Chapter One

117 6 1
                                    

THE RED DRAGON SOCIETY

Freesha aka Lot520

Nag-iingay na parang bubuyog ang koridor ng medyo madilim na kulungan na matatagpuan sa basement ng isang abandonadong gusali. Ang lokasyon ng nasabing gusali ay matatagpuan sa isang liblib na lugar sa Rizal. Ang istruktura ng naturang gusali sa labas ay tila wala nang kapaki-pakinabang pero isang karumaldumal na krimen ang nangyayari sa loob.

Bagama't walang guwardiya sa labas ay may magkakadikit na kamalig at dampa na naka-estasyon sa malawak na perimeter na sakop ng gusali. Ang naturang dampa ay siyang tinitirhan ng mga guwardiya pero sila ay nagkukunwari na mga katutubo. At ang kamalig ay siyang imbakan ng mga armas sakaling may mga kalaban na nais sumugod.

Ang lawak ng lupaing nasasakupan ng may-ari ng gusali ay inabot din ng halos ilang ektarya kaya't kada isandaang metro ay may mga guwardiya. Ang buong lupain ay napapalibutan ng mataas na konkretong pader at napapatungan iyon ng bob wire bilang proteksyon sa nais mag-tresspass. Makikita ang kabuuan ng ekta-ektaryang lupain kapag nasa ere.

At sa loob ng mismong abandonadong gusali ay katakot-takot na seguridad ang nakalagay. Maraming CCTV cameras ang nakakabit at mga secret mechanism na kapag na-trigger ay mahuhulog ka sa mga trap at walang kasiguraduhan kung makakalabas ka ng buhay o magiging pain ka sa kulungan ng mga leon.

Sa pagbaba sa unang palabag ng basement kung saan naroon ang opisina ng mga sindikato ay mayroong identity detector na kapag napag-alamang hindi ka miyembro ng nakakataas na opisyal o hindi otorisadong pumasok ay isang nakakamatay na patibong ang sasalubong. 

Habang nagsisigawan ang mga babaeng pilit na hinihila ng mga guwardiya palabas ay tahimik lang na nakamasid si Lot 520. Ang mga kababaihang ito ay kakadala lamang ng mga guwardiya noong nakaraang araw at hindi lumaki rito kasama nila. Hindi alam ni Lot 520 kung saan sila nanggaling pero nagtataka siya kung bakit  nag-iiyak ang mga ito at ayaw manatili sa kulungan.

Sa pagkakaalam ni Lot 520, kapag ilalabas na sa kulungan ang isang babae ay magiging masaya na ang buhay nito dahil malaya na ito. Iyon ang palaging habilin sa kanila ng kanilang boss. Kaya masaya si Lot 520 kung nasaan man siya ngayon. Hoping someday that someone will take and own her.

Lot 520 was born and raised inside the basement and ever since she was young she was taught how to accept everything that her boss said. She, together with the other twenty-nine girls, are the products of a test-tube baby. Pinalaki sila para lang pagsilbihan ang boss nila at ang magiging master nila, ang taong bibili sa kanila.

Walang alam si Lot 520 sa mga bagay-bagay bukod sa pumatay at magpaligaya ng mga lalaki. They were made out of nowhere to be raised as a slave. An innocent and naive slave.

She started learning how to hold a blade, gun, poison and drugs at the age of six. And when she turned ten, she was taught about sex and how to pleasure a man.

Simula noon ay araw-araw na silang tinuturuan ng iba't ibang klase ng pakikipagtalik at pakikipaglaban. Kung paano pumatay sa pamamagitan ng lason o ng kahit ano'ng sandata. Kung paano mang-akit at kung paano paligayahin ang magiging ka-partner nila.

Magiging espiya sila sa taong bibili sa kanila o sa taong mananalo kapag isasalang sila sa auction na siyang aktibidades ng kanyang boss tuwing anibersaryo ng organisasyon.

Hindi maunawaan ni Lot 520 kung ano ang auction na sinasabi ng boss niya pero oo lang ang kanyang tanging naisagot dahil parusa ang naghihintay sa kanila kapag sumuway sila sa utos ng nakakataas.

Hindi rin sila nakakalabas sa kulungan sa basement hanggang sa makatuntong sila ng edad na disi-otso. Upang masiguro na hindi sila makakatakas. Pero kailanman ay hindi naisip ng dalaga na tumakas dahil may respeto siya sa boss niya.

Keyller Rafe Hayes (Wild Men Series #34) TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon