Jealousy (1)

12 0 0
                                    

AN: Hi guys! Waaah! Vacant ko kase kaya napag-isipan kong mag UD sa watty. Nung una nahihirapan ako mag-isip kung pano ko gagawing thrilling yung story. Sa kakaisip ko, may bigla nalang nag pop out sa little brain ko kaya ayon. Haha :)

Sana magustuhan niyo. Pepektusan ko ang magsasabi ng panget. :3

***

I had a restless nights. Nagpapasalamat talaga ako at hindi sumama si Trey pauwi sa White plains. Wala akong mukhang ihaharap sa kanya. Nagpadala ako sa emosyon ko.

kasalukuyan akong na nanang-halian ng bigla nalang tumunog ang cellphone ko. I answered it. It was Trey.

Simple hearing his voice makes me breathless.

"Good Morning" aba himala ata at good mood ito.

"Same to you. Napatawag ka?"

"Wala na ba akong karapatan tawagan ang asawa ko."

I take a deep breath. Masyado pang maaga para mag talo kami. Ayokong ma bad vibes ng dahil sa unggoy nato.

"That's not what I meant. Nagulat lang ako, thats all."

"Well I just wanted to say Thank you."

"For what?"

"For doing your duty last night."

Ahh, kaya naman pala. Nag expect kapa kase Aly eh.

"Okay."

"You must have made a good impression sa mga clients ko. Tumawag sila saken demanding to fax the contract para sa proyektong gagawin namin."

"That's good, congrats." nawalan ako bigla ng gana.

"And gusto ko lang sabihin sayo, na may dinner tayo ng mga kaibigan ko mamaya."

"Trey k-kase may lakad ako mamaya." alibi ko.

"San ka pupunta?" sabat nito.

"Shopping. Remember my friends Dale and Evan?"

Si Dale at Even nakilala ko nung lumuwas ako ng Maynila ng mamatay si Mommy. Sila yung mga kasamahan ko sa restaurant na pinagta-trabahuan ko.

"Too bad, dahil kailangan mong sumama saken mamaya. That's the part of our deal when I married you, remember? Pupunta tayo sa resort ni Trevor. Use your credit card to buy some stuff for yourself. I'll picked you up mamaya 8pm sharp." then naputol na ang linya.

Nakakainis na siya. Ano tingin niya saken parang pagkain? Na kung inorder niya kailangan darating agad-agad at mainit-init pa!

***

Dahil nga sunod-sunuran ako ng magaling kong asawa. I decided na mag shopping nalang muna.

Pumunta ako sa isang botique to buy some two-piece bikini. Kanina pa ako pabalik-balik sa dressing room.

This is the first time kase na maglakas-loob na bumili ng two-piece bikini. Trip ko lang mag try.

Pinili ko yung splashy color na two-piece. Nagpaikot-ikot ako sa harap ng salamin. Bagay naman sa hubog ng katawan ko.

Ano kaya ng magiging reaksyon ni Trey pag nakita niya akong nagsuot nito?

Iwinaksi ko ang nasa isipan ko. Ano bang paki ko sa reaksyon niya?

Trey and I have been together for almost 7 months. At sa pitong buwan naming pagsasama alam kung wala itong katiting na nararamdaman sakin.

Pumunta na ako sa cashier para bilhin ang napili kong two-piece.Sa tagal na naming nagsama, ngayon ko lang ulit ginamit ang credit card na ibinigay niya. Simula nung nangyari samin ng pamilya ko noon, I had been so careful na pagdating sa pera. Ang isang buwan na allowance ko ay nilalagay ko sa bangko. Minsan lang ako gumasta kapag may okasyon lang.

***

"Im so glad you made it pare." bati samin ni Trevor ng nakarating kami sa resort na sinasabi ni Trey.

Ang ganda, sunset palang kaya kitang-kita ko dito sa pwesto ko ang paglubog ng araw.

Tss. Ano ba kasing meron? May reunion ba sila? Madami kami, may mga babae rin. Siguro mga girlfriend nila.

"Bro!" salubong samin ni Matt at nakipag-yakapan kay Trey.

"Stop it Bro! Nakaka-kilabot ka." tatawa-tawang tugon naman ni Trey.

"Ikaw naman namiss lang kita sobra!" nagtatampong biro nito.

"Yuck! Ang bakla mo dude!" sabay tawanan nila.

"Hi Aly." bati sakin ni Trevor.

I smiled at hin. "Hi Trev." Sa kanila si Trevor lang yung ka vibes ko. Si Matt kase masyadong palatawa. He love pranks. While Kent is a cassanova. Mabait naman sia kaso, parati yatang nang-aakit. Nakaka-kilabot. And Trey? No need to describe. Dahil alam kong alam niyo na. -___-

"Last time I see you ang ganda mo ngayo mas gumanda ka na naman lalo." loko to, napaka-bolero.

"Haha, alam mo ikaw napaka-bolero. But th--" hindi ko na natapos sasabihin ko ng pumagitna samin si Trey.

"Lets go! Im tired driving. I want to seat." Anong problema nito. Moody masyado.

"Heey, where is Kent?" tanong ni Trey sa tatlo.

"Late aiguro, baka nambabae na naman yun." sabat ni Matt.

"Tss. Alam niyong hindi na magbabago ang ungas nayon." tugon naman ni Trevor.

"Hey, ilagay muna matin sa loob ang mga gamit niyo." sabi ni Matt.

Papasok na sana kami sa isang bahay kung saan kami mags-stay ng may bigla nalang humatak kay Trey at niyakap ito.

"I missed you."

"S-sabina." gulat na sabi ni Trey.

"Nag tatampo na ako sayo, hindi mo na ako tinatawagan. Na miss kita sobra Trey." parang batang nagtatampo ito.

"S-sabina k-kase ---"

Hindi na natuloy ni Trey ang sasabihin niya ng bigla nalang siyang halikan nito. Nagulat ako sa nakita ko. Oo wala akong karapatang magselos dahil unang una palang mag-asawa lang kami ni Trey sa papel. Pero hindi ko maiwasang masaktan. Nasasaktan ako sa ma nakikita ko.

Gusto kong lamunin nalang ako ng lupa para di ko makita ang nakikita ko ngayon. How dare them! Kissing infront of me! Bigla nalang nanubig yung mata ko. Hindi ako makagalaw. Gusto kong tumakbo. Gusto kong sabunutan tong babaeng nasa harapan ko. Pero wala atang lakas ang katawan ko para gawin iyon.

Nagulat nalang ako ng bigla akong hilahin ni Trevor paalis sa lugar na yun.

Unstoppable Marriage [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon