June 28, 2016
It's been a week simula nung rain scene with DePravco.
And nung araw na yun ko din nakilala kung sino ba talaga siya. Tin told everything to me. Simula sa pangalan, edad hanggang sa ugali niya.
Kaya naman pala maiinit yung mata nang mga estudyante sakin kasi yung binigay na jacket ni DePravco eh may pangalan niya sa likod.
Ang take note! He's the Captain of the Basketball team and a campus hearthrob! Kaya sa loob ng isang linggo, madaming matang nakatuon sakin.
Pero sa loob ng pitong araw ding yun, di ko nakita sa DePravco kaya naman hindi ko masau-sauli sa kanya yung jacket niya.
Nakakahiya naman kasi dun sa mokong na yun. Tsaka mukhang labag sa loob yung pagpapahiram sakin nung gamit niya.
"Your spacing out Lormi."
Nahimasmasan ako ng magsalita si Angel. I forgot na kasama ko pala sila.
"Oo nga. Si Axl yan noh? Ayieeee!"
Then Ivs start teasing me. Ewan ko sa mga to, simula ng malaman nilang pinahiram ako ni DePravco ng jacket, di na nila ako tinigilan ng kakatukso.
"Hindi no! Pagod lang ako. Tsaka ba't ko iisipin yung mokong na yun? Abnoy kaya yun."
"Indenial kapa eh. Alam mo the more you hate, the more you like."
Pagpapatuloy pa ni Ivs.
"Hoy Ivs, diba love yun?"
Sabat naman ni Tin.
"Hala isang linggo pa ngalang love na? Like na muna ! Duh!"
Umirap naman si Angel sa sinabi ni Ivs. Tumawa naman kami ni Tin sa kanya. She's bitchier at times, yan yung napansin ko nitong mga nakaraang araw.
"Pero seriously guys, hindi pa ba pumapasok si DePravco?"
Natigilan naman sila Angel sa sinabi ko.
"Hala, kayo kaya ang magkaklase bakit samin ka nagtatanong?"
Panunudyo ni Angel.
"Crush mo no?"
Pagsabat naman ni Ivs.
"Ayiiee!"
Sabay-sabay nilang sabi.
"Manahimik nga kayo. Ang iingay niyo."
Nagulat naman ako ng biglang magsalita si Pauline. Minsan lang kasi siya magsalita. Usually kapag school stuffs lang yung napag-uusapan, dun lang siya magsasalita.
"Uy! Akala ko pumasok na yang utak mo librong yan. Buti naman intact pa rin pala yan sa bungo mo!"
Mahina naman akong tumawa sa sinabi ni Ivs. Savage talaga tong babaeng to.
"Shut up Ivs. Tahiin ko yang bibig mo eh."
Wow! Yan yung unang pabalang na sagot na narinig ko kay Pauline.
"Uy Pau! Inproving kana, marunong kanang mangtosta!"
Napatawa na kami ng tuluyan sa sinabi ni Ivs. Kaya naman hinagis ni Pauline yung notebook niya kay Ivs. Now we can't stop laughing.
Bumalik naman sa pagbabasa ng libro si Pauline at nagpatuloy sila ni Tin, Angel at Ivs sa pagkwekwentuhan.
"Uh guys una na ako. May klase pa ako eh."
"Ingat ka Lormi."
Agad naman akong tumayo at naglakad papunta sa building namin.
Medyo malayo layo kasi yung tambayan namin kaya aabutin ng limang minuto bago ka makarating sa BAD building.
BINABASA MO ANG
Love And Me, Lormi Jade
General FictionPain and lost she felt. Her name is Lormi Jade...