CHAPTER 1

860 29 14
                                    

At ito na po ang edited version Chapter 1 gaya ng aking pinangako. Hindi naman po ako magaling mag-edit but alam ko na mas okay na to kesa sa dati. Haha. I hope mapamahal din sa inyo ang mga characters dito. At isa lang po ang masasabi ko, baliw po ako kaya wag niyo pong asahan na matino 'to.. xDDD And this is my first story pala sa watty.

 

First time ko pong magsulat here. Sana maappreciate niyo ang nakayanan ng aking munting utak. Violent reaction is welcome.Open-minded naman po ako...............hehe...aspiring writer kasi ako kaya lang walang hilig sa kin..dahil wala pa naman akong nautong fan ay dinededicate ko ito sa aking mahal na sarili......... 

P.S. Pwede rin kayong mag-vote...wag po kayong mahiya..hehe

…………………………

Napapahawak na lang sa batok si Marco Pollo B. Aragon, 22, alyas Maki, habang hinihingal. Ang layo kasi nang narating nila para lang takbuhan ang isang babaing pang-Olympics kung makatakbo. "Dude, lupet talaga ng karisma mo sa chicks,"patuyang sabi nito kay Jap na nagpupunas ng pawis sa makinis nitong noo gamit ang isang branded na panyo. 

Tinignan niya lang ang kaibigan bilang sagot sa sinabi nito. Nakasuot ito ng kupas na maong at puting damit na hapit sa katawan nito. Malakas ang dating ni Maki at hindi maikakaila ang taglay nitong kakisigan. Pero syempre pa, walang tatalo sa porma at kagandahang lalaki niya. Matagal na niyang kilala si Maki, halos sabay na silang lumaki. Tinuring niya itong kapamilya simula nang kupkupin ito ng namayapa niyang ama.

Si Maki, ang lalaking walang pahinga. Lahat ng pagkakaperahan ay pinapatulan. May kasabihan ito na: “Basta may pera, masaya!”

"Malala ka na talaga," walang emosyong sabi naman ni Adorno M. Domingo The Third, 20, a.k.a Dorn. Matalik na magkaibigan ang lolo nila Jap at Dorn. Ang gwaping na genius ng tropa. Silent type, masungit, laging bored, pero may topak din. Laging nakasuot ng reading glasses kahit walang depekto ang mata.

 Sabi nga niya, "Walang basagan ng trip. Kung ayaw niyong kayo ang basagin ko. "

"Bakit ba ako nakikitakbo?" napapailing na lang na sabi ni Dorn.

Hinawi ni Jap ang ilang hiblang nakaharang sa pinagmamalaki niyang mukha. “Tsk, hirap talaga pagpinanganak kang gwapo at saksakan ng sex appeal," walang kakaba-kabang sabi niya.

Dineadma na lang ng dalawa ang narinig. Sa loob ba naman ng maraming taon na magkakasama sila ay alam na alam na nila ang mga linya nito.

Siya, si Jose Andres Emillio P. Villarin,20, mas kilala sa tawag na Jap. At ayun sa kanya, siya ang pinakamatinik sa babae. Bukod sa pamilya niya, mga matatalik na kaibigan niya lang ang nakakaalam ng mahiwagang pangalan niya. At sa tuwing naririnig niya ang pangalan ay parang gusto niyang hukayin sa lupa ang lolo niyang presidente ata ng fans club ng mga bayani.

Sa kabila noon, maswerte pa rin siya dahil sa iniwan nitong kayamanan sa kanila..

Ahem! Siya yata ang tagapagmana ng Villarin Corporations. Sa kanila lang naman ang pinakamalalaking malls at hotels sa bansa. Pwera pa ang chains of restaurant, foods and beverages, clothing lines, ect. ect. Baka di kayanin ng utak nyo ang kayamanan nila kaya wag na nating banggitin lahat.

Hindi naman siya mayabang. May mga tao lang talagang pinanganak na nasa kanila na ang lahat, at siya iyon. Bwahahahahahaha!

At para sa kanya, " I'm the king of the world….world....wolrd...! With echo po 'yan.

"Prrrrrttt!” silbato ng guard. Napatingin silang tatlo sa gawi ng babaing kulang na lang ay gawing trumpo ang ulo. Marami itong burloloy sa katawan. Kulay pink ang suot nitong damit na hapit na hapit sa katawan niya na hanggang kalahati ng binti nito. Maganda ang babae kahit pa nakukulapulan ito ng makapal na make up.

LOVING A DANGEROUS HEIRESS (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon