Flashback

25 0 0
                                    

"Down Breevie!" Kaloka naman tong asong to. Ang likot-likot, san ba nag mana to. Di naman pwede sa amo niya. Breevie is cute. Yung amo niya parang pasan lahat ng planeta, palaging naka-kunot ang noo.

"Breevie stop it!" Langya tong asong to, bigla nalang dumamba sakin. Ang dumi-dumi ko tuloy.

Mahilig ako sa mga hayop, lalong lalo na sa aso. Kapag wala akong magawa sa bahay si Breevie palagi kong kasama.

"I said stop it Breevie! Isa nalang at mapupok-pok na kita ng brush!" Papansin tong aso to, may sapak ata. Ang dumi-dumi ko na talaga.

"Tss, para kang baliw. Pati aso inaaway mo."

"T-trey? What are you doing here? Diba may trabaho ka?" Tsk. Tingnan mo Breevie nasabihan tuloy ako ng baliw ng amo mo! :3

"Bawal na bang umuwi sa bahay ko?" tingnan mo tong unggoy nato. Nag tatanong lang eh. -__-

"Im hear to inform you about sa lakad natin mamaya. Mag-ayos ka. Wag mo kong ipahiya." then he turned his back on me.

Ughh! Kung pwede lang talagang kalbuhin ang isang yon matagal ko ng ginawa. Kaso alam ko may reputasyon siyang pina-pangalagan. Kaya nga pinakasal niya ako diba? Kawawa naman kung ganun.

Tinapos ko na ang paglilinis kay Breevie.

"Pakisabi sa amo mo na napaka-antipatiko niya!Bwisit!" tiningnan lang ako ni Breevie. Kawawang aso, napag balingan ko ng inis sa unggoy na yon. -__-

Pumunta na ako sa kwarto ko para makapag-ligo. Ang baho baho ko na. Amoy Breevie na ako. Hihi

Sinabon ko ang mukha ko, pati na yung braso ko na puro putik. Pinupunasan ko na yung mukha ko, ng mapa tingin ako sa salamin. Ang pangit ng itsura ko. Ang gulo-gulo ng buhok ko, walang kasigla-sigla yung mga mata ko. I knew the reason why. I felt dead inside.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla nalang akong humagulhol.

Crying wont solve anything. Sa halip na umiyak ako ng umiyak dapat magpakatatag ako, para malampasan ko ang mga unos na pinagdadaraanan ko sa mga oras nato.

Natatawa nalang ako sa sarili ko. I wont fail you mom. Bigla ko nalang nasabi sa isip ko.

Sobrang nanghihinayang ako. I used to lived in luxury before. Iyong mga panahong yun lahat ng gusto ko nakukuha ko agad. Pero naging pabaya ako. I indulged in too much pleasure that I forgot to plan for the future.

Dahil sa mahilig akong magbarkada, hindi ako nakapag tapos ng pag-aaral. Palagi ko kasing iniisip noon na I could always do that tomorrow. Hindi ko inisip na sa isang iglap maaring maglaho ang lahat.

Masaya kami noon kami ng Daddy at Mommy ko. Pero nagkasakit si daddy. Walang namamahala sa kompanya namin. Si mommy palaging nasa tabi ni daddy. Pero nung namatay si daddy nalugi ang kompanya. Ang natira nalang samin ay ang malaking bahay namin at ang lupang kinatatayuan nito.

After dad died, palagi nalang umiiyak si mommy. Hindi na siya kumakain, palagi nalang siyang nag kukulong sa kwarto. Nahihirapan rin ako kapag nakikitang nagkaka-ganoon si mommy. High school palang ako ng mga panahong yun. Wala akong magawa.

Lumipas ang mga buwan, hindi kinaya ni mommy ang pagka-wala ni daddy at nagkasakit rin siya. Yung mga panahong yon wala akong matak-buhan. Pinuntahan ko lahat ng kakilala ni daddy at nag babaka-sakaling makaka-hiram ako ng pera. Pero may mga tao pala na kaibigan lang nila noong nakaaangat pa sila sa buhay at ngayong naghihirap na sila ay naglalahong parang bula ang mga iyon.

Mom past away, dahil hindi na talaga kinaya ng katawan niya. Nalaman ko na may cancer pala siya.

Nagpasya akong lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho. Alam kong walang tatanggap sakin dahil High school graduate lang ako.

Naging taga luto ako sa isang restaurant sa Manila. Hindi sana ako kukunin nung manager kaso nag maka-awa ako, kaya tinanggap niya ako. May mgpagkakataon talagang bumigay na ako sa trabaho dahil sa sobrang liit ng sweldo. Pero nag tyaga nalang ako.

Nung umuwi ako samin dahil napag-desisyunan kong ibenta nalang ang bahay at lupa namin pero nadatnan ko si Atty. Suarez.

Sinabi niya sakin ang habilin ni Mommy bago daw ito namatay.

(Flashback)

Kinakabahan ako dahil kaharap ko si Atty. Suarez. May sasabihin daw siya tungkon sa habilin ng Mommy ko.

"Attorney masyado po akong kinakabahan sa ginagawa ninyo. Ano po bang sinabi sa dukumentong iyan na parang hindi niyo masimulan-simulan?" kaloka namn si attorney mag pa suspense suspense pang nalalaman.

"This is difficult for me, Alyssa." ano ba kasi iyon. May naiwan pabang pera si mommy para sakin?

"Ano ba kase yun attorney?" isa nalang at mababatukan ko na to.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nag simula.

"Here it goes.." then he started.

"No it cant be!!" napatayo ako sa sinabi ni Attorney tungkol sa habilin ni Mommy.

"Im afraid it is." Omg. Why? Parang nanghina ako sa narinig ko.

"She wanted to make sure that you will have a secure future." secure? ay abat nakakaloka nga. Secure ba talaga ang future ko sa mga Alcaraz. Lalot-lalo na't kailangan kong pakasalan ang anak nito na si Trey Alcaraz. My EX boyfriend.

Ano bang nasa isip ni Mommy non at yun ang naging desisyon niya. Pinag laruan ko si Trey noon, at alam kung galit ito ngayon sa ginawa ko. Pero kapag di ko siya pinakasalan, pano na ang kinabukasan ko? Im doomed!

(End of flashback)

Unstoppable Marriage [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon