila. Pasalamat na lang sila sa mga hot na nurse na nakatoka sa kanila. Kahit papaano ay naiibsan ang labis na pangungulila nila sa mga babae.

Batid nila ang pag-aalala ng mga fans nila sa nangyaring gulo. Nang malaman nila ang pangyayari ay hindi nila napigilan maiyak sa sinapit ng power puff este power boys. At masakit sa parte nila na malaman na nasasaktan ang mga fans nila. Tsk. Kaya nga ba hindi pa sila pwedeng burahin sa mundo dahil marami pang babae ang nangangailangan ng kagwapuhan nila.

At dahil higit pa sa magkakapatid ang turingan nila, iisang room lang ang kinaroroonan nila. Hindi sila pwedeng paghiwalayin dahil mga bata palang sila ay magkakarugtong na ang bituka, atay, balon-balunan , puso--liban lang sa utak—dahil may utak ipis sa kanila.

Inabot nang tatlumpong minutong pakikipagbasagan ng mukha ang lumipas bago nagsidatingan ang mga pulis, sundalo, S.W.A.T at pati na S.O.C.O sa park. Mistulang shooting ng isang Hollywood film ang naganap sa dami ng dumating na saklolo.

Mabilis nilang hinuli ang mga pangit na goons na lalo pang pumangit dahil sa sinapit. Nasa piitan na ang mga ito at bagay na bagay ang mukha nila sa kulungan. Tumigil na rin si Sisa sa paghabol sa alindog ni Jap. Umamin ito na hindi kay Jap ang dinadala nitong bata.

Hindi ba nila alam na pader ang binangga nila?

Nang makita si Jap ng mga pulis pangkalawakan ay nakahiga pa rin siya sa damuhan. Talagang nahilo siya sa pagkakasapak ng misteryosang babaing 'yon. Ang masama para siyang timang na nakatanga lang. Nganga ang drama niya. Nagwawala kasi sa rib cage ang puso niya. Wala pang babae, na hindi niya kadugo, ang nakasapak ng gwapo niyang mukha. Imbes na matamis na halik ang igawad nito ay isang malakas na suntok ang pinakawalan ng babae sa kanya, iba sa lahat ng babaing nakilala niya. Wala yatang hindi napapaduling sa kakisigan niya.

At dahil sa pangyayaring iyon ay muntik nang ideklara ang State of Calamity sa buong bansa. Mabilis na nagpatawag ng pulong ang Presidente nang nakarating sa kanya ang balita. (Ang bongga! XD)

Isinugod sila sa ospital dahil sa mga tinamong galos. Hindi rin biro ang mga pasa at sugat na natamo nila mula sa mga nakasapakan. Napapailing na lang sila nang pinahiga sa stretcher si Tonio, na wala namang ginawa kundi pumalahaw ng iyak, at nauna pang tinakbo sa ospital na wala namang ni isang galos. Samantalang silang nakipagrambulan at buwis-buhay na nakipagbakbakan ay nakuha pang maglakad.

Gustong- gusto na nilang lumabas dahil wala naman silang serious injuries. Hindi naman nila kailangan ma-confine. Exaggerated lang talaga ang mga parents nila na akala mo ay nagkaroon na ng crack ang bungo nila. Gwapo pa rin naman sila kahit na puro sila pasa. Hindi katulad ng mga nakaaway nila na kinakailangan na ng matinding operasyon. Pero laking pasalamat na lang ni Jap at ang ate niya lang ang nagbubunganga sa kanya ngayon at hindi ang kanyang ina. Kung nagkataon baka nakabartolina na siya ngayon.

LOVING A DANGEROUS HEIRESS (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon