CHAPTER 1 (Reminiscent)

7 1 4
                                    


CHAPTER 1

Reminiscent


------------------------------------------------------------

A/N:  Names, characters, businesses, places, events, and incidents, are products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Ynez's POV


MASAYANG masaya kami ni David habang naglalakad sa school campus at magkahawak ang mga kamay.

Katatapos lang namin kumain at pabalik na kami sa classroom namin.

Karamihan sa mga nakakasalubong namin ay napapatingin nalang samin at tila ba naguguluhan sa mga nakikita.

Ayan nanaman sila hindi na talaga sila nasanay.

David and I has been like this for morethan one year pero sa tingin ko gulong gulo pa rin ang mga tao sa paligid namin.

I hate the way they look at us but I don't mind them.

Hindi ko naman din kasi talaga sila masisisi kung bakit sila ganyan tumingin at mag isip.

Kahit sino naman siguro ang makakakita samin ay maguguluhan talaga.

At kung bakit? Simple lang, may girlfriend kasi si David at hindi ako yon.

Oo tama hindi ako yung girlfriend pero ako yung laging kasama.

Nung una nahihiya ako sa tuwing may mga taong nakatingin samin ni David pero sa katagalan ay nasanay na rin ako.


>Flashback<


TWO years ago when I first met David, naging seatmates kami kaya naging magkakilala at di nagtagal naging sobrang malapit sa isa't isa.

Mabait sya, sweet, maalalahanin at maalaga, mga katangiang hinahanap at kinakikiligan ng mga babae sa isang lalake.

Lagi kaming magkasama sa buong maghapon ng pasok namin na halos hindi na nga kami mapaghiwalay.

Ngunit hindi rin nagtagal ay nalaman ko na may girlfriend pala sya kaya naman naisipan ko na rin na dumistansya nalang sa kanya.

Ngunit ang pagdistansya pala ay walang bisa sa taong may angking kakulitan sa buhay.

Hindi naging dahilan ang pagdistansya ko para tigilan na nya ako.

Patuloy pa rin sya sa pagpapakita ng mga mabubuti sa akin.

Nacurious ako kung anong dahilan ng paglapit nya sakin kaya naman hinayaan ko nalang sya sa gusto nya.

Naisip ko rin na maki ride nalang ako sa trip nya, bahala na sa kung anong maaaring patunguhan ng lahat ng ito.



HABANG tumatagal ay mas lalong lumalalim ang pagsasama namin ni David.

Naging mas malapit kami kaya naman mas nalaman ko kung sino talaga sya.

Natural at totoo ang mga ugaling ipinakita nya sakin.

Pero isang sikreto ang aking natuklasan.

Ang pagiging gago at manloloko nya sa mga babae.

Sobrang galing nya mang uto ng babae.

Nalaman ko din kasi na bukod sa girlfriend nya at bukod sakin marami pa syang mga babae.

Nagkataon lang talaga na ako ang lagi nyang kasama kaya nasa akin ang buong atensyon nya.

Nainis ako sa mga nalaman ko.

Nainis ako sa girlfriend nya dahil ang tanga nya para hindi makaramdam at makahalata na gago tong lalaking mahal na mahal nya.

And at the same time naawa ako sa kanya dahil hindi nya dapat to maranasan.

Ang lokohin at paglaruan lang ng mga lalake.



ISANG gabi habang nakahiga ako at naghihintay dalawin ng antok napag isip isip ko ang mga nangyayari samin.

Hindi ito tama.

Hindi tama na magpatuloy pa sya sa mga ginagawa nya.

Hindi tama na niloloko lang ang mga babae.

Hindi tama na sinasaktan lang ang mga babae.

Hindi tama na pinaglalaruan lang ang mga babae.

Hindi tama na hahayaan lang natin na lokohin at saktan tayo ng mga lalake.

We should learn how to play with them.

This is Ynez Catherine Agustin.

And this is my GAME!


>End of Flashback<



------------------------------------------------------------



(A/N: Hello guys! Thank you for reading my story. I really appreciate it. Just keep on reading. I hope you'll like this. :)

Word for the day.

Reminiscent - thinking about the past : having many thoughts of the past.

Share ko lang :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Perilous Game of Love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon