Chapter 4

177 17 1
                                    

"Opo, siya po yun. Hindi ko alam ang talent niya kung makakatulong ba siya sainyo pero sige pagtyagaan niyo na po." Sabi ko kay ninong na ikinatawa niya naman.

As usual wala siyang reaction sa sinabi ko, siguro kahit sabihin kong naka-tae siya sa inutang na underwear niya wala pa ring reaksyon.

Dumiretso kami sa likuran ng lechonan ni ninong.

"Pictur-an muna kita, para kung may maghahanap saiyo madali ka lang ma-re-retrieve. Pupunta kasi ako sa police station ngayon." Paliwanag ko sa kanya na sinagot niya lang naman ng tango.

"At isa pa, halika nga dito. Aayusan kita, baka isipin pa nilang inaalila ka namin ni tatay eh." Sabi ko habang iniaayos ang magulo niyang buhok saka ang gusot na t-shirt. Nang matapos, "Oh 'yan mukha ka ng tao, pa-kiss nga." Biro ko. Syempre hindi ako seryoso.

Natigilan naman ako ng halikan niya ako sa labi.

Naglo-loading ang utak ko kung mag mumura ba ako o hindi. Parang matutunaw na ata ang mga tuhod ko, yung tibok ng puso ko parang hinahabol ang sarili ko: mukhang kabayo daw ako eh.

Nang tingalain ko nakita ko siyang... naka-smirk.

O______O

I gulp and blink twice, the smirk was gone it was been replaced by nothing.

OH MY PENGPENG, VIRGIN PA LIPS KO.

"Frience." Natauhan ako sa boses niya. "A-ano?"

Punyeta, nauutal ako.

Inner self: 'Yan kasi, ang landi mong kupal ka.

Me: Joke lang naman 'yon eh. Half dalaga half binata'ng pilipino yata 'to.

"You said, you're going to take a picture of me." Sabi nito.

"Oh..ohh.. tama, tama. Cheese, mais." Sabi ko sabay click ng camera.

"Frience? Tapos na ba kayo dyan?" Napatalon ako sa gulat sabay lingon  sa may pintuan ng marinig kong may tumawag sa amin---este sa akin.

"Oy! Anong tapos?! Wala kamimg ginagawa kupal ka wag kang malisyoso! Kanina ka pa ba dyan?! It was a misunderstanding!"

Kumunot naman ang noo nito, "Anong pinagsasabi mo? Diba nag pi-picture kayo? Alangan namang naghalikan kayo diba? Haha napakaimposible naman nun, ikaw pa. Hahaha." Tanong nito.

Ahh, hindi pala nakita ang kalandian ko... mabuti naman.

"Ha-ha-ha-ha. Oo nga naman, Ako pa? Punyeta."

Punyeta, ano ngang nangyari? He stole a smack kiss dear.

Senseless na gumalaw ang kamao ko at saka sinuntok si Science sa braso.

Putik. Ang tagal mag load ng utak ko, dinaig pa ang wifi ng kapitbahay namin sa sobrang slow.

"We did ki---" mabilis pa sa isang super villain akong nakagalaw at sinakal si Science.

"Oy! Baka mapatay mo yan Frience. At anong 'we did ki'?"

Sinamaan ko ng tingin ang kupal  saka binitawan at hinarap si Felix.

Sumayaw ako at kumanta ng, "Oo, we did ki-ki do you love me?"

Putragis! 'Di ako marunong sumayaw nong pauso na iyon.

"Ahahaha. Ganoon ba? Hulaan ko sinakal mo siya dahil nahihiya ka saken, crush mo talaga ako no?" Sabi nito sabay kindat.

"Lugitin ko kaya iyang eye balls mo?" Maangas na sagot ko.

Deleted Emotions [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon