campus fat turns into a queen

11 0 0
                                    

Isang mataba at matangkad na babae ang sikat sa kanilang school hindi dahil siya maganda. kundi dahil siya ay mataba.

Sa eskwelahang st. Paul international academy big deal ang pagiging HINDI MAGANDA,CHUBBY,PANDAK at kung ano ano pa.

Pero hindi naman lahat ng tao dito kagaya ng iba, meron din namang katulad ni kiel alyssa veron na isang mataba at kung ano ano pa. Palagi nga lang din silang nabubully tulad ng iba.

Hindi mahilig si kiel mga bagay na masyadong pambabae, hindi rin sya yung tipo ng babae na hanap ng mga lalaki ngayon. Kaya nga NBSB sya dahil doon.

Hindi rin sya magaling pumorma tulad ng ibang babae dahil mas gusto nya ang mga damit na para sa kanya ay komportable. Tulad nalang ng mga damit na itim at maluluwag.

Napagkamalan syang lalaki nung una ng kanyang mga magulang kaya kiel ang pangalan nya. Pero nung malaman nilang babae pala ito dinagdagan nalang nila ng alyssa para naman daw magtunog babae.

Dalawa lang ang kaibigan nya sa buong school nila dahil kahit mga pinsan nya ay ilag din sa kanya dahil baka mabully rin ang mga ito tulad niya.

Si Bridgette alexa vasquez ang babaeng kaibigan ni kiel pero di tulad nya maganda ito at maganda ang hubog ng katawan. Sya lang ang babaeng bukod tanging pumapansin sa kanya sa loob ng paaralan nila. Mayaman din si alexa dahil sya ang tagapagmana ng vasquez corp. Na galing pa sa kanyang mga lolo at lola. Hindi lang  mayaman at maganda si alex, matalino rin sya. Ang kaso nga lang, para naman syang parrot na putak ng putak at napaka tinis ng boses. Sa madaling salita, MADALDAL.

At ang pinakahuli, Si Van jacob aragon. Sya naman ang nag iisang kaibigang lalaki ni kiel.
Isang sikat na model si van sa isang magazine. Pero di tulad na iba, mabait naman siya. Kung sa tutuusin, hindi nya na kailangang mag trabaho dahil sa dami ng mga negosyo ng mga magulang niya. Hindi sya masyadong mahilig magsalita at may pagka masungit rin sa iba, pero kapag sila kiel na lang ang mga kasama nya, lumalabas ang pagiging maingay at pagiging isip bata niya.

Campus fat turns into a QueenWhere stories live. Discover now