Chapter 2

3 0 0
                                    

June 20, 2016

Naman oh!

Late na ako!

Shemay!

"Oh Lormi ba't aligaga ka diyan?"

"Late nako ma! First day ko pa naman sa Fuentes University eh!"

Halos di na ako magkamayaw kakapulot ng mga gamit ko. Wallet, Cellphone, Binder, Ballpen, Pulbo, Liptint, Earphones, at... at... AH ! Tama ! Yung students file ko!

Pinasok ko lahat yun sa bag ko. Bahala na kung mukhang basurahan yung loob basta importante makarating ako agad sa school!

"Di ka man lang mag a-almusal?"

"Di na ma! Bye maaa!"

Sigaw ko at tumakbo palabas ng bahay. Grabe anlayo pa naman ng sakayan dito!

Tiningnan ko ang relo ko! Shet! Alas syete y media na! Eight nagsa-start ang klase sa FU pero kailangan 7:30 andun na ko para kuhanin ang schedule ko.

Pero ako tong si tanga nagpuyat pa kakapanood ng kdrama kaya hayan at alas sais y media na nagising !

Buti na lang medyo mabilis yung jeep na sinakyan ko kaya 7:45 nasa school na ako. Malapit lang naman kasi yung FU samin, mga 20 minutes pag nilakad mo.

Pero dahil malilate na nga ako, eto at napagastos na naman sa pamasahe.

Dali dali akong pumasok sa FU pagkarating ko. Diretso na agad ako sa Students welfare office para kunin ang sched ko, kaya lang di ko alam kung nasaan yun.

Naglibot libot ako sandali, tingin dito, tingin doon.

"Asan na ba yun?"

Sabi nung guard eh building daw sa kaliwa at fourth room, eh wala naman dito.

May nakita akong babaeng nakatayo sa hallway kaya nilapitan ko.

"Miss excuse me?"

"Yes?"

"Asan dito yung student Welfare's office?"

"Ah sa katabing building neto ikaapat na kwarto, tingnan mo nalang may pangalan naman yun."

She then smiled after saying that.

"Salamat."

"You're welcome."

Nagsimula akong maglakad, grabe ang lapad pala talaga ng FU. Andaming buildings! Tapos may main building talaga sila, sa gilid nun ay parang working place ng mga estudyante.

Pagdating ko sa office eh pumasok agad ako.

"Good morning miss. I'm here for my class schedule."

"Name please?"

"Lormi Jade Asuncion."

"Maupo muna kayo miss hahanapin ko lang yung schedule niyo."

Agad naman akong naupo sa sofa. Nubayan, 7:58 na. Panigurado malilate ako kapag 8 am yung first class ko.

"Ms. Asuncion?"

"Ako po yun!"

Tumayo ako at kinuha ang from na iniabot sakin nung babae.

"Thank you."

Ngumiti ako bago lumabas. Tiningnan ko ang schedule ko, mukhang di naman gaanong hectic since first sem palang naman.

General Psychology yung first subject ko, 8:30 pa magsisimula. Tiningnan ko ang relo ko, it's 8:17 am already. Kailangan ko muna hanapin yung room ko.

Love And Me, Lormi JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon